flight to your heart

1.2K 29 0
                                    

      Dinig na dinig ni cassey ang boses ng  kapatid na nasa veranda. Kagagaling lang niya sa kanyang kwarto. At pupunta sana siya sa kusina para kumuha ng juice.

      Sinilip niya ito upang  malaman kung sino ang kausap. And to her surprise si Nick ang kausap nito. Hi's still in hes wheelchair ngunit wala nang benda ang paa nito.  Medyo maaliwalas narin ang mukha dahil wala na ang nanunubong bigote nito. At mas gumwapo ang binata sa bagong gupit nito. Lihim niyang napagmasdan ang bawat galaw ng bibig nito sa tuwing magsasalita. And those eyes! Everytime there eyes meet pakiramdam niya ay hinihigop ang kaluluwa niya. Kaya madalas ay ayaw niyang tumingin sa mga mata nito.

     Cassandra! Nandiyan ka pala. Ni Mike nang mapansin siya. Napatingin naman si Nick sa kanya.

      Ah narinig kasi kitang may kausap, akala ko si mommy ang kausap mo. Aniyang itinuon ang mata sa kapatid upang hindi magsalubong ang mga mata nila ni Nick.

      Mike babalik na ako sa bahay, basta iyon na ang napag-usapan natin about the deal with Mr.Pressman. Sabi naman ni Nick. Parang nagmamadaling makaalis.

      Nick kadarating mo pa lang aalis ka na? May sasabihin pa ako sayo at ikaw Cassandra umupo ka dito. Ni Mike.

     Ha! A-ano naman iyan kuya? May gagawin pa kasi ako eh. Aniyang gusto narin umalis. Dahil nahihiya siya kay Nick.

     Nag iiwasan ba kayong dalawa? Anitong tiningnan silang dalawa ni Nick.

      Hindi ah. Sabay na sabi niya at ni Nick.

      Kung ganun both of you will stay. Maawtoridad na namang wika ng kapatid.

      Ito ang ayaw niya sa kapatid masyadong bossy. Kahit na kanino. Kaya madalas ay hindi rin sila magkasundo na kapatid.

      Kuya wala naman akong gagawin dito eh, puro naman negosyo ang pag-uusapan niyo ni Nick di ba?

       Tapos na kami mag-usap tungkol sa negosyo. Ang sasabihin ko nalang ay tungkol sa bakasyon niya.

       Bakasyon niya? Eh bakit ako sasabihan mo? Hindi ba si tita Letecia?

       I want you to go with Nick sa batanggas. Kailangan niya ng sariwang hangin para tuloy-tuloy na ang healing niya. At gusto kong ikaw ang mag-alaga sa kanya habang nandoon siya. Dadalawin ko kayo every now and then.

       Tama ba ang narinig niya? Magbabakasyon? Silang dalawa? Hindi ba awkward iyon?

       It takes second para hindi siya makapag salita. Tinititigan na pala siya ni Nick upang basahin  ang ekspresyon niya. Papayag ba siya? Ito na ang pagkakataon upang makabawi.

       Mike hindi naman ako alagain. Bakit kailangan pa ang yaya. Sabi ni Nick na parang ayaw siyang makasama. Kaya lalo siyang naasar dito.

       Kailan ang alis? Tanong niya pagkaraan ng ilang segundo. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Nick.

       Cassandra! Ni Nick na nagbuntonghininga. Hindi mo kailangan samahan ako. Wala ka namang alam sa pag.aalaga.

      Nagpanting ang teynga niya sa narinig. "Look Nick! I just want to help you. I know its my fault kung bakit ka nandyan. Pero hayaan mo naman ako na silbihan ka. Para din sa ikabubuti mo ang gagawin ko. Now if you'll excuse me mageempake na ako. Aniyang deretso ang pagsasalita. Ni ang kapatid ay hindi na nakahuma nang tumalikod na siya.

     Mike ayokong makasama si baby girl. Kaya ko naman mag-isa eh. Kumuha ka na lang ng caregiver para umalalay sa akin.

      Iyan naman ang hindi pwedi Nick. Hayaan mong pagsilbihan ka ni Cassandra upang matoto siya sa buhay. Kung pwedi pahirapan mo pa siya ng konti. Anitong tinapik ang kanyang balikat.

      Iyan naman ang hindi maaari Mike. Hindi ko kayang pahirapan siya. Alam mo naman siguro iyon.

      Bakit? Do you like her? Do you love my sister? Ni Mike na tinititigan ang matalik na kaibigan.

       Mike . . . Ano bang klaseng tanong iyan?

       Mabuti na yung magkalinawan tayo Nick. Baka malaman ko nalang eh sinaksak mo na pala ako ng patalikod.

       Parang nainis si Nick sa huling sinabi ng kaibigan. "Pati ba naman sa akin ay wala kang tiwala? Ni Nick na inilapag sa coffee table ang mga papeles na pinirmahan niya.

     Im sorry pare! Hinging paumanhin nito. Just forget what i said. At sana hindi pabigat sayo si Cassandra. I just want her to learn her lesson. I hope sayo siya matuto. Pahirapan mo siya ng konti. Seryosong wika nito.

     Nagbuntonghininga si Nick. Alam niya ang pinagdadaanan ng kaibigan. Kaya naiintindihan niya kung minsan ay malupit ito sa kapatid.

       *      *      *
Flight! Arrival!
       Alalay na alalay si Cassandra sa kanya. Habang siya ay tahimik lang na nakikiuyon sa dalaga. Nasa eroplano pa lang sila ay hindi ito natulog habang binabantayan siya. At lagi itong nakikipag-usap sa kanya, tatahimik lang ito kapag napansing inaantok siya. Masaya siya sa nakikita niyang effort ng dalaga. Gusto talaga nitong makabawi sa kanya. Napapangiti nalang siya ng lihim. Maybe its a good start for a new relationship between them, hindi yung parang aso't pusa na laging nagbabangayan.

Note: tunghayan ang bagong yugto sa susunod na kabanata. Kikiligin kayo sa dalawa.

Please dont forget to vote on this chapter.

My Brother's Bestfriend/endedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon