Chapter 10 - Friend or Foe?

275 7 0
                                    

A/N:

Hello! Thanks for supporting this story! 2 more chapters plus epilogue to go, at tapos na ang story na ito! Nawa'y nagustuhan niyo po! Also, please support my other stories too!

-Read Before Vommenting.

-PV-

Chapter 10

Friend or Foe?!?

Kinabukasan maagang gumising ang lahat para sa kanilang mga gagawin. Pero bukod doon, maaga ring nakagising si Rina at si Rei dahil hindi sila makatulog buong gabi. Hindi pa rin sila makapaniwala sa nangyari at naging sila na. Bumaba na sila sa dining room para kumain. Tanging nagsasalita lang ay si  Shana, walang pa ring imik ang dalawa.

“Hoy kayo, sabihin niyo nga sa akin kung ano ang nangyari kagabi?!?”

“W- - - wala naman.” Nauutal na sagot naman ni Rina.

“Asus wala ka dyan. Alam kong merong nangyari noh. Oh ano kayo na ba?!?” hindi naman makasagot si Rina sa tanong ng kababata kaya yumuko na lang ito.

“Hmm, Silence means Yes at dahil jan, I want to tell you both a congratulations! Mag celebrate tayo this day!! Tara! Let’s start the celebration!!! ” nakangiting sabi naman ni Shana sa kanila at nauna nang lumabas  sa bahay. Naiwan naman ang dalawa na wala pa ring imik sa isa’t-isa. Nauna nang pumunta sa kusina si Rina at nilagay ang kanyang plato at diretsong pumanhik patungo sa kanyang kwarto. Pagkatapos niyang mag prepare sa kanyang susuotin at mga gamit binuksan na niya ang pinto at nagulat siya ng Makita si Rei na naghihintay sa kanya.

“Tapos ka na pala., ano tara nah?!? Tiyak kong nababagot na si Shana kakahintay sa atin.”

“Hmm, sige.” Sabi naman ni Rina habang ngumiti. At pumunta na sila sa labas.

“Ito namang dalawang to  ang tagal ninyo! Tara punta na tayo at nang maka dive tayo!!” sabay takbo naman ni Shana at humabol na sila. Nakarating rin sila sa counter at nagbayad na. Pagkatapos ay sinuot na nila ang kanilang diving air pump para makapag dive na. Naunang mag dive si Shana habang tinutulungan naman ni Rei si Rina, nung natapos na sila sabay silang nag dive at namangha sila sa kagandahan ng karagatan.  Napakarami silang isda na nakita at idagdag pa ang mga coral reefs. Nilapitan nila ang mga isda at binigyan nila ito ng pagkain kaya naman dinumog sila ng mga ito. Nage enjoy lang sila sa pagpapakain ng mga ito. Pagkatapos ay lumangoy pa sila para tignan ang tanawin underwater.

Ilang oras rin silang nag dive at nang matapos na sila ay naglakad-lakad naman sila at gumala-gala sa mini tinagge dito. Marami silang biniling mga beach attires,  habang naglalakad unti-unting kinuha ni Rei ang kamay ni Rina, at nung makuha na niya ito ay tumingin it okay Rei habang si Rei ay walang imik lang at patuloy lang sa paglalakad. Natuwa naman si Rina kaya napangiti na rin ito. Tila unti-unting nawawala ang hiya nito. Hanggang sa napunta sila sa isang stall at namili ng shades.

“Rei bagay ba to sa akin?!?” sabi ni Rina habang nakaharap sa salamin at tinitingnan ang sarili.

“Hmm, bagay sayo.” Tanging sabi lang ni Rei.

“Ah! Alam ko na! bumili tayo ng couple shades at couple bracelet!! Halika hahanapan kita ng shades na kapareha ko.”

“Kailangan pa ba yan?!? Tss.”

“Ito naman ang sungit mo! Well, wala pa talaga akong masyasdong alam sa mga ganitong bagay pero base sa sinearch ko kagabi, kadalasan raw cute ang mga couple na may parehong gamit.” Nabigla naman si Rei sa sinabi niya.

Strings of the Past - - Completed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon