Chapter 2 - Partners

550 17 6
                                    

Chapter 2

Partners

Dahil sa busy ang lahat sa final exam nila ay ilang days rin na hindi nakapag meeting ang Student Council. Focus na focus kasi ang bawat mag-aaral para ma maintain ang kanilang mga grades. Nung sa wakas ay natapos na ang kanilang exam ay hindi magkamayaw ang kasiyahang nadarama ng mga estudyante nang sa wakas ay tapos na ang kanilang kalbaryo. At syempre, lahat ay excited para sa magiging field trip nila. Bukod kasi sa siguradong high class ang venue dahil tiyak na property yun ng FGA eh, alam nilang libre pa ang lahat ng ito. Samantala, nagpatawag naman ng meeting si Rina para iprepare na ang kanilang field trip na idadaos.

“Good afternoon everyone. Kumusta ang araw ninyo?!?” tanong ni Rina habang nakaharap sa buong officials.

“Ito! Super nakakapagod galing exams pero Whoooh! It’s all paid off! As in! Yes! Tapos na rin paghihirap natin at bakasyon na wheeeeh!!!” sabi naman ni Sakura.

“Naku tama ka jan! Pero, nakakatakot naman resulta ng mga grades natin. Baka may bagsak.” – Eli.

“Ano ka ba! Huwag ka ngang magsalita nang ganyan! Tiwala lang, makakapasa tayo!!!” sabi naman niMinato.

“Oo nga naman. Nagpakahirap tayo tapos hindi tayo papasa?!? Naku! Ang sakit niyan!!” sabat naman ni Yamato na kakarating lang sa office. Nagkatuwaan naman ang lahat, tila nakalimutan na nila ang agenda ng meeting ng biglang tumikhim si Rina.

“Whoaaa! Sorry naman Ms. President masyado lang kaming nawili!! Ahihihihii!!” Sabi naman ni Yamato habang nagpapa cute.

“Alam ko naman yun lalo na ikaw, nagsisimula ng kalokohan dito sa office.”

“Whaaah! Ang mean-mean naman ni Ms. President! Hoy, kahit ganito naman ako, matinik yata to noh! Lalo na kung magmahal.” Tapos nag suave pose naman siya na ikinatawa ng tuluyan ng mga tao sa loob ng office. Pati si Rina ay hindi na rin napigilan na tumawa.  Kasi naman kahit na gwapo itong si Yamato eh dahil sa sense of humor niya nagiging katawa-tawa siya sa harap ng mga ito.

“HAHAHAHAA!! Tama na nga yan, diyos ko hindi tayo matatapos sa agenda natin nito! Sige, simulant na natin. Anong mga lugar ang gustong puntahan ng mga students?!?”

“Sa Tagaytay raw para masaya!!!” Sabi naman ni Eli.

“Sa Singapore gusto ng Second Year.” – Minato.

“Aba! Ang sosyal naman ng Second year! Porke libre lahat ng school eh inaabuso na nila.” Komento naman ni Yamato.

“Hindi pwede ang ibang bansa sa kalagayan natin ngayon. Bukod sa kailangan nating ng weaver sa mga magulang natin eh aksaya pa sa time yung mga passport at visa tapos kelangan pa natin ang approval ng chairman. Kaya that suggestion will be null and voided.”

“Awwwh sayang naman, pero I know someday makakapunta rin tayo dun!.”

“Any suggestions?!?” tanong naman ni Rina sa lahat.

“Wala na, silang lahat gustong pumunta sa Tagaytay eh.”

“Then It’s decided, pupunta tayo sa Tagaytay, total may isang hotel at resort ang FGA doon.”

“Yessss!!!” sabay-sabay namang sabi ng mga kasamahan ni Rina. Halatang excited ang lahat pero alam rin nila na kailangan nilang gawin ang duties nila.

“Ngayong tapos na tayo sa venue, next stop is, kailan naman natin gaganapin ang field trip?!?”

“March 20, sana kung pwede. Kasi halos lahat ng mga estudyante free by that time and para makasama na rin ang mga maggra graduate.”

Strings of the Past - - Completed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon