Chapter 17

58.8K 1K 39
                                    

Chapter 17

Nakangiti ako habang naglalakad sa hallway, kaso nawala ang magandang ngiti ko ng makita ko kung sino ang makakasalubong ko. Parang gusto kong tumakbo pabalik. Nakatitig siya sa akin. Lihim akong napalunok, nilakasan ko ang loob ko at taas noong naglakad.

Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko. Hindi na iyon bago sa akin. Kaso bakit parang may nag-iba? Hindi kasi gaya ng dati.

"Jellice." Tawag niya sa akin ng magkatapat na kami. Hindi ko siya pinansin, kunwari wala akong nakita at wala akong narinig.

"Jellice." Muling tawag niya sa akin ang makalampas ako sa kanya. Mas malakas. Nakakaagaw pansin ang pagtawag niya sa akin, pinagtitinginan na kasi ako ng mga estudyanteng nandoon din sa hallway ng mga oras na iyon. Hindi pa rin ako lumingon, mas binilisan ko pa ang paglalakad. Umakyat ako sa hagdan, nasa second floor kasi ang room namin.

Halos takbuhin ko na para lang makarating ako sa room. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makaupo ako sa upuan ko.

"Anong nangyari?" Tanong ni Vangie. May isinusulat siyang kung ano sa notebook niya.

"Tumakbo kasi ako kanina." Hinihingal pang sagot ko." Ano yang ginagawa mo?May assignment ba?"

"Wala. Trina-transfer ko lang dito sa note book ko." Sagot niya. Akala ko may assignment kaming hindi ko alam.

"Saan pala si Merriam?" tanong ko sa kanya ng mapansin kong wala ito sa upuan niya.

"Tinawagan ko siya kanina. Hindi raw siya papasok, may sakit siya." Sagot niya.

"Kawawa naman siya. Akala ko tinamad lang iyong pumasok."

"Wala raw siyang load kaya hindi siya nakapagtext." Sabi pa niya. Lagi naman iyong walang load. Tamad din mag text, bakit hindi na lang ipamigay nag cellphone? Wala rin namang silbi. Sumandal ako sa sandalan ng upuan, nagtataka ako kung bakit wala pa ang instructor namin.

"Bakit kaya wala si sir? Nakakapagtaka naman na hindi siya pumasok ngayon. Himala." Wika ko. Hindi kasi nalalate ang instructor naming iyon, wala pa yatang absent. Ang sipag pumasok, kahit ipinagdadasal kong sana magka high fever para hindi pumasok kahit isang araw lang.

"Meron siya kanina, kaso lumabas nang may tumawag."

"Talaga? Ang suwerte ko naman."

"Oo, ang suwerte mo talaga." Sinenyasan niya akong lumapit ako ng konti. Lumapit naman ako.

"Asawa mo ang tumawag." Bulong niya. Gulat na napatingin ako sa kanya.

"Paano mo nalaman?"

"May naglakas loob kasing nagtanong kung emergency ba iyon. Ang sagot Oo at si Cyrus Samaniego raw ang tumawag." Napakunot noo ako sa sinabi ni Vangie. Ano naman kayang sinabi ni Cyrus?

Magsasalita pa sana ako ng magvibrate ang cellphone ko na hawak-hawak ko. Tingnan ko kung sino ang tumatawag. Agad kong sinagot ng makita kong si Cyrus ang caller.

"Hello?"

"Hi!"Bati niya."Nalate ka ba?"Tanong nito. Napasimangot ako ng maalala ko ang sinabi ni Vangie sa akin.

"Dahil yata sa'yo kaya hindi ako na late." Hindi siya nagsalita.

"Andyan ka pa ba?" Medyo naiinis na tanong ko.

"I'm sorry, wife. Just..." Narinig kong huminga muna ito ng malalim. "Gagawin ko ang lahat basta para sa'yo." Ako naman ang hindi nakapagsalita dahil sa narinig kong sinabi niya. Bigla tuloy nawala ang inis na nararamdaman ko kanina. Kainis siya...

"Wife?" napabuga ako ng hangin.

"Paano mo nagawa iyon? I mean si sir--."

"May share ako sa school na pinapasukan mo." Putol niya sa sasabihin ko pa sana. Kaya pala.

"Nandyan ka na ba sa office mo?"

"Nakasakay pa lang sa elevator."

"May mga kasama ka?" curious na tanong ko. Sa mga napapanood ko kasi ay ang mga boss ay mag-isa lang sa loob ng elevator, habang pinapanood siya ng security team sa loob ng control room.

"Mag-isa ko lang." Nasagot ang tanong ko sa sagot niyang iyon. Napatingin ako kay Vangie na nakikinig din sa usapan namin. Nginitian lang niya ako. Sabay bulong ng 'ang sweet ng asawa mo, inggit ako.'

Agad akong nagpaalam kay Cyrus ng makita kong pumasok ang instructor ng next subject namin. Umayos na din si Vangie ng upo, ganoon din ang mga iba pa naming classmate. May mga kabilang sa subject na isa-isang pumapasok pa.

Natigilan ako ng pumasok si Kyle sa room. Akala ko ay sa isang subject lang namin siya classmate. Naglakad siya palapit sa amin, at dahil bakante ang upuan sa likuran ko ay doon siya naupo.

Buong klase ay wala akong naintindihan sa discussion ng teacher. Hindi rin ako mapakali sa upuan ko, ramdam ko ang mga titig niya sa likod ko. For the first time, nahiling kong sana si Merriam na lang ang naka-upo sa likuran ko.

"May quiz next meeting, nakinig ka ba?" tanong ni Vangie habang habang nakaupo kami ni Vangie sa canteen napagkasunduan kasi namin na doon na mag lunch, kapag kasama kasi namin si Merriam ay sa labas kami ng school naglu-lunch.

Napanguso ako ako sa tanong niya. Sa dalawang magkasunod na subject kanina ay hindi ako nakinig. I tried, pero nanatiling walang pumapasok sa utak ko. Nakikitig naman ako, kaso lumalabas sa kabilang tenga ko.

"Pahiram ng note mo. At paki explain na rin sa akin." Malambing na wika ko kay Vangie. Siya naman ang napanguso.

"Mamaya na lang, nagugutom ako." Nakairap na wika niya.

"Yehey!"

-------------------------------------------

Nandito kami ni Vangie sa labas ng gate. Hinihintay niya ang sundo niya, ganoon din ako. Wala kaming instructor kanina sa last subject namin sa hapon kaya in-expain ni Vangie sa akin ang dalawang subject kung saan lumipad ang utak ko at wala akong naintindihan.

"Ayan na ang sundo ko." Sabi niya sa akin ng huminto sa harap namin ang van na susundo sa kanya. "Sure kang hindi ka sasabay sa akin?"

"Okey lang ako dito.Susunduin daw niya ako." Sabi ko sa kanya. Tumango siya at tinungo ang naghihinantay na sundo niya.

"Bye!" Sabi niya bago pa niya isara ang pinto. Nginitian ko lang siya. Sinundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan kung saan nakasakay si Vangie. May tumayo sa tabi ko pero hindi ko na pinansin.

"Ihatid na kita sa bahay ninyo." Authomatic na napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Kyle na nakangiti sa akin.

"Huwag na, salamat na lang." Tanggi ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa iba. Hindi siya umalis sa tabi ko, hinayaan ko lamang siya.

"Hindi ako aalis hanggang sa pumayag ka." sabi pa niya. Napalingon ako sa sinabi niya. Nakikita ko sa mga mata niya na tototohanin niya talaga ang sinabi niya.

"Sabi ko naman sa'yo na 'wag na, bakit ba ang kulit mo."

"Makulit naman talaga ako. Nakalimutan mo na ba?." Totoo naman ang sinabi niya. Makulit talaga siya, pero nakakatuwa ang pagiging makulit niya.

"May hinihintay ka ba?" Hindi ko siya sinagot. Sasabihin ko bang hinihintay ko ang asawa ko at doon ako nakatira sa bahay niya?

Naglakad ako at nilingon ko siya ng hindi siya sumusunod sa akin.

"Ano bang hinihintay mo dyan? Akala ko ba ihahatid mo ako?" tanong ko. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Bahala na nga, itetext ko na lang kay Cyrus na sunduin na lang ako sa bahay.

-------------------------
A/N: ito na... Sinipag lang kasi ako kaya nagkaroon ng UD..






I'm Accidentally  MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon