my hearts jumps when your near

1K 21 0
                                    

Pagdating nila sa bahay ay dederetso sana siya sa kanyang silid upang ipakita kay Nick na nagtatampo siya. Ngunit na bitin siya sa may hagdan nang napansin niya na may nagtatawanan sa kanilang pool. Tinungo niya ang kinaroroonan ng mga ito hindi pansin na nakasunod na sa kanya si Nick pagkatapos mag park ng kotse.

Napataas ang kanyang kilay nang makita kung sino ang bisita nila.

Hi Cassey! Nakangiting bati sa kanya ng kaibigan habang lumalangoy sa tubig, kasama nitong lumalangoy ay ang kapatid. Habang ang kanyang mommy ay nakaupo sa bench malapit sa pool.

Hi! Good to see you here. Nakangiting wika niya ngunit nakataas parin ang kilay.

Baby girl andiyan ka na pala. Come join us. Ni Mike.

Oo nga baby girl, sumali na kayo ni Nick. Sabi ng mommy niya. Saka niya naalala na kasama pala niya si Nick. Ang akala niya ay umuwi ito sa bahay nito.

Sige, magbibihis lang ako. Aniya.

Nick huwag ka nang umuwi, manghiram ka na lang sa mga gamit ko. Wika ni Mike sa kaibigan.

Sige pare! Nakangising sabi naman ni Nick. Tinalikuran niya ang nobyo at pumunta sa kanyang silid upang magbihis. Pabalik na siya ngunit muntik na siyang mapatalon nang pagbukas niya ng pinto ay nakaabang sa kanya si Nick.

What are you doing here! Aniyang Hindi alam ang dapat e reak.

Waiting for you! Sagot nitong nakangiti sa kanya ng pagkatamis-tamis. Hindi tuloy niya mapapangatawanan na nagtatampo siya rito. "Tsaka na miss kita eh." Anitong hinapit ang beywang niya at hinalikan siya sa labi.

Nick. . ano buh! Makita tayo ni mommy. Aniya sa binata.

Napangiti naman ang binata sa reaksyon niya. "Alam mo bang my heart will always jumps when your near." Kinilig naman siya sa sinabi nito. "Halika na nga." Wika nito sabay hawak sa kanyang kamay

Pagdating sa pool ay may nakahanda ng mga pagkain. Natitiyak niya na ang kanyang ina ang nagpahanda. Tumingin si Trish sa kanya nang umupo siya sa gilid ng pool tsaka ito lumangoy papunta sa kanya habang si Nick ay binitiwan ang kamay niya.

I smell something fishy. Wika nitong nakaisa ang isang kilay na tumingin kay Nick.

I smell something more fishy. Sagot naman niya rito. "Teka nga muna kayo na ba ni kuya? Parang lagi ko na kayong nakikita na magkasama eh."

Hindi siya nanliligaw noh. We are just friends Cassey. Sagot nitong nag blush.

Well, .. aniyang tumingin muna sa kapatid na inabotan ng beer si Nick. "I think gusto ka ng kuya ko. Kasi hindi iiwan ni kuya ang opisina kung hindi rin lang importante. Goodluck." Pagkasabi ay lumangoy siya palayo sa kaibigan.

Wait Cassey. Hindi mo pa sinabi sa akin kung anong score ninyo ni Nick. Pahabol ng kaibigan sa kanya. Ngunit patuloy lang siya sa paglangoy. Hindi niya napansin na lumusong na pala si Nick sa pool at sasalubungin siya nito. Muntik na siyang mapasigaw sa gulat nang pumulupot sa kanyang beywang ang mga braso nito. Tsaka siya hinila sa mas malalim pang tubig. Kaya't napakapit siya sa leeg ng binata.

"Nick! Ibalik mo ako sa mas mababa, Alam mo naman na ayoko sa ilalim eh." Aniyang medyo kinakabahan na. May takot siya sa heights, sa carera lang siya hindi takot. Ngunit sa pagkakataong ito ay nagugulo ang isip niya dahil ang lapit lapit nila sa isat-isa.

Relax baby girl, you are just nervous. Just trust me. Ni Nick na mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya kaya't lalo siyang nenenerbiyos sa pagkakadikit ng mga katawan nila.

How! Your making me nervous! Naaasar na wika niya.

Ang cute mo pag nagagalit. Nangingiting sabi ng binata.

Pakiramdam niya ay namumula ang pisngi niya. Dahil ilang pulgada lang ang layo ng mga mukha nila.

Baby girl ayos lang ba kayo ni Nick diyan? Tawag sa kanya ng kapatid.

Pareho silang napatingin Kay Nick. Magsasalita na sana siya ngunit naunahan siya ni Nick. "We're fine pare, she just afraid to be alone."

Okey, sige!

Ouch! Ni Nick dahil hinampas niya ito sa balikat.

Ang kapal mo. Mahina ngunit mataray na sabi niya.

Relax, what are you afraid of?

Hindi niya ito sinagot dahil na di-distract siya sa matipunong dibdib nito at sa brasong nakapulupot sa kanyang beywang. Pakiramdam niya ay lalong nawindang ang puso niya na dati pa ay windang na windang na.

"Mga anak kumain muna kayo dito." Tawag ng mommy niya sa kanila. Kaya't sabay silang napatingin rito na nakatayo sa kabilang bahagi ng pool.

Aakyat na po kami tita. Ni Nick. Mahigpit ang kapit niya sa leeg ng binata habang lumalangoy, Ngunit bumitaw agad siya nang abot na niya ang sahig ng pool. Ngunit ang kamay ng binata ay nakahawak parin sa beywang niya. Bumitaw lang ito nang umahon na sila. Agad niyang kinuha ang tuwalya at ibinigay ang isa sa binata. Ang isa naman ay itinapis niya sa kanyang katawan.

May dapat ba kaming malaman sa inyong dalawa? Tanong ni Mike na ang mga mata ay palipat-lipat sa kanilang dalawa ni Nick.

Bigla siyang nakaramdam ng init sa mukha. At bago pa siya makasagot ay nagsalita si Nick.

"Mike nakuha mo na ba ang mga T-shirt na order natin para sa mga tauhan? Sabi mo sa akin kanina kukunin mo iyon."

Si Mike ay nag iba ang mood. "Hindi pa tapos, bukas na." Wika nitong parang nahuli, because he is supposed to be in the office. Maaga itong umalis, eh nandito lang pala.

Patay malisyang umupo siya sa tabi ni Trish. Si Nick naman ay agad tumabi sa kanya. Kumuha ito ng salad tsaka ibinigay sa kanya. Kinilig naman siya sa simpleng act of careness nito.

Alam niyang nagdududa na ang kanyang kapatid. Their body language has said it all. Hindi niya alam kung anong nasa isip nito ngunit umaasa siya na hindi maapektuhan ang friendship ng dalawa.

Ang problema niya ngayon ay kung paano sasabihin kay Nick ang nalalapit niyang laban. Dahil nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang coach na malapit na ang kanyang laban. Idaraos ito sa sailing bansa.

Note: hello readers
Hope you enjoyed reading this part, and I'm glad that some of you sent me a.message. its an honor to have a followers.

I love you guys, see you in my next chapter.

Please don't forget to vote.

My Brother's Bestfriend/endedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon