Chapter 30

58.1K 1K 26
                                    


Chapter 30

Gaya ng dati ay diretso lang ako sa office ni Cyrus. Nakasalubong ko ang secretary niyang palabas at may hawak na folder. Nginitian niya ako agad ng makita ako.

"Good morning ma'am. Wala po si Sir sa loob. Hindi pa po kasi tapos ang board meeting." Wika nito sa akin.

"Bakit hindi ka niya kasama doon?" Takang tanong ko. Ang alam ko kasi ay ang mga secretary ang nagta-take down ng mga pinag-uusapan nila.

"May pinapatapos po si sir sa akin eh. May kasama po siyang assistant secretary yata."

"Ah.."Tumango-tango ako.

"Hintayin na lang po ninyong matapos ang meeting." Wika nito. Tumango ako.

Nang nagpaalam siya sa akin ay pumasok naman ako sa opisina ni Cyrus. Inilapag ko ang cellphone ko sa table ni Cyrus. Lumapit ako sa may blinds at hinila iyon para tumaas. Transparent glass iyon, kaya kitang-kita ko ang mga buildings at ang mga tao na naglalakad sa ibaba. Ibinaba ko ulit ang blinds at naglakad patungo sa may sofa nang bumukas ang pinto.

Pumasok si Cyrus kasama si.. Allysa! Nakayakap si Allysa sa beywang ni Cyrus. Bigla kumulo ang dugo ko sa nakita ko. Gusto kong hilain ang buhok ni Allysa palayo sa asawa ko. Bakit hinahayaan ni Cyrus na yakapin siya ni Allysa?

Nagulat si Cyrus ng makita ako at mabilis pa sa alas kuwatro na kinalas nito ang mga braso ni Allysa na nakayakap sa kanya. Pansin kong tumaba yata siya kaysa noong huling nakita ko siya dito mismo sa opisina ni Cyrus. Hindi ko na lang pinansin iyon. Tumingin ako kay Cyrus.

Naiinis ako sa kanya, pero nanaig pa rin ang kagustuhan kong makita, mayakap, maamoy at mahalikan siya sa labi.

"Cy!" Tumakbo ako palapit at tumalon sa kanya, agad naman niya akong sinalo. Ipinulupot ko ang mga braso ko at isinubsub ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango niya.

"W-wife, what are you doing here?" Ramdam kong kinakabahan siya. Hindi ko na lang pinansin iyon. Ang mahalaga ay yakap ko siya.

"Namiss lang kita." Malambing na sabi ko. Bahagya siyang nanigas sa sinabi ko.

Tumikhim ang kasama niya. Nakalimutan kong meron pa pala siya. Bumangon agad ang inis na nararamdaman ko. Nanatili akong nakayakap kay Cyrus habang buhat ako. Binalingan ito ni Cyrus.

"Allysa, mamaya na tayo mag-usap." Wika ni Cyrus sa kanya. Hindi ko makita ang hitsura ng bruha dahil nakatalikod ako sa kanya. Hindi ko rin makita ang mukha ni Cyrus dahil sinubsub ko ang mukha ko sa leeg niya, isa pa, ayoko talagang makita.

Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Nang matiyak kong nakalabas na ang bruha ay tinignan ko si Cyrus.

"Cy..." Tawag ko sa kanya.

"Hmmm?"

"Wala lang." nakangiting wika ko saka ko siya pinaulanan ng halik sa mukha at hinalikan ang labi niya ng matagal.

"Okey na ba ang pakiramdam mo?"Masuyong tanong niya. Tumango ako. I kissed him on his lips. Hindi ko napigilan ang sarili ko, kinagat ko iyon ng mahina. Narinig kong umungol siya dahil sa ginawa ko.

Nakangiting kumalas ako at tintigan siya. Nagtataka naman siyang nakatitig din sa akin. Mukhang nagtataka siya kung bakit ako biglang naging extra lambing. Hindi ko rin alam kung bakit.

Umupo siya sa swirl chair niya. habang ako ay kumandong sa kanya.

"Anong nakain mo at maganda ang mood mo ngayon?" tanong ni Cyrus. Natawa ako. Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya.

I'm Accidentally  MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon