" Wa-wala na si Hilda. Patay na ang mama mo John!"
Umiiling-iling siya. Hindi siya naniniwalang patay na ang mama niya. Gusto niyang paniwalain ang sariling buhay pa ito, gayung siya mismo, alam ng hindi na ito humihinga kanina. Bumalik siya sa loob. Hinawi niya ang kumot na nakabalot sa malamig ng bangkay ng mama niya. Totoo nga, wala na ang nag-iisang pamilya niya. Na siyang kinakapitan niya. Na siyang inspirasyon niya. Patay na ang pinakamamahal niya at butihin niyang ina.
"Mammmaaaaa, mammmaaa kooooo!" Sigaw ni John at tuluyan ng bumulwak ang masaganang luha na kanina pa niya pinipigilan.
Nagsiuwian na lahat ng mga taong nakihatid sa huling hantungan ng mama niya. Ngunit mas pinili ni John ang manatili pa roon. Panay parin ang pag-iyak niya. Parang hindi na siya nauubusan ng luha. Sa tuwing punasan niya ang isang butil nito, ang siya ring pagpatak ng panibagong butil.
Naisip niyang paano na ang buhay niya ngayon, na ang kaisa-isa niyang kinakapitan at tanging inspirasyon ay tuluyan ng binawi ng Diyos sa kanya. Pakiramdam niya, isa siyang ibon na tinanggalan ng mga pakpak. Para siyang nasa loob ng isang tumatakbong jeep na walang drayber; gustohin man niyang siya ang magmamaneho para magpatuloy ito sa pag-usad ngunit hindi pa niya kayang patakbuhin ito. Katulad din ng kanyang buhay ngayon, bata pa siya para maulila. Hindi pa niya kayang buhayin ang sarili. Paano ang pag-aaral niya? Paano ang mga pangarap niya? Tanging sa ina niya lamang siya kumakapit. Tanging sa kanya lamang siya humuhugot ng lakas. Pero ngayong wala na ito sa tabi niya. Ngayong hindi na niya ito mayayakap o mahahawakan, saan pa siya kukuha ng lakas para magpatuloy at lumaban? Ni hindi man lang niya nagawang magpasalamat bago ito malagutan ng hininga at nasabi kung gaano niya ito kamahal. Saan na siya susukob ngayon. Isang buwan na lamang, papaalisin na sila ng gobyerno sa kanilang tirahan. Hindi niya lubos maisip na nasa murang edad niya pasan na niya ang daigdig. Kayhirap. Napakahirap.
Nasa kasagsagan siya ng kanyang paghikbi ng naramadaman niya ang isang malaking braso na umakbay sa kanyang balikat. Hindi na niya kailangan lingunin pa ito dahil alam na niyang ang Tsong Lando niya iyon. Mula ng iburol ang mama niya ng tatlong araw, naroon palagi ito sa tabi niya, nakaalalay sa kanya. Kahit hindi niya ito kadugo, ito lang ang sa tingin niya ang taos-pusong dumamay sa kanya. Na dapat sana ay sa Tiya Linda niya ang gumawa nun. Bagamat nandoon naman lagi ito sa burol pero parang ordinaryong kapitbahay lang itong nakikiramay sa sa kaniya. Ni hindi nga nito nagawang sumulyap sa kabaong bilang respito na lang sana sa yumao.
Hindi rin nakapunta ang iba nilang kamag-anak dahil pareho din nila itong nagdarahop at walang perang pamasahe. Malayo kasi ang probinsiya ng mga ito sa kanilang lugar.
"Hayaan mo, kung saan man ngayon ang mama mo alam kong masaya na siya dahil hindi na niya mararamdaman ang hirap at sakit na iniinda niya!" Boses iyon ng Tiyuhin niya.
"Pero paano ako Tsong? Hindi ko alam kung paano magsimula. Hindi ko alam kung makakayanan ko pang magpatuloy gayung nawala na ang kaisa-isang taong kinakapitan ko. Si mama lang ang naging inspirasyon ko Tsong ngunit dahil maaga siyang kinuha sa akin, parang nawalan narin ako ng ganang mabuhay!" Umiiyak siya ng may kasamang paghikbi habang nakatuon ang mga mata niya sa hawak nitong pendant na kurting puso, sa loob niyon ay may larawan ng mama niya at ang sinasabi nitong ama niya ngunit hindi niya iyon gaanong nakikilala dahil sa kalumaan niyon na halos nagfade na ang mukha nito sa larawan.

BINABASA MO ANG
Flower Boy
General FictionFlower Boy By: johnyuan Ano ang dapat na uunahin, mga pangarap ba o ang pintig ng damdamin? O pwede naman kayang pagsabayin?