( Childhood Days )
Nung bata ako,madami akong karansan.
LATE akong nakakapasok sa school dahil mabagal akong kumilos. AS IN
Kaya naman yung mga kapatid kong mas nakakatanda sakin inis kapag isasabay ako.Dalawa kasi sila. Si kuya at ate.
Si kuya,highschool nun.
Si ate,Grade 6 nuon.
At si ako, Prep or Kinder nuon.
Oh diba,high definition ng memory ko at hanggang ngayon naaalala ko pa yung mga ganon. :D
Salitan kasi sila sa pagsabay sakin sa pagpasok sa school.Same school lang naman kami nuon eh.
Si Ate.. Kapag siya ang kasabay ko mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil late na siya. Kaya madalas iniiwan ako nuon.
Si kuya naman, yan ang kawawa.Dahil pag iniiwan ako ni ate wala siyang choice kundi isabay ako.Alangan namang magsakay akong mag-isa eh wala pa akong kamuang-muang nun. -_- ''
Tanda ko pa nuon, nuong nalate kami ni kuya, pagdating namin sa school,dalwa silang late.
Tapos andun yung teacher nilang lalaki.Ako,umuna ng pumasok sa room ko.
Pero dahil sadyang usosyera ako nuon,sumilip muna ako at nakitang nagpu-push ups sila. XD
Haha,ng dahil sakin pinagpush-up pa si kuya eh samantalang maaga naman yun kumikilos.Haha.
Hmmm.. Marami akong embarrassing moments nuon sa school na yun.
Tulad ng napaihi ako sa flag ceremony namin.Mabuti nalang nasa dulo ako ng linya dahil matangkad ako. Di tuloy nila napansin. HAHAHA! Nakakahiya! >.<
Tapos,napa- FACE THE WALL ako dahil sa kakulitan ng kaklase ko nuon na lalaki.
Hindi ko na matandaan ang pangalan niya eh. Pero inis padin ako dun.
Yung ginagawa kasi nila,magkukunwari na malalaglag sa upuan kasi plastic lang yung upuan. Yung tipong rocking chair ang gawain nila eh hindi naman pwede.
Ayun,nalalaglag sila tapos pagagalitan ng titser.
Kami,nagtatawanan tapos ako MEDYO nainggit dahil MUKHANG masaya kaya ginawa ko rin.
Eh EPIC. Natuluyan akong malaglg patalikod.
Ang lakas ng pagkakalaglag ko.
Eh talagang naubos pasensiya ng titser naming may salamin kaya naman pinagalitan ako ng bongga at pina FACE THE WALL! :((
Hiyang hiya ako ng mga sandaling yun dahil kitang kita ng mga kaklase ko ang pangyayari.
Hindi ko na matandaan kung ilang oras akong naka-ganon pero ang alam ko talaga, dismissal na kaya naman nagsi-uwian na sila.
Ako at yung isang babaeng kaibigan ko naiwan.
Ang bait nga nun eh.. kino-comfort niya ako habang umiiyak sa lamesa. :))
Kaso nga lang,sinundo na ako ng ate ko at sadyang nakakainis.
Kinuwento pa niya kay mama yung dahilan ng pag-iyak ko. >_< Napagalitan pa nga ako pag-uwi.
Half day lang naman kasi ako kaya sinasabay na ako nila ate pauwi sa bahay para mag-lunch.
Tuwing uuwi ako ng tanghali,kakain ako tapos matutulog na.
Kain tulog ako nuon. Kaya nga siguro tumangkad ako ng ganito eh. Haha.
Tapos dati,gustong-gusto ko pang makipaglaro sa pinsan kong mas bata sa akin na mataba.Lalaki siya at walang pake kung pangbabae pa yang laruan.Bait nga eh. :))
BINABASA MO ANG
Kwento ni Bettypat.
HumorNote: Hindi po ito PG-13. Ewan koba sa watty,nilagay sa PG-13 eh General nga yung pinindot ko. Ajujuju