Cassey naman matagal na nating pinagplanuhan ang race na ito. .
Dex ano kasi. . Kailangan ko pang magpaalam kay mommy. Hindi pa kasi niya alam ang tungkol sa pagsali ko. Dahilan niya sa kaibigan na nasa kabilang linya ng telepono.
Cassey bilisan mo baka wala ka nang slots sa karera na to. Next week na ang alis namin papuntang europe. Kung gusto mong sumabay bilisan mo ang pag desisyon mo, para kasama ka sa team.
Okey! Okey! Aniya rito. Sa totoo lang pinapangarap niya na makasali at makasama sa team na lalaban para sa pilipinas. Para sa kanya ay laking karangalan ang maitayo ang bandila ng pilipinas sa buong bansa.
Kung ganun aasahan ka namin. At tatawagan kita ulit para sa mga updates. Wika nito sa kabilang linya.
Okey Dex. Salamat! Isang buntonghininga ang pinakawalan niya pagkababa niya sa cellphone. "I love to race, but i cant leave him". Iisipin pa lang niya na aalis ay parang ayaw na ng puso niya. Sa mga araw na nakalipas ay unti-unti ng gumaan ang loob ng binata sa kanya.
Araw-araw ay dinadala niya ang binata sa tabing dagat at hayaan itong ilublub ang katawan sa tubig. Unti-unti ay naging masunurin naman ang binata sa anumang sasabihin niya. At inaaalayan din niya ito kung gusto nitong tumayo upang ma exercise nito ang mga paa.
Ano kaya mo pa? Minsan ay tanong niya rito nang tinulongan niya itong tumayo.
Ofcourse kaya yan. Nakangiti nitong sagot habang nakatayo nyunit hindi pa magalaw ang mga paa.
Hayaan mo makakalakad ka rin. Il be here for you Nick. Sensirong wika niya rito.
Why are you doing this? Tanong ng binata na matamang nakatitig sa kanya.
" Ahm. . ." Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman nang magtama ang kanilang mga mata. Nakatunghay ang binata sa kanya habang siya ay napatigil sa pag-alalay sa binata nang ma realize niyang napakalapit ng mga mukha nila.
Nararamdaman niyang biglang bumundol and dibdib niya sa kaba. "Nick . . . Gusto mo bang umupo na muna?" Aniyang iniba ang usapan tsaka tumalikod upang iwasan ang mga mata ng binata.
Gusto kong pumunta sa tabing dagat. Wika naman ng binata pagkaraan ng ilang minuto.
Kayat muli siyang humarap kay Nick. "Are you sure? Hindi ka ba pagod?
Mas gusto kong napapagod ako upang agad akong makakatulog.
Nick baka makasama sayo. Bukas nalang ng umaga, mas maganda yun. Aniya rito.
Eh di kung ganun ihatid mo nalang ako sa silid ko.
Okey! Walang kagatol-gatol niyang sagot rito. Inalalayan niya ito hanggang sa loob ng silid. Nakaakbay ito sa balikat niya upang e-balance ang sarili sa paglalakad habang nakapaikot ang mga braso niya sa beywang ng binata.
Inaaalalayan na niya itong makaupo sa gilid nang kama nang sa hindi niya inaasahan ay na out of balance si Nick kaya kasama siyang bumagsak sa kama at napailalim siya sa katawan nito. "Aray!" Napasigaw siya at napahawak sa kanyang ulo dahil sa sakit nang tumama ang ulo niya sa ulo ng binata.
Are you okay? Nag-aalalang tanong ni Nick na halatang nasaktan din. Sorry hindi ko sinasadya. Anitong hindi aware sa posisyon nilang dalawa.
Its okay Nick, medyo malakas lang ang pagkakauntog natin. Aniya rito na hindi makatingin dahil sa sobrang lapit ng mga mukha nila. Halos nalalanghap na niya ang hininga ng binata. Ngunit napatigil siya nang nakatitig ito sa kanya.
Whats wrong? Aniyang hindi mapakali. Dahil sa sobrang lakas ng kaba sa kanyang dibdib.
Your so beautiful.
Nick kung dahil iyan sa pagkakauntog nating dalawa, i tell you mawawala din yan mamaya. Aniyang idinaan nalang sa biro ang sagot.
Ngunit seryoso parin itong nakatitig sa kanya. Kayat lalo siyang kinabahan. Para siyang hinihigop sa mga titig nito sa kanya.
Napapikit nalang siya nang maramdaman ang mga labi nito sa kanya. It is a sweet tender kiss. Ngunit hindi pa man lumalalim ang halik ng binata ay nagulantang sila sa boses ng babaeng katiwala.
Ala eh mga bata kayo, ang akala ko may bumagsak, kayo lang pala. Sa susunod mag sara kayo ng pinto. Iiling iling ng katiwala. Andyan na nga kayo. Wika nitong tumalikod.
Sabay nagkatinginan ang dalawa. At nagkatawanan. Ikaw kasi! Aniyang dali-daling tumayo.
Huwag ka munang umalis? Nakangiting sabi ni nick nang mapansin na lumayo siya rito.
Nick magpahinga ka na muna. Aniyang pinipigilang makangiti ng matamis sa binata. Pakiramdam niya kasi ay umaapaw sa tuwa ang puso niya. Babalikan nalang kita mamaya pagkatapos kong maghanda ng hapunan natin.
Promise?
I promise nick. Binigyan niya ito ng assurance upang pakawalan nito ang kamay niya.
Hindi siya nabigo dahil dahan-dahan nitong pinakawalan ang kamay niya habang nakatitig sa mukha niya.
Napangiti siya rito. Tsaka Kinantalan niya ng halik ang noo nito bago umalis.
Am in love? Aniya sa kanyang isip at tinakbo ang sariling silid. Gusto niya sumigaw dahil gusto niya mailabas ang nararamdamn. Hindi niya mapigilang mapangiti nang maalala ang halik ng binata. Mabilis lang ang halik ngunit nagsasabi ito nang pag-ibig.
Note: please dont forget to vote and comment.
Watch out for the next chapter.
Thank you guys!
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend/ended
RomanceSi Cassandra ay isang spoiled brat na laging nasusunod ang gusto. Nakakabatang kapatid siya ni Mike na may matalik na kaibigan na siyang laging kasama nito. Si Nick.