MS. HARDHEADED POV
"Mar---reeeeee!? mare... Huyyy bruha ka! Ano ba?" si Mary habang panay ang sundot sa tagiliran ko gamit ang darili niya.
Ang kulit talaga nitong bestfriend ko. Paano ko nga ba ito natatagalan? -_-
Di ba niya nakikita na busy ako? Sinabihan ko na nga kanina pa na manahimik na e..
Kasalukuyan ako ngayon nagmimix ng iba't-ibang alcoholic drinks. Nagtatrabaho kasi kami dito as part time job namin.
Pareho kaming food attendant dito sa isang bar, at the same time parang waitress na rin kami.. Well pag umaga restaurant naman ito.
Andito ako ngayon sa preparing area. Dito kasi pine-prepare lahat, simula sa pagmimixed ng mga iba't ibang alak hanggang sa pag aayos ng mga pulutan ng mga umiinom.
"Hi!! My kausap ba ko? Hindi na ba talaga uso sayo ang pansinin ako aber?" dagdag pa niya habang winawagayway sa mismong mukha ko ang dalawang kamay niya. Ang daldal talaga niya, malapit na talaga ako marindi sa ingay niya.
Binaba ko muna ang hawak kong wine glass. Baka mabitawan ko pa at mabasag dahil sa kakulitan nito.
"Hoy mare. Nakikinig kaba?" sabay sundot ulit sa tagiliran ko.
"SILENCE PLEASE!" hindi ko talaga napigilan sarili kong mapasigaw. "WHAT? ANO NGA DIBA?" halata ang pagkagulat niya dahil sa sigaw ko.
Tumingin siya sa mata ko tapos ngumiti ng pilit.
"Paano mo ko maririnig kung nasa iba ang atensyon mo?" pagtatampo niya. Nagalit ata ang mare ko sakin. Patay!
"Uy! Mare, sorry.. Di ko naman sinasadya e." sincere kong sabi.
Akma siyang tatalikod ng...
"Ill treat you bukas. Your favorite flavor! Deal?" pahabol ko pa.
At tuluyan na siyang tumalikod sa akin sabay sara ng pinto ng malakas.
Dati pag nagtatampo yun, icecream lang katapat niya.
Eh ngayon? Gosh! Di naman siguro siya nag-aadik, diba?
Pero, paano ko na naman kaya susuyuin yon? Hay! Napabuntong hininga nalang tuloy ako.
Hindi naman siya madaling magtampo dati. Bakit ngayon parang ang bilis naman ata niya mainis.
At dahil nag walk out na siya, magsosorry nalang siguro ako mamaya sa bahay pgkauwi ko. For sure di niya ko matitiis. Hehe!
After few seconds..
"Mare, akala mo galit ako no? Haha. Joke lang yon." sumilip siya sa pinto at nagsalita. Tawa ng tawa ang bestfriend ko. Akala ko tlaga nagalit. Buti nalang pala.
"Yes, mare?" tanong ko habang nakangiti ng bongga sa kanya. Hehe! Alam ko naman na nagtampo talaga 'to. Di lang talaga niya ako matiis na hindi pansinin.
"Nasabi ko na ba na hinahanap ka ni Sir Lim?" hmm.. bakit kaya ako hinahanap ng baboy ba yon?
"Bakit daw?" tanung ko.
"Mainit ulo niya mare, lagot ka!" parang nagbabantang sabi niya with matching kanang kamay na parang nananakot.
Baka alam na niya yong ginawa ko kanina sa customer. Lagot nga ata talaga ako. Aish! >_<
"Huy! Di mo ba narinig yun sinasabi ko?" sabay kulbit niya sakin. Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sakin.
"Narinig ko malamang! Hindi ako bingi. Ang lakas kaya ng boses mo." sabi ko.
"Pumunta kana doon. May sermon kana naman. Haha!" pang-aasar pa niya.
"Ok pupunta na!" sabi ko habang inaayos ang sarili.
BINABASA MO ANG
LOVE FOR SALE
RomanceNabibili nga ba ang pag-ibig? Matatawaran nga ba ito ng salapi? Pero sabi nga nila, my mga taong kumakapit sa patalim pag msyado na silang naiipit sa isang sitwasyon.. Lets just say na may pagkakataong nagiging malupit sa atin ang kapalaran.. What i...