Capitulo Quatro

1.2K 43 7
                                    

------------

MILENA'S POV

Di ako makapaniwala sa nakikita ko.......

Ako to? Ako ba to???

Nawala na ang aking mga pimples, blackheads at kung ano pang mikrobyo sa mukha ko.....

Isa lang ang masasabi ko...... ANG GANDA KO!

Pero sayang ang pang beauty queen kong face kung marami akong peklat sa body. So pinahiran ko rin ng magical foundation ang aking skin... at nawala lahat ng aking peklat!

Pero naisip ko masyadong magastos sa magical foundation pag buong katawan ko lalagyan ko ng magical foundation. Di bale, bibili na lang ako ng Sebo de macho.

 [A/N : Palike ng Fanpage ko sa Fb. Nasa profile ko yung link or sa External link

NICOLE'S POV

1 week na kami ni Janiel at sa loob ng 1 week na yun walang magandang nangyari! napakaprotective at napakaseloso niya! di tuloy ako nakasama sa inuman nila Kayzee nung sabado.

Hindi ko naman sasagutin yang si Janiel eh kung hindi lang ako galit kay Milena. btw, 1 week ng di pumapasok si Milena baka nagpakamatay na dahil kami na ni Janiel. Ahahaha! (tawa ni Kris Aquino) Pero seriously makikipagbreak na ako sa kanya.

JASMINE'S POV

1 week. one week ng absent si Milena. Nagaalala na nga ako sa kanya eh. kasi binisita ko siya sa bahay nila sabi ng tita niya wala na daw yung mga gamit niya pagkauwi nila baka naglayas na....

Miss na Miss ko na tal-

"Hoy Jasmine! bakit ka tulaley?" naputol ang aking pagmumuni muni ng umepal si Vince. Isa pa to sa problema ko eh. Nagseselos ako pag may kasama siyang girlalu. I know, normal lang sa isang bading na tulad niya na sumama sa mga ibang girls pero i can't control my feelings....

I need to do something para mawala tong feelings ko sa kanya

Wag na lang pala! Gawin ko na lang siyang tunay na lalaki?

"Hoy girl! tulaley ka nanaman! dinededma mo yung beauty ko!" sigaw niya. may tumilansik pang fish crackers na tira tira sa bibig niya

MILENA'S POV

one week akong nawala para pagplanuhan tong pagbabalik ko sa school hindi bilang milena kundi bilang Mimi. Lalandiin ko lahat ng boys dapat ang lahat ng atensyon nila ay mapasakin especially Janiel......

Ngayong araw na ako papasok.. makakapaghiganti na ako sa lahat ng lumait sakin!

rumampa na ako sa hallway.. at dahil maganda at makinis na ako pinagtitinginan ako.. oooh i love this feeling

At sa hindi makalayuan, natanaw ko ang mala pugad na buhok ni Jasmine kaya karakaraka akong tumakbo palapit sa kanya at sabay niyakap

"Teka miss, sino ka ba? bakit mo ba ako biglang niyakap?" tanong ni jasmine

"Di mo ba ako nakilala?! ako si milena!"  bulong na sabi ko sa kanya

[A/N : Commercial muna! nafollow niyo na ba si omgabrieel sa twitter or instagram? kung hindi pa, ifollow niyo na!

"Oo nga, ikaw nga! di ko makakalimutan yung mabahong hininga mo! teka, paano ka gumanda?" sabi ni Jasmine. Nang insulto pa -.-

di ko na siya sinagot at hinila ko na siya papuntang banyo

JASMINE'S POV

Di pa rin ako makapaniwala sa nangyayari! wala namang pera si Milena para magpaderma at di niya rin naman kamag anak si belo o kaya si calayan

"Milena, anong gagawin natin dito sa cr? bakit kailangan mo pang ilock?" tanong ko

"Mimi na, Mimi na ang itawag mo sa'kin"

pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla siyang naghilamos at..... unti unting bumabalik ang pangit niyang mukha....

napanganga ako sa nakita ko at nabalik ako sa wisyo ng pasukan ng langaw ang bibig ko

"P-paano y-yun n-nangyari?" sabi ko. di ako makapagsalita ng maayos dahil may langaw sa loob ng lalamunan ko. Curse that langaw!

di niya nanaman ako sinagot at naglagay naman siya ng foundation?

at biglang nawala ang kanyang mga pimples, blackheads, mga bakas ng bulutong.. at tumangos rin yung ilong niya at ang kanyang makapal na labi ay naging kissable lips...

Nahulog ang panga ko hanggang tiles ng banyo.. di pa rin nags-sink in sa utak ko ang mga happenings!

10 %

34%

67%

87%

99%

eeeengk! Processing failed >.<

Feeling ko mahihimatay na ak-

**slaaaaaaaaaaaaaap!!!**

"Bakit mo ko sinampal Mile- este Mimi?!"  Feeling ko bumakat yung kamay niya sa mukha ko sa sobrang lakas ng sampal niya

"Hihimatayin ka na kasi eh! di kita kayang buhatin! ikekwento ko sayo ang lahat"

--------------

7 votes to continue

Mi Landita : Malanding Pangit [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon