wheelchair

1.2K 35 0
                                    

    Isang malakas na sigaw ang namutawi sa bibig ni cassey nang makita ang pagtilapon ng kotse. Parang ipinako siya sa kinatatayuan sa mga nakita.
     Hindi niya inaasahan ang mga nangyari. Para siyang nabingi sa mga sigaw at siren ng ambulansyang rumespunde ng aksidente. Hanggang mawalan siya ng malay.

     *    *    *
      Nagising siya dahil sa mga boses na naririnig niyang naguusap. Kahit hindi niya nakikita ang mga ito ay alam niyang ang kapatid at ang mommy niya ang naguusap sa di kalayuan.
      Mommy? Tawag niya sa ina nang magmulat siya ng mga mata.
      Cassey! Kumusta na ang pakiramdam mo? Nagaalalang tanong nito na agad tumabi sa kanyang hospital bed. Nakasunod naman si mike.
      Mommy, its my fault! Aniyang tumula ang luha.
      Magpahinga ka muna baby girl. Wika ng mommy niya.
      Hindi mommy. Si nick kumusta na siya? Pupuntahan ko siya. Kailangan niya ako. Aniyang nagpapanic.
     Stop it cassandra. Wika ni Mike na nagpipigil lang ng galit.
     Umiiyak siya na tumingin sa kapatid. Kuya please im begging you, i want to see him.
     Pagkatapos mong ilagay sa peligro ang buhay ni Nick may mukha ka pang magpakita sa kanya? Wika nitong tinititigan siya sa paraan na parang kinokonsensya siya.
     Kuya please pagbigyan mo ako. Umiiyak paring wika niya. Gusto kong makita anong lagay niya.
     Galit sayo si tita leticia. Dahil sayo maaaring maputolan ng paa si Nick.
     Parang nanghina ang tuhod niya sa narining mula sa kapatid. Dahil sa kanya ay naaksidente si Nick. Kaya lalo siyang na guilty. Madalas man silang nagtatalo ni Nick ay hindi naman niya hiniling na may masamang mangyari rito.
      Kaya huwag ka munang magpakita kay tita, hayaan mong ako ang maglinis ng kalat mo. Seryosong sabi ng kapatid.
      Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa kapatid. At hayaan na munang lumipas ang mga araw kahit hindi makita si nick.

      *      *      *
     Nakalabas na ng hospital si nick at iniuwi na sa bahay. Yun ang narinig niya mula sa kapatid. Lingid sa kaalaman niya ay lihim din siyang kinumusta ni Nick kay Mike.
     Palagi niyang ipinagdasal na sana ay makita na niya ang binata at mabisita sa bahay nito na katapat lang ng bahay nila. Mula nang makauwi siya sa kanilang bahay ay hindi siya lumalabas kahit sa kanyang silid. Pati mommy niya ay nag-aalala na sa kanya. 
      Lihim niyang sinilip sa bintana ang bahay nila Nick, baka sakaling makita niya ito sa hardin o sa terrace ng silid nito.
      At nakita nga niya ang binata sa hardin, nakaupo ito sa wheelchair. Kaya agad siyang lumabas ng bahay para puntahan ito.
      Nang malapit na siya sa kinaroroonan nito ay parang gusto niyang umatras. Kinabahan siya bigla. Takot ba siya rito o may bagong umusbong sa puso niya para sa binata.
      Ipinilig niya ang ulo sa naisip. Tatalikod na sana siya para bumalik sa bahay nila ngunit nakita siya ni Nick.
      What are you doing here? Nakakunot ang noong tanong nito sa kanya.
      Nick! Wika niya sa kawalan ng masabi.
      Umuwi ka na kung wala kang sasabihin. Seryosong wika nito.
      Nick im sorry! Sa wakas ay nasabi niya.
      Hindi na maibalik ng sorry mo ang mga nangyari. Kaya umalis ka na. Mahinahon ngunit matigas na wika ng binata sa kanya.
      Nick im so sorry. Hindi ko inaasahang ganun ang mangyari. Naging matigas ang ulo ko. Hindi ako nakinig sayo. Seryosong wika niya sa binata.
      Cassandra please umuwi ka na. I dont like seeing you in my house.
      Nick huwag mo naman akng ipagtabuyan. I want to take care of you. Hayaan mo naman akong makabawi . .
      Ano ba! He shouted at her. Why are you so hard headed. Can't you understand. Why are you so spoiled brat. Pinalaki ka naman ng maayos nila tito and tita. Ganyan ba talaga katigas ng ulo mo? Galit nitong sabi sa kanya.
      Pakiramdam niya ay sumikip ang dibdib niya sa mga sinabi ng binata. Kulang nalang ay nilamon siya ng buo ng binata. Nakita niya sa mga mata nito ang galit na nararamdaman. Dahil ngayon lang niya ito nakita sa ganitong sitwasyon.
     Im sorry! Aniya tsaka tumalikod para hindi makita ng binata ang sakit na nararamdaman niya. Habang papalayo ay narinig niyang tinawag siya ng mama ni Nick ngunit hindi na siya lumingon at tinungo ang kotse.

Note: dont forget to vote please
See you on my next chapter next week. Medyo busy na kasi sa business ko.
     
     

My Brother's Bestfriend/endedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon