Kwento 3

53 0 1
                                    

Kwento 3

Ang nakaraan.. CHOS!  :D 

Eto,tuloy ko lang yung kwento ko.

Kasi nuon,inutusan ako ni mama bumili ng softdrinks kila lola dahil tanghalian na.

Masaya ako naglalakad kasi sabi ko " Yes! Softdrinks! "

tapos nung papasok na ako sa pinto namin sa likod bahay naestatwa nalang ako. O_O 

Gulat na gulat ako sa nakita ko at tingin ko ganun din siya sakin. 

Mabuti nalang at nakita ako nila mama at papa na hindi makagalaw dahil hindi din ako makapagsalita.

Tinuro-turo ko nalang yung AHAS/SAWA dun sa tabi ng pinto namin na napakahaba!

Takot na takot ako nuon! ! Swear!

Pumasok ako sa kubo namin at sinara ang pinto habang sila hinuhuli yung ahas. 

Hoooh. Ngatal ako na ngatal nuon dahil sa nakita ko.Akala ko susunggaban ako ng ahas.

Ayon,pagkatapos nun,instant celebrity ako.HAHA. 

Tanong dito,tanong diyan, tungkol sa mga nangyari. 

Kung ayos lang daw ba ako.

BInigyan pa nga ako ng softdrinks nuon para kumalma lang ako. :D 

eto,singit ko lang, IMBA kasi eh.

Natutulog na dapat kami. Eh ako di makatulog,umuuga kasi yung ngipin ko.

Siyempre bata,normal lang matanggalan ng ngipin diba.

Ako,curious talaga kasi umuuga talaga ngipin ko,sa ayun,gamit yung dila ko dinilaan ko yung ngipin ko in a way para umuga siya.After ng ilang minuto nagulat nalang ako ng malasahan ko ang malat alat na lasa tapos humiwalay na pala yung ngipin ko sa gums ko. 

Ayun,di naman masakit.Tinabi ko nalang sa ilalim ng unan ko yung isang piraso ng ngipin dahil di naman ako makapunta sa kusina para ilagay sa lagyanan dahil gabi na at madilim.

Tumuntong ako sa Grade 1 ng maayos.

Naging honor ako nun. Minsan 2nd or 3rd. Di ko matandaan kung nag-first ba ako.Basta alam ko ang saya dati.

Pinaka memorable kasi sa akin kapag fieldtrip na. xD

Ang gara kasi ng fieldtrip namin dun. Aalis ng madaling araw,babalik ng hatinggabi. Yes naman. Sulit. :D 

Yung mga iteneraries na pinupuntahan namin mostly factories,gawaan ng monggol,gardenia at iba pa.Naalala ko nga,kagagaling ko lang sa sakit.Nilalagnat pa nga ako pero pinilit ko parin yung panganay kong ate na samahan ako sa field trip dahil gustong gusto ko talaga pumunta ng Star City.

At dahil sa dakilang kakulitan ko,dun sa factory sa monggol,hindi ko na kinaya at sumuka ako dahil sa hilo. Kakahiya, binigyan pa ako ng mineral water ng principal namin na napakaganda. :)) 

Nung Grade 2 naman, Enchanted Kingdom naman ang huling pinuntahan namin.

Di ko malilimutan ang experience namin dun lalo na nung pauwi.

Naka tulog kasi ako at paggising ko nakita kong naglalaro yung mga kaibigan ko sa bandang likuran ng bus.Tapos na sila tapos pinuntahan ako nung bestfriend ko.

Ayun,kaya pala di nila ako sinali dahil nga tulog ako at isa pa,nakakahiya daw gisingin pa ako.

Inasar pa nga nila ako na tulo daw laway ko. Hahaha! Badterf. -_- 

Masaya na talaga ako sa school ko,kaya lang,pagtuntong ko ng Grade 3 nagbago ang lahat.

Inilipat ako nila mama sa isang Private School na malapit lang sa lugar kung saan nakatira yung relatives namin sa side ni mama.

Nalungkot nga ako.Pati yung principal kinausap pa si mama na kung pwede wag na daw ako ilipat.

Kaso,gusto talaga ni mama na maganda ang foundation ko kumbaga.

Hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa mga kaibigan ko.

Wala man lang maayos na goodbye's and it broke my heart. 

Sobra ko silang na-miss.

Yung mga kaibigan kong makukulit.Malakas mang-asar.

Nakakatuwa nga eh,dahil dun mas lalo kong naappreciate ang buhay eskwela.

May kaklase akong half japanese. At nakakainspire,dahil palagi niyang kasama si alvin.

Si alvin,kaklase naming may dipenrensiya.

Nakakaintindi siya pero hindi makapagsalita ng maayos,hindi rin makagalaw o makpaglakad.Kaya naman kapag papasok o pauwi,isinasakay siya sa likod ng kaklase naming half japanese. 

Bait niya noh? Haaay, miss ko na sila. 

At yung karanasan ko nung birthday ng kaklase namin..

Uwian na kasi at may sumusundo sa akin. Si Mang Duroy. 

Niyaya ako ng bestfriend ko na sumabay na sakanila papunta sa bahay ng kaklase namin.Actually,hindi ko rin alam kung paano ako makakabalik nuon.Alam ko naman mabait yung mga parents nila dahil magkakakilala ang parents naming lahat.Kaya naman sumama na ako.

Isa pa,kainan eh,siyempre di ako makakatanggi.

So ayun,nagulat nalang ako ng dumating na si Mang Duroy kasabay yung isa naming teacher. Hahaha,akala niya kung sino na daw kumidnap sa akin. Haha. 

Pag-uwi ko may dala-dala akong spaghetti para kayla mama.

And it was fun. :)) 

Sayang nga lang, natapos ang mga masasayang araw ko sa school na iyon dahil nga sa paglipat ko. :((

__________

Drama ko.Next time uli guys. Thanks for reading :)

Kwento ni Bettypat.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon