• Chapter 2: Seriously •

31 4 3
                                    

Louise POV

Practise pala namin ngayon sa badminton . Kaya itong si krisha eh tumawag agad sa akin at excited daw siya ... Tsk dahil na naman kay ash yun . Makakasabay kasi naming mag practise ang team ng basketball , soccer at tennis . Edi siya na excited .

Bumaba na ako at nadatnan ko naman si manang na naghahain na ng pagkakainan namin . Nasan kaya si mommy at si loui ??

" Manang si mommy po tsaka si pandak " Tanong ko kay manang at umupo na sa upuan at kumuha ng tinapay . Si loui pala tinawag kung pandak kasi 2nd year palang napakatangkad na ... Mas matangkad pa sa akin huhu napag iiwanan na talaga ako .. irony lang yung pandak ha T__T

" Ah si mam nauna na kasi marami pa daw siyang aasikasuhin . Si loui naman --- " hindi na natuloy ni manang yung sasabihin niya ng biglang sumulpot si pandak sa likod ko .

" Bakit miss mo na ako ate " sabay akbay sa akin at kindat .. Yuck lang ha!! gusto kung masuka na ewan eh .

" Ang panget mo alam mo yun ? " Sabay hampas ko sa patpatin niyang braso .. Kumain nalang ako .

" Nagsalita si Fiona " napatingin naman agad ako sa kanya na katapat ko lang at ang sarap ng tawa . Sinipa ko yung paa niya kaya napatigil siya at sinamaan ako ng tingin . Dinilaan ko siya at tumawa ako habang siya naman naasar haha buti nga fiona pa siya ah ... Tumayo na ako at kinuha ko na yung bag ko . Ganyan talaga kami ni loui laging nag-aasaran -.-

" Bye shrek !! Hinay-hinay ka sa pagkain ha !!! " Sigaw ko sabay tawa ng malakas at lumabas na rin ako at sumakay sa van na sasakyan papuntang school . Naka p.e lang ako ngayon tutal puro practise lang naman gagawin namin .

Nang makarating na ako sa school agad naman akong sinalubong nitong kaibigan kung adik kay Ashton Jeremy Zarias -.- .. Baliw na baliw .

" Beshaii ang tagal mo naman eh "

" Ano ba 6:30 palang 7:00 ang practise natin kung excited ka huwag mo naman ipahalata " Sabi ko habang naglalakad kami papuntang court duon naman kasi kami magpa-practise .

" Ehhh !! Alam mo naman diba ?? Nakita ko kaya sila kanina nasa field nag so-soccer . Inggit nga ako sa bola eh " Kinikilig naman na sabi niya . Ano ba naman bat ba nagkaroon ng gantong tao sa earth at universe ??? Hindi makatarungan :(

" Pwede ba beshaii edi sana nag presinta ka na ikaw nalang gawing bola para ikaw yung sipa sipain at lamog- lamogin " Irita kong sabi at buti nalang nakarating na kami sa court at medyo onti palang ang mga player na nandito .

" Beshh ... OMGEE na possess ka naba ?? o may sakit ka lang ?? ang Hard mo sa akin eh " Sabay pout niya pa . Alam niyo yung nakakairita ?? yung kaibigan niyong pacute masyado sarap ilampaso .. Pero syempre dahil mahal ko si beshaii siya nalang yung bunot na pang lampaso .

" -___- Speechless " ayan nalang nasabi ko . ayoko nang pahabain baka mapa punta pa kami sa korte kaka bangayan .

" OMYGulayy ... Ang gwapo niya talaga kahit naglalakad lang kyahh he's absolutely perfect " Sino naman kaya yun ?? Napatingin naman ako sa tinitignan ni krisha at sana pala hindi na ako nag expect na kung sino pa . Eh si ash na naman eh -.-

" Nako yan na naman siya " bulong ko sa sarili ko .. Puro ash na naman ang bukang bibig nito >_<

" Okay nandito na ba ang lahat ?? .. Buti naman dumating kayo ng maaga at akala ko filipino time na naman so mukhang complete na ang mga members magpa-practise na tayo . By the way i'm couch george " sabi ni couch " Dahil hindi naman tayo kasiya dito sa loob ng court ang players ng Volleyball at Tennis ay dito at ang Badminton naman at basketball sa gym " pagpapatuloy ni couch .. OKayy teka badminton at basketball daw ?? so pati sila ash kasama namin sa gym ?? nako ano nalang kaya gagawin nitong si krisha .. Tinagnan ko siya saglit at mukha naman ng lolang ito mukhang ihing-ihi na hindi maintindihan .

My Famous HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon