1

20.2K 323 74
                                    

Three years after...

Tahimik na pumasok si Jaime sa loob ng kanyang dormitoryo. Init na init na siya. Kanina pa siya naglalakad at nagcocommute para asikasuhin ang bago nilang lilipatan na condo unit sa Quezon City. Malapit na rin ito sa unibersidad niya kaya aayusin na niya rin ang kontrata sa dorm niya at kukunin ang deposit. May isang buwan pa siya para manirahan dito sa dormitoryo niya bago makalipat.

Babalik na kasi ang nanay niya mula sa Singapore kasama ang nobyo nito. Wala naman siyang kapatid na kasama. Dalawang taon matapos pumanaw ang papa niya, napagdesisyunan nilang ibenta ang bahay nila sa Maynila at bumili ng mas maliit na pwedeng pandalawahang tao.

Hinubad niya ang pang itaas na damit bago isarado ang pinto at buksan ang ilaw. Napatalon siya sa kinatatayuan niya nang makita niya si Giovannie na nakahiga sa kama niya.

"'Tol, paano ka nakapasok dito?" nagtatakang tanong niya dito. Pinanatili niyang nakatitig lang sa mukha ni Giovannie dahil wala itong saplot kundi ang boxer lang nito. Nagce-cellphone ito at mukhang naglalaro.

"Your mom gave my mom your spare key, ngayon lang binigay sa akin ni mama," paliwanag nito.

Napabuntong hininga naman si Jaime. Bakit nga ba hindi niya naisip na mangyayari 'yun?

"Okay, kanina ka pa ba nandidito?" tanong niya dito.

Hinubad na ni Jaime ang pantalon niya, binuksan ang dim light sa lamesa sabay upo sa kama niya. Hindi maalis ang mga mata ni Gio sa nilalaro.

Hindi na nagulat si Jaime na nandidito si Gio dahil lagi rin namang nadidito ito bago pa umalis at bigyan ng spare key ng mama niya ito. Minsan nga napaiisip si Jaime na mas gusto pa nitong maging anak si Gio kaysa sa kanya.

"I just got here actually," saad nito. Pinatay na nito ang cellphone sabay bangon. "It's so hot outside 'no? Tang ina. I need to take a shower tuloy."

Hindi makapaniwala si Jaime sa narinig niya.

"Ginamit mo nanaman sabon ko?" nandidiring tanong niya dito.

"Oo naman," walang hiyang tugon naman nito. Naparolyo ng mata si Jaime at napatingin siya sa suot nitong boxer. "And are you wearing my boxer?"

"Why? What's wrong?" patay malisya pa nitong tugon sa kanya.

"Wala." Bumuntong hininga siya. Humiga na siya sa katabi nitong espasyo.

"Sus," saad nito. Humiga na rin ito sa tabi ni Jaime. Nagdidikitan ang hubad nilang mga braso ngunit hindi ito inalintana ni Jaime. Parang kapatid niya na kasi itong si Giovannie. Madalas lagi silang magkasama.

Magkaibigan ang mga magulang nila. Kaya mula pagkabata, hinding-hindi na ito napaghihiwalay. Parang pinag-usapan pa yata ng mga magulang nilang kung kailan mabubuntis dahil isang araw lang ang pagitan ng kaarawan nila kaya sa bawat kaarawan, sabay na sila naghahanda.

Ilang minuto silang naging tahimik na magkatabi. Naging tahimik lang si Jaime habang yakap-yakap ang unan sa tabi niya at si Gio naman ay muling binuksan ang cellphone at naglaro. Hinatak ni Jaime ang kumot dahil lumamig bigla sa kwarto, naramdaman niya pa ang pagsayad ng buhok sa binti ni Gio sa binti niya.

"Wala ka bang pupuntahan ngayon?" pagbasag niya sa katahimikan. Tulala lamang si Jaime, pinagmamasdan ang kakinisan ng pader. Nakakapagtaka naman kasi talaga kung bakit alas tres ng hapon nandidito ito ngayon sa dorm niya. Madalas kasama nito si Jizelle, girlfriend nito.

Mukhang nabasa nito ang nasa-isip ni Jaime. "Jizelle and I broke up." Napaupo bigla si Jaime sa kama at napatitig nang nagtataka kay Gio. Hindi na pala ito naglalaro, nakatitig ito sa kisame habang nakaunan sa mga kamay nito.

TOL (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon