Chapter 46

69K 1.2K 77
                                    

Chapter 46

Cyrus

Kapag nagseseslos siya ay pakiramdam ko nasa alapaap ako. Ang sarap sa pakiramdam. Ibig sabihin kasi nu'n ay may pag-asang mahalin niya ako. Pero hindi pa rin mawala-wala ang takot ko. Natatakot akong maisipan nitong iwan ako. Naisip kong kapag nabuntis siya ay hindi niya iisiping umalis. Ganoon naman ang ina. Inuuna ang kapakanan ng anak kaysa sa sarili. Paano kung hindi siya ganoon?

Nayanig ang mundo ko ng sabihin ni Allysa na buntis siya. Bigla akong natakot. Ayaw kong bigyan ng dahilan si Emerald para iwan ako. Hindi ko kakayanin iyon. Kung kaya niyang mabuhay na wala ako. Ako hindi . At ang kinakatakutan ko nga ay nangyari.

Agad kong tinanggal ang braso ni Allysa pagkakita ko sa asawa kong nakatayo sa tabi ng mesa ko. That day, nagkaroon ako ng hinala dahil sa ikinikilos niya.

"Ano nga palang ginagawa ni miss Allysa kanina dito?" She asked. I suddenly got nervous. Anong isasagot ko?

"Wag mo nang sagutin." Malamig na wika niya. Bigla akong namutla nang marinig ko ang boses niya. Umalis siya. Hinayaan ko muna siyang magpalamig. Ang hindi ko alam ay bumalik pala siya.

"Ma'am? Okey lang po ba kayo?" Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo sa mukha ng marinig ko ang boses ni Karen. Sino ang kausap nito? Wag naman sanang siya... Mabilis akong tumayo at lumabas. Kumabog ng malakas ang puso ng makita ko siya, nakatingin siya sa akin. Narinig niya... Tinapunan niya ako ng malamig na tingin bago niya ako tinalikuran.

"Emerald?" Tawag ko sa kanya. But she ignored me.

"Emerald! Please...Let me explain... " Pero hindi pa rin siya lumingon. Is she going to left me? "Huwag mo akong iiwan. Please..."

Hindi ko siya naabutan sa elevator. Mabilis kong tinungo ang hagdan pababa. I took a short cut. Tinalon ko ang mga railings para makababa ako agad. Madali lang sa aking gawin iyon.

"Emerald!" This time, lumingon siya. Ngunit bago pa ako nakalapit sa kanya ay tumakbo siya palayo at sumakay sa taxi. Hindi ko na naabutan ang taxing sinakyan niya. At sa katangahan ko pa ay hindi ko nakuha ang plate number ng taxi na sinakyan nito.

I'm frustrated. I can't find my wife. Nag-aalala ako at baka totoo ang hinala ko na buntis siya. Na pinaglilihian niya ako. At baka mapahamak siya. Tinanong ko ang mga magulang niya at mga kaibigan, pero hindi nila masabi kung nasaan siya. Pinahanap ko rin siya sa mga police, pero walang silbi dahil hindi nila masabi kung nasaan siya. Kasalanan ko 'to. F*ck! Kanina pa akong hindi mapakali dito sa sala. Gusto ko kasi na kapag umuwi ang asawa ko ay nandito ako. Hindi na ako nakatiis kaya lumabas ako para maghanap. Pero bumalik agad ako. Inisip ko kasing baka umuwi na siya.

"Sir?" Hindi ko namamalayan na nakalapit na pala sa akin si Tiffany sa akin.

"What is it?"

"Dumating na po si Jellice kani---.'

"Where is she?"

"Nasa kuwarto p-" Hindi pa tapos ang sinasabi niya ay tumakbo na ako patungo sa hangdan. Ngunit nanlumo ako ng makita kong wala siya sa kuwarto namin. Pinagtataguan niya ba ako? Muli akong lumabas para hanapin niya. Bumalik ulit ako sa kuwarto naming ng hindi ko siya mahanap. Nanghihinang umupo ako sa gilid ng kama.

"Cy..." Nilingon ko ang pinangalingan ng boses. Akala ko guni-guni ko lang pero nandoon siya. Nakatayo. Mabilis ko siyang nilapitan.

"Emerald..." paulit-ulit kong sambit. Namalayan ko na lamang na may mainit na umagos sa pisngi ko. I'm crying... Hindi ako makapaniwalang umiiyak nga ako.

I'm Accidentally  MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon