Chapter 14 - Turning Point

254 6 1
                                    

Chapter 14

Turning Point

Pumunta na si Rei sa place kung saan magme meet sila ni Shana at isasagawa ang kanilang plano para hindi na humadlang pa sa kanilang relationship ang parents nina Rina pero nagtataka siya ng makarating na siya. Ang lugar ay napakatahimik at medyo remote area yun na malapit sa baybayin. Kung hindi niya kilala si Shana iisipin niya itong parang isang trap o gumagawa sila ng isang krimen. Nag ring naman ang phone ni Rei at nawala ang pagtataka niya ng makausap niya ito.

“Shana, ahm hindi ka ba nagkamali sa venue?!?”

“Oo hindi ako nagkamali.  Pasensyahan mo na muna jan, hintayin mo lang ako at pupunta na tayo sa venue malapit jan. Jan na muna tayo magkita kasi medyo known ang place na yan though medyo creepy nga lang.”

“Oh I see kaya pala. Sige, hihintayin na lang talaga.”

“Magkikita rin kayo ni Rina jan, pinapangako ko.”

“Sige.” Then the call ended. Nakatayo lamang si Rei habang naghihintay nang mabagot ito at sinimulang pumasok sa loob. Pagkakita niya ibang-iba pala ang place nito mula sa labas, dahil maganda ang place at kung iisipin mo lahat ay may cubicle, na para bang may mga sikretong kailangang Itago. Naglalakad lamang si Rei ng bigla, may malakas na bagay na tumama sa ulo niya at nawalan siya ng malay.

Paggising niya, hindi siya makapaniwala dahil nakatali na ang mga kamay at paa niya. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari, kung na kidnap ba siya o ano. Medyo nanlalabo pa ang mata niya at medyo masakit pa ang ulo niya dala ng pagkapukpok ng ulo niya ng may marinig siyang boses.

“Rei.” Agad niyang hinanap kung saan nanggaling ang boses na yun at nakita niya sa may corner si Rina na nahihirapan sa mga tali niya at ang mga mata nito ay hapung-hapo mula sa pag-iiyak. Agad niya itong nilapitan kahit na nakagapos siya para makausap ito. Nung makalapit na siya agad niyang hinalikan ito at napaiyak na rin siya sa sitwasyon nila.

“Rina, anong nangyayari?!? Bakit ka nandito?!? Naguguluhan ako.”

“Hindi ko rin alam Rei, basta yung driver ko bigla na lang akong kinidnap. Ewan, hindi ko na malaman kung anong iisipin ko.”

“Huwag kang mag-alala, tatakas tayo dito at maayos rin ang lahat. Ang lahat-lahat sa atin, maayos rin.”

“Sana nga Rei, kasi hindi ko na alam kung anong dapat na isipin sa dami at bilis ng mga nangyayari.”

“Whoa! What a reunion!” sabi naman ng isang boses at napalingon sila sa pinanggalingan nito and was extremely shock when they saw Shana.

“Sha—Shana?!? Anong ibig sabihin nito?!?”

“Shana! Anong nangyari!!” tanong naman ni Rina sa kanya.

“Tinupad ko lang ang hiling ninyo. Gusto niyong magkasama diba?!? Oh ayan, magkasama at nagkita na kayo ulit.”

“Pero bakit kami nakatali?!? Ano ito?!? Akala ko ba ang plano natin ay kumbinsihin ang parents ni Rina para hindi na siya pahirapan pa at nang maging legal na couple kami at matanggap nila ako?!?”

“Diba sabi ko naman sayo Rei, maraming nagbago sa plano?!? Tsaka, huwag kang mag-alala, pupunta rin naman sila dito eh. Mabuti na yun at nang magka reunion na ang lahat.”

“Bakit mo ba to ginagawa?!? Ano bang nagawa naming pagkakamali naming sa iyo Shana?!? Bakit mo kami tinraydor?!?” naiiyak naman na sabi ni Rina dahil hindi ito makapaniwala sa ginawa ng kaibigan. Nung narinig ni Shana ang mga salitang yun hindi niya alam pero bumabalik sa kanya ang mga nangyari sa video at nanggagalaiti na naman siya sa galit. Naikuyom na lang niya ang mga kamay niya.

Strings of the Past - - Completed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon