Chapter 8 - The Return

291 9 0
                                    

Chapter 8

The Return

After two days from the trip bumalik na sa kani-kanilang mga lugar ang mga estudyante at officially start na ng bakasyon nila. It’s time for them to enjoy the vacation at makapag bonding towards their family in a form of reunion or kung anong activities ang gusto nilang gawin. Pagbalik nila ni Rina sa bahay nila, nagulat naman siya dahil andun na ang kanyang mga magulang na naghihintay sa kanya.

“Rina anak! Namiss kita sobraa! Ang laki mo na talaga!!” pag welcome naman ng mommy niya sa kanya at niyakap siya.

“Ah, namiss ko rin po kayo Mommy. Kumusta po ang trip ninyo sa London?!?”

“Okay naman, matagumpay yung business trip. And I also heard matagumpay yung trip na inorganize ninyo at nag enjoy ka raw.”

“Ah, opo. First time ko pong mag enjoy sa isang trip. Yung walang inaalala masyado.”

“Mabuti naman kung ganun, at least kahit na pine perform mo ang responsibilities mo, nag e enjoy ka kahit papano. And next year, hopefully, makaka graduate ka na. We can’t wait to see your full potential. Then when you enter college, you’ll start to learn managing our company na.” napailing na lang si Rin sa sinabi ng kanyang ina.

“Sige po, akyat po muna ako sa kwarto. Medyo pagod pa po ako gusto ko pang magpahinga.”

“Of course anak. Magpahinga ka muna. Tatawagan ka na lang naming mamaya.” Tapos umakyat na si Rina sa itaas. Agad siyang napahiga sa kama pagdating niya sa kwarto niya. Na realized niyang nung natapos ang field trip ay tapos na rin ang kanyang pansamantalang kalayaan. Back to reality na ang lahat, kailangan na naman niyang ma meet up ang expectations ng lahat. Pero hindi siya nagsisisi na sa maikling panahon na yun ay tunay siyang naging Masaya. Palaging nagfla flashback sa isipan niya ang mga nangyari sa trip, particularly sa kanila ni Rei. Hindi niya maintindihan ang sarili sa nararamdaman niya.

Alam niyang interisado siya kay  Rei pero sadyang mailap ito sa kanya at napaka secretive. Pero kahit anong mangyari, desidido siyang maging kaibigan nito. Yun nga lang, medyo nalulungkot siya kasi, babalik na rin si Rei sa pagiging prefect nito at iba na ang kanilang mga responsibilities. Dala ng pagod at malalim na pag-iisip ay nakatulog na si Rina.

Samantala, si Rei naman na kakauwi lang sa bahay ay pinag pyestahan ng mga issue at rumors nina Meilyn at Yamato.

“Yuum! Namiss kita! Kumusta ka na?!?” yakap naman ni Meilyn sa boyfriend niyang si Yamato.

“Okay lang ako My. Sorry kung nawawalan na ako ng time sayo lately. Busy lang talaga para sa buhay college.”

“Don’t worry naiintindihan ko naman yun eh.”

“Nakaharang kayo. Gusto ko nang umupo.” Biglang sabat naman  ni Rei sa kanila. Nung makaupo na silang lahat nagsimula na ang chikahan na ikinairita naman ni Rei.

“Who is this lucky girl Yum na apple of the eye na pala ng bunso ko?!? Ayeeeh! Sa wakas! Naiinlove na ang bunso ko!!!”

“Her name is  Rina Perez. Seventeen years old, Third Year Junior High School at President ng Student Council.”

“Woow! Ang galing naman ng napili mo bunso! Kaya pala ayaw mo ng tanggapin ang mga love letters ng mga admirers mo kasi may nagugustuhan ka nang babae. Ayeeeh!” tapos kinliti naman niya si Rei.

“Ano ba ate! Tumigil ka nga! Matanda ka na kaya huwag kang maging isip bata.” =____=.

“Hoy hindi pa kaya ako matanda! 2 years lang naman gap natin ah! Pero Yuum! I really want to meet this girl very soon naaa! Maganda ba siya ?!? Mabait?!?”

Strings of the Past - - Completed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon