Ako,si MissBlackGirl o Bettypat ay naririto upang magkwento ng mga sari-saring karanasan.
May mga masasaya,nakakalungkot,nakakaiyak,nakakatuwa,at nakakaloko. (Chos!)
Lahat ng mababasa mo rito ay pawang katotohanan.
Walang IMAGINATION kung tawagin nga ni Spongebob.
At walang kasungitan ni Squidward.
Mga friends,hindi ko kayo lolokohin sa mga malalaman niyo.PRAMIS. :))
Nasasainyo naman ang desisyon kung itutuloy niyo itong basahin o hindi.
Masaya kasi ako kaya ko siya ishe-share.
Baka kasi sabihin niyong " Corny naman nito.Akala ko storya. "
Pwes,ako na ho ang nagsasabi,hindi siya yung typical na storya na inaabangan niyo dahil THROW BACK SCENES ang mga nandidito. XD
Sa mga makakaintindi sa akin,hala, tara.Basa ka hanggang dulo ha?Sana maging kaibigan pa kita
Kapit kana din sa upuan,baka matumba ka.Mahilig kasi akong manulak minsan. XD
Plug in your earphones dahil nakakahumaling din ang boses ko. Mwahaha :D
≧◠‿●‿◠≦
Sa mga kaibigan ko dito sa watty, baka isama ko din po kayo :)) Mwahahaha, let the hunger games- - este let the story telling begin!
- - - - - -
Kwento 1
Gusto kong i-share how I got my name.
Yung totoong pangalan ko pero hindi ko na siya ire-reveal sainyo,bahala na kayong manghula. :D
December **, 199* at exactly 01:05 AM sa isang ospital sa manila,pinanganak ako.Natatawa nga ako kapag naalala ko yung kwento nilang sobrang bilis daw magpatakbo ng sasakyan ng tatay ko dahil from Laguna to Manila 30 minutes lang ang tinakbo nila.
I was like, ' ano yun? Lumipad sila? ' Haha.Ang bilis kasi.Idol ko nga tatay ko pagdating sa pagdadrive ih.
It was a HARD time for my mom to deliver me dahil nag 50/50 kami.
It came to a point na pinapipili na ng doctor kung sino ba ang bubuhayin or the more appropriate word,ILIGTAS sa amin.
My family at that point of time was frustrated.But my mom fearlessly chose not to save anyone but continue the delivery at kung ano ang mangyari,si Lord God na ang bahala.
May sakit kasi si mama, Rheumatic Heart Disease.
Would you believe na 6 na karayom ng anestisya ang nabaliko sa pagtusok nito sa likod niya? The doctors said it's because of her heart.Uncontrollable kaya pati ang katawan niya nagre-react in a bad way..
Si mama nuon ibang-iba ang ugali sa ngayon.Dati wala yang pakialam kung ano pa yang ginagawa mo,basta gawin mo agad ang gusto niya.Siya ang batas at dapat masunod.Malupit daw si mama dati.Pero ng dahil sa sitwasyon namin,nangako siya kay Lord God na kung papalaring mabuhay kaming dalwa,isusunod niya daw ang pangalan ko kay Mama Mary at Jesus. :)
And fortunately, maayos ang delivery at walang namatay sa amin.
Miracle nga kung tatawagin dahil mapalad na parehas kaming nabuhay.
And from then on,nag-iba na daw si mama.Kung dating sobrang taray at strikto..
Ngayon,pwede ka ng makipagharutan,biruan at kahit makipagsuntukan o boksing pa. Sadista yun eh. XD
Siya ang the best mom.
She didn't chose to save herself,instead wala siyang pinili kundi ang magtiwala kay Lord God.
Sana lahat ng mga nanay ganun.
Dahil kung matatag ang kapit mo kay Lod God,hinding-hindi ka niya bibitawan. :)
________________
So ayan,ito ang una kong kwento para sainyo.
Sana nagustuhan niyo.
Dedicated to rickyrescar.. Iniisip ko kasi kung kanino ba babagay yung unang kwento eh naisip ko yung convo natin tungkol kay God. Ayan. thanks kuya :)
BINABASA MO ANG
Kwento ni Bettypat.
HumorNote: Hindi po ito PG-13. Ewan koba sa watty,nilagay sa PG-13 eh General nga yung pinindot ko. Ajujuju