Princess POV
"Hayyyy... Mababaliw na ata ako. Pang-ilan beses na nga ba akong natanggal sa trabaho?"
Yan lang naman ang paulit-ulit kong sinisigaw sa utak ko.
"Isa... Dalawa... Tatlo... Hmmmm.. Sampu?" Pagpapatuloy ko..
"Eraseeee—Princess! Erase that. Siyam... Tama siyam na beses palang, dahil hindi ka tinanggal ng baboy na 'yon. Diba nga, bago ka tinanggal nagresign kana?" Bulong ko sa sarili.
Sa totoo lang kanina pa ako natataranta. Ilang araw na nga ba ang lumipas simula nung mawalan ako ng trabaho? Kailangan ko na talaga ng bagong mapapasukan dahil nahihiya na ako kay Mare, lalong lalo na sa parents niya. Alam kong mabait sila sa akin, pero ayaw ko naman isipin nila na sinasamantala ko yon.
"Bjhaanakbd......gdjabsbdsh" sabi ng nagwawala kong sikmura.
Napatigil ako kakaisip ng biglang tumunog ang tiyan ko. Patay! Oo, tiyan ko nga 'yon. Nagugutom na nga ako.
"Hayyyy nako Prinsesa!! Maghahanap ka lang ng trabaho, pero hindi ibig sabihin non na hindi ka kakain? Okay?" bigla ko na naman naalala ang kaibigan kong nakapameywang pa habang pinagsasabihan ako kanina. Dinaig pa talaga niya ang nanay ko kung pagsabihan ako...
"Erase ulet!" shit lang naalala ko na naman siya. Bakit ko nga ba iisipin ang babaeng may kasalanan ng lahat kung bakit nasira ang pamilyang pilit pinaglaban ni Dad?
"Focus Princess! Focus. Tama na ang kadramahan." Ani sa sarili habang nagsisimulang na naman akong humakbang mula sa lugar na kinatatayuan ko.
"Saan kaya ako kakain?" isip isip habang tinitingnan ang paligid.
Andito nga pala ako sa bandang Makati. Hahanap ng makakainan dahil nangangalam na sikmura ko.
Kumain naman ako ng breakfast kanina ah? Walangjo! Gutom na naman? Daig ko pa may alagang tigre sa tiyan ko ah?
Aha! Alam ko na kung saan ako kakain, nang biglang....
"Ano ba? Nananadya kaba kuya?" bigla akong napasigaw ng malakas.
Napansin ko naman, naagaw ko ang atensyon ng ibang naglalakad rin. Pwes! Wala akong pakialam.
"Ikaw nga 'tong kanina pa mukhang malalim iniisip e. Nasa kalye ka Ms! Wala ka sa park ha?" sigaw niya sa akin.
Totoo ba 'to? Sya pa talaga yun may ganang magalit, e sya na nga yung kabangga sa akin? Mga lalaki nga naman sa panahon ngayon! Wala na talagang gentleman.
"Hoy lalaki! Wag mo nga ako masigaw---sigawaa---! Hoy kinakausap pa kita!!" Loko ko yun ah? Bigla nalang tatalikod. Hindi man lang humingi ng sorry!
"D*mn!" bulong ko na may kasamang malalim na buntong hininga...
Makahanap na nga ng kakainan. Tunog na ng tunog sikmura ko.
--------
Vincent POV
"Hi Vincent! Finally nice to meet you in person. Hope you still remember me? I'm Mon—aa" pag-aabot niya pa ng isang kamay sa akin.
"Just a second Ms." Pagputol ko sa sinasabi niya. "If you please excuse me." Dagdag ko.
"Ah okay, it's fin---e" muli di ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil agad na akong tumalikod sabay dukot ng cellphone mula sa bulsa ko.
"Dad! You didn't say it clear na iba-blind date mo ako Maureen! Ano ba? I thought this meeting is pure business, and not just an stupid date!?" sigaw ko na tila nagpipigil.
"Maureen? Who's that girl? This was the first time I heard that name". kilala ko si Dad, I know hindi siya nagsisinungaling sakin. Sa tuwing may ipapakilala siya, hindi naman niya yun itatanggi.
"Sya yung nasa party na pinuntahan natin last time kila Mr. Valdez. Yung pinakilala mo sa akin." Saad ko.
"Hahaha! My son.. My son!" He's laughing, naririnig ko yon at alam kong inaasar nya na naman ako.
"She's not Maureen. That girl was Mona! Ayan kana naman e." Mona nga bay un? Di ko ata narinig ng malinaw.
"Kaya nagtataka ako, iba-ibang pangalan kasi binabanggit mo. Pano ko nga naman sya makikilala?" dagdag ng ama.
"But you know me Dad! Wala ko hilig sa mga date na yan."
"No time to argue! See you at home later."
"But Dad---ddd.. Tooottt-toooot--- toot!" binabaan na naman niya ako ng phone.
Paano ko ba haharapin ang ganitong sitwasyon? Hayyyy bahala na. Di paba ako masasanay?
Bumalik ako sa table na tuliro. Hayyy buhay!
Si Dad talaga!
-----
Princess POV
"Sorry Miss! This is just a misunderstanding. Please to meet you my girlfriend." Sabi ng lalaking nasa tabi ko ngayon.
Wait.. Tama ba? Nananaginip ba ako? Kelan pa ako nagka boyfriend?
"Pakkkkkk!" isang malutong na sampal sa mukha ng lalaking katabi ko.
"Pakkkkkkkk!" What the hell? Pati sa akin.
Bigla akong hindi nakagalaw sa kinakatayuan ko. Pinipilit kong unawain ang lahat.
Ano ba talagang nangyayari? Sampalin ako sa mukha ng hindi ko inaasahan ng isang babaeng hindi ko kilala? May kasama akong lalaking hindi ko rin naman kakilala pero boyfriend ko daw? Kelan pa?
This is all unexpected! The hell.
Mukhang inulan ako ng kamalasan ng araw na ito.
--------
Author's Note:
Hahaha! Ano ba naisipan ko? Naisipan ko ata ituloy ang story. >.<
BINABASA MO ANG
LOVE FOR SALE
RomanceNabibili nga ba ang pag-ibig? Matatawaran nga ba ito ng salapi? Pero sabi nga nila, my mga taong kumakapit sa patalim pag msyado na silang naiipit sa isang sitwasyon.. Lets just say na may pagkakataong nagiging malupit sa atin ang kapalaran.. What i...