Nag-mamadali ako ngayong araw nato. Kasi tulad ng dati hindi ko ulit na i-set yung alarm clock ko and alam nyo na, tanghali nanaman ako nagising... dahan dahan akong bumaba ng hagdan, akala ko kasi wala na si mommy ko... wag kayong magtaka kung bakit hindi nila ako ginising. Isa lang sagot dyan ayaw nila na nang-iistorbo. Pagbaba ko syempre tanghali na... Nakapagkarga na naman si mommy ko ng isang magazine para sa machine gun niyang bibig. Ganyan yan kapag male-late ako lagi ng gising. Kahapon safe ako kasi maaga akong nakapasok, himala kaya yun.
"Gail, tanghali ka na naman gumising, kahapon maaga ka kala ko magtutuloy-tuloy na. Bilisan mo dyan baka pagsaraduhan ka na ng pinto ng eskwelahan mo. Di ka pa nakakaligo, di ka pa nga kumakain, di mo pa nga naaayos yung kwarto mo. Pag ikaw talaga di naka-graduate. Papatapon kita sa Canada, dun ka mag-aaral ... mag-isa (dugtong pa ni mama)"
"Oh ma, may karga na naman yung machine gun mong bibig." (si daddy yan)
"Eh dad, tong anak mo tanghali na naman gumising. baka saraduhan na ng pinto ng school nya."
Kakadakdak ni mama di nila namalayan tapos na ko kumain. tumakbo agad ako sa kwarto at naligo. Paglabas ko ng banyo, may 15 minutes pa ako para magbihis at mag-ayos. Buti na lang nakahanda na kagabi pa ang uniform ko, thanks to mom dahil kahit maingay yun nako napakama-asikaso nun.
Pagkatapos na pagkatapos ko, tumalon na ko sa bintana joke. Syempre nagpadausdos na ko agad pababa at since wala pa kaming driver, magcocommute ako. Good for 20 minutes yung exact time limit ko, dahil paglagpas ng 20 minutes na yan nako isasarado na ang gate ng school, close gate policy kasi.
Pumara na ko ng taxi, "Manong sa Sung-Yeol University po, manong kaya ba ng 15 minutes please, masasaraduhan na ko ng gate e."
Nginitian lang ako ni manong, kinabahan ako dun a. Buong oras na nasa taxi ako di ako mapakali, naghanda ako ng self defense, ng kung ano-ano kasi nahihiwagaan ako kay manong. Pero pagdating sa school may 7 minutes pa bago mag-close gate, 13 minutes lang kasi yung nagugol ko dun sa taxi, feeling ko talaga nagmukha akong engot kanina, pinag-isipan ko kasi ng masama si manong.
--
Nandito na ako sa loob ng classroom. Si Chloe?, wala pa. 5 minutes pa bago mag-start ang first class ko. Tinawagan ko si Chloe kung nasan na sya, sabi nya na-close gate daw sya. Eh ano pa bang gagawin ko, edi utuin sa manang guard na papasukin ang bestfriend ko.
Kumaripas na ako ng takbo papuntang gate, may dala din akong lunch. For what? eh para san pa ba? edi ibibigay ko lang naman to kay manang guard para papasukin na nya si Chloe. Ang isa pang issue pag mga last minute na ng close gate si manang guard na ang in-charge. Since, malakas hatak ni manang sa pagkain, ayun kinokonsinti na lang kami ni Chloe. Alam naman naming mali yung ginagawa namin pero pag ganitong mga pagkakataon, wala kaming choice.
Pagkapasok ni Chloe, tumakbo na naman kami papuntang room. But not as lucky sa pagpasok ni Chloe sa closed gate, why? dahil pagdating namin sa room nandun na ang teacher namin. Sabay kaming napabuntong hininga ni Chloe, "Get ready for the show." saad pa ni Chloe. "Im always ready friend." ngumiti na lang ako.
"So. Miss Paige, Miss Evans. You're late... Again."
Sorry miss. (sabay pa kami ni Chloe, Haha nagtawanan na lang kami, pero mahina lang baka humaba pa ang show).
BINABASA MO ANG
Second Try
Novela JuvenilSECOND TRY written by Abby Alba @moopooshLover PerfectionsInMyPride Pinatakbo mo ang buhay ko pero di ko akalaing ikaw din ang magpapahinto nito. -Gail