Capitulo Uno

2.3K 74 22
                                    

Milena's POV

Umaga nanaman papasok nanaman ako >.<

Dapat naman talaga di na ako magaaral eh! kasi namatay na yung mga walang kwenta kong magulang. Sama ko bang anak? Di No! Wala kaya silang ginawa kundi magsugal at manigarilyo buong araw. Tapos lagi pang sinasabi sakin

"Anak magaral ka ng mabuti. alam mo naman na pangarap namin ng papa mo na makapagtayo ng casino"

Diba nakakabwist?! Yun pa yung sinasabi instead na

"Anak, magaral ka ng mabuti para magkaroon ka ng magandang buhay kinabukasan"

Kaya ayun nawalan ako ng gana magaral laging patapon yung grade ko! tapos pag bagsak ako, sasabihin nila

"Anak! bakit di ka nagaaral ng mabuti?! alam mo ba natetempt akong isugal yung tuition fee mong twenty pesos?! mabuti at napigilan ko pa! pero ano?! Sasayangin mo lang yung twenty pesos! dapat isinugal ko na lang!!!" oh diba? -.-"

Di ko na ikekwento kung paano sila namatay kasi di ko rin naman alam. -.- naglaho silang parang bula pero sabi ng tita ko na namatay na daw sila pero di ako naniniwala... Masamang Damo yun eh!!

kaya ayun pinagaral ako ng tita ko sa public school diyan sa kabilang barangay

Ang rami ko nang nasabi di ko papala napakikilala yung sarili ko...

Ako nga pala si Milena Dita. Gara ba ng apilyedo ko? di ko nga rin alam kung saan nagmula yung "dita"... sa DIwaTA kaya? di ata. di naman ako mukhang diwata.

Describe ko sarili ko?? uhmm... Panget! Panget! Panget! tanggap ko nanaman no!

pero anyway, 4th year high school na ako. alam niyo ba na... Simula first year may nagiisa akong crush... Si.... Janiel Mendez! Gwapo niya kasi eh! ang yummy ! minsan nga di na ako nagdadala ng ulam kasi pag pinapanood ko siyang magbasketball habang kumakain ako ng kanin parang ....may ulam na! ayun tipid rin sa baon.

Nandito na ako sa tapat ng school. hinihintay ko yung bestfriend kong si Jasmine. Oo may best friend ako kahit pangit ako! syempre pangit rin siya. alam niyo naman... kaming pangit nalang ang nagkakadamayan...

Ayun dumating na si Jasmine

"Hello Bhest! Tagal mo namang dumating! Kanina pa ako pinagfie-fiestahan ng mga lamok dun. madadagdagan nanaman yung mga peklat ko!"

"........"

"Pipi ka na teh? bakit di ka makapagsalita?!" nakakapagtaka kaya! ang ingay ingay niyan kahit mabaho yung hininga!

".............."

di pa rin siya nagsasalita kaya kinurot ko sa tagiliran

"Hwaaah! Ahnova milhenha" sabi niya sabay takip ng bibig niya

bakit kaya para siyang bulol?

"Teh, bakit parang nahihirapan ka magsalita?" tanong ko. malay ko ba kung may taning na ang buhay nito

lumapit siya sakin at bumulong.....

"HAHAHAHAHA!" tawa ako ng tawa sa binulong niya! hinangin daw kasi sa jeep yung pustiso niya kaya ayun wala siyang suot na ipin.

Nandito na ako sa classroom. Di kami magkaklase ni jasmine nasa second section siya habang ako nasa 6th or last section. May quiz nga pala kami.

"Milena, may papel ka ba?"

"Oo Meron"

"Pwedeng pahinge?" sabi niya sabay kamot sa batok niya at lipbite. Duh! di bagay sa kanya sa mga cute guys lang yun bagay!

"Oh eto" sabi ko at inabot ko na yung papel sa kanya. Para makaalis na siya sa harap ko! nakakasuka talaga yung mukha ng Joel na yun forever!

Nagsimula na yung quiz.....

1.) Bakit sa likod binaril si Rizal instead sa harap?

Malay ko ba sa bumaril at naisipan niyang barilin si Rizal Sa Likod! Dati pa yun eh! Past is Past! mag move on na tayo!

2.) Bakit dalawa ang butas ng ilong?

Syempre. diba pag isa lang edi siksikan yung mga kulangot mo!

at marami pang tanong!

"Exchange your papers!" sigaw nung bakla naming teacher

At sa kinamalasmalasan naman oh! Yung checheckan ko pang papel yung kay Nicole! yung School Sweetheart ng school namin!

lumapit siya sa akin at bumulong "Itama mo yung dapat mong itama" sabi niya sakin na may halong pagbabanta sa boses niya

At ayun nagcheckan na!

"Who got 20/20?" sabi ng bakla naming guro

Tumayo naman si Adrian at lumapit sa teacher namin at binigay yung papel niya. Inabot naman ito ng bakla naming guro with matching lagay ng patilla sa likod ng tenga niya. Kasuka bwisit!

"Very good Adrian! dapat kayong mga estudyante kayo! dapat gayahin niyo si Adrian, Nagaaral!"sigaw ng guro namin

Duh. Di naman nagaral yang si Adrian eh! binigyan lang siya ng answer sheet nung bakla naming teacher eh! porket gwapo! dapat pantay pantay lang no!

"K. Who got zero?" tanong nung bakla naming teacher

At nagsitayuan ang lahat at inabot dun sa guro yung papel. Di niya na tinanong kung may naka-19/20 ba. kasi halata namang zero kaming lahat. bobo kasi kami....

Recess na! woohooo!

Palakad na ako papuntang canteen ng may humablot sakin...

Si Nicole!

"Sabi ko sayo diba na itama mo yung mga sagot ko!!!" sabi niya. kasama niya pa yung dalawa niyang alipores na sina Cassandra at Loraine

"Hindi tama yun Nicole.. Magkakasala ka.. pati ako rin. kaya dapat magpasalamat ka sakin Nicole at di natuloy yung sala mo" sabi ko with matching angelic voice.

"Wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyan!" sabi niya sakin with matching talsik laway

"Hawakan niyo siya girls" utos ni Nicole kanila Cassandra at Loraine

At nung nahawakan na ko nina Loraine at Cassandra....

"Anong gagawin niyo sakin?! Wag niyo kong sasaktan! Wag po! Wa-" Di na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla akong sinampal ni Nicole ng sobrang lakas!

"Ewwww! Yuck! you're so kadiri talaga milena! pumutok pa yung mga pimples mo sa kamay ko! look mo oh! may nana pa! G-r-r-r! lets go na nga girls! hmmp!" sabi ni nicole at tumalikod na siya with matching hampas ng hair

Napatingin ako sa salamin sa tabi ko.... Puno ng dugo yung mukha ko!

--- 

5 votes to continue

Mi Landita : Malanding Pangit [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon