3

11.3K 251 44
                                    

Naglalakad mag-isa si Jaime sa school ground para makapaghanap ng pwesto para makapagbasa-basa. Sawang-sawa na siya sa librong ginagamit nila sa paaralan kaya humiram siya ng sci-fi sa library. Hindi niya rin trip sa library mag stay dahil punung-puno ito ng mga taong nag-aaral. Mahilig matuto si Jaime at mag-aral dahil sinasabi narin madalas ng kanyang nanay kung ano ang kahalagahan ng edukasyon. Isa pa, grade conscious din kasi ang nanay niya, dumating sa puntong halos hindi makakatulog si Jaime kapag hindi pa siya nakakapag-aral.

Kapag nasa library siya, naprepressure siya at nakikita niya kung gaano siya ka-unproductive. Bukas na kasi ang exams nila, may moving practicals at may written examinations. Noong isang araw pa siya nagsimulang magbasa at mag-aral kaya ngayon magpapahinga muna siya.

Nakakita siya ng lilim sa ibaba ng puno na nakatindig sa gilid ng building ng parking lot. Merong maliit na gazebo ito at doon niyang napagdesisyunang humiga at magbasa. Sakto pagkadating niya dito ay walang tao, solong solo niya ito.

Naglatag siya ng madalas niyang dalhin na tela para hindi madumihan ang puti niyang uniporme.

Kasagsagan nang pagbabasa ni Jaime nang may umupo sa paanan niya. Hindi niya muna ito pinansin dahil baka ibang tao lang na gusto ring mag-occupy ng gazebo.

"Jaime," pagtawag sa kanya. Tinanggal ni Jaime ang librong binabasa niya at tinignan kung sino ang tumawag sa kanya. Kumalabog ang dibdib niya nang makita niyang si Monica pala ito. Ilang araw niyang sinubukang iwasan ito. Hindi na rin niya ito tinutugunan sa facebook.

Napa-upo kaagad si Jaime mula sa pagkakahiga. "Hi Monica," bati niya dito. Napakagat ng labi si Monica at hindi siya makatingin sa kanya ng diretso.

"Sorry, iniistorbo ba kita?" tanong nito sa kanya. Napaiwas din ng tingin si Jaime dahil nahihiya rin siya dito.

"A-ah...no..." Hindi makahulma ng salita si Jaime dahil hindi niya din alam kung paano ito kakausapin matapos ang mga sinabi ni Gio dito. "Matatapos na rin naman ako sa binabasa ko," tugon niya dito. Pinilit niyang ngumiti.

Tahimik lang itong nakatingin sa lapag at panakaw na tumitingin kay Jaime.

"I've been wondering..." tumigil ito sa pagsasalita.

"Hmm?"

Alam ni Jaime kung ano kasunod nito. Bakit siya di nagrereply, kung bakit siya walang paramdam, at kung bakit niya ito nilalayuan. Halata naman kasi sa mga ginagawa ni Jaime. Hindi niya lang kasi talaga kayang makipagkita dito lalo na't hindi rin inaasahan ni Jaime ang mga binitawang salita ni Gio dito.

"Do you want to hangout?" pataas ang tono ng boses nito na para bang hindi na alam kung paano ang tamang pagsasalita. Tumingin ito sa ekspresyon ni Jaime.

Napahinga ng malalim si Jaime. Hindi naman pala nito kinekwestyon ang mga ginagawa ni Jaime. Siguro nga mas magandang si Gio na lang ang kumausap dito.

"Uhm..." panimula ni Jaime. Gusto na lang niyang tumayo at umalis dito dahil kakaiba ang ihip ng hangin. Parang hinahatak lahat ng salitang bibigkasin niya.

"Sorry, forget that." Tumayo na ito at tumakbong palayo sa gazebo. Iniwan si Jaime na nakatitig sa kawalan.

Minura ni Jaime ang sarili dahil sobrang awkward ng nangyari na iyon. Napahampas siya sa batok niya. Bakit nangyari ang lahat ng iyon? Dapat kinuha na niya ang pagkakataong iyon para sabihin dito ang totoo na hindi siya ang kausap nito at kundi si Gio.

-|-|-

Naglalakad si Jaime sa loob ng campus. Ilang araw na ang nakalipas nung insidente sa gazebo. Hanggang ngayon wala parin siyang lakas nang loob na kausapin si Monica. Hindi niya rin kasi alam ang sasabihin dito. Para din maiwasang ma-guilty siya, hindi na muna siya nagbubukas ng facebook. Ayaw niyang makita ang mga messages nitong naka inbox lang. May bahagi ng utak niya na gustong sakalin si Gio dahil alam niyang siya ang may dahilan kung bakit nangyayari ito.

TOL (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon