Kabanata 5

3.9K 138 6
                                    

 Siya iyong masasabing nang isilang sa mundong ito ay may nakahain ng gintong pinggan sa kanyang hapag. Isang kilalang politician-businessman ang kanyang mga magulang. Ang kanyang ama ay isang gobernador ng kanilang probinsiya sa Rizal at ang kanyang ina nama'y magta-tatlong termino na sa pagiging Mayor sa lunsod ng Antipolo at nagpaplanong tatakbo bilang Bise-Gobernador sa susunod na halalan. Bunso siya at nag-iisang lalaki sa tatlong magkakapatid. Ang dalawang ate niya ay may mga asawa na at nagmula rin sa angkan ng mga pulitiko. Siya lang iyong binata pa at wala pa sa plano niya ang matali. Sa edad niyang biente-tres ay wala pa sa hinagap niya ang mag-asawa. Gusto muna niyang namnamin ang pagiging malaya. Walang commitments, walang pressure. Napakabata pa niya para mag-asawa.


Bata pa lamang si Jonard ay sagana na siya sa lahat ng mga materyal na bagay. Kung may magugustuhan siyang isang laruan o bagay, isang kisap-mata lang, kaagad din niya iyong nakukuha. Kung maraming mga bata man na kagaya niya noon na salat sa lahat ng bagay maging sa masasarap na pagkain man ay taliwas iyon sa kanya na sagana sa lahat ng luho. Oo, sinasabi ng karamihan na napaka-swerte niya dahil hindi niya naranasan ang mag-hirap. Ngunit kung gaano man kayaman ang pamilya niya ay siya namang pamumulubi niya sa atensyon, pag-aaruga at pagmamahal ng isang magulang. Daig pa niya ang isang pulubi na namamalimos sa lansangan. Nanlilimos siya sa kunting panahon ng kanyang mga magulang na ipinagkait nito sa kanya. Kung gaano ito ka abala sa pagtulong sa ibang tao at pagkakawang-gawa ay siya naman iyong nai-tsapwera. Ilang family day ba sa school na tanging yaya niya lamang ang kanyang kasama. Ilang mga sports fest, theater plays at mga iilang quiz bee ang kanyang sinalihan na tanging mga ate niya lamang ang nagchi-cheer sa kanya. Nagtapos siyang valedectorian sa elementarya at hayskul na ang yaya niya lang din ang nagsabit ng kanyang medalya na pinagsusumikapang makamit at ninais na maihandog sa dalawang taong mahalaga sa kanyang buhay. Ngunit nasaan ang mga taong iyon? Bakit hindi nila magawang mabahagian siya kahit katiting na man lang nitong oras. Mas mahalaga pa sa mga ito ang kapakanakan ng iba kaysa siya na anak nila. Selfish na kung selfish, ngunit anak lang din siya gaya ng ibang bata na kasing edad niya na nangangailang ng atensiyon, pag-aaruga at pagmamahal ng isang magulang na hindi kayang maibigay ng pera o anumang materyal na bagay dito sa mundo. Lumaki si Jonard na labis ang hinanakit at pagtatampo sa mga magulang.


Noong magko-college na siya ay saka pa lamang pumasok sa buhay niya ang kanyang mga magulang. Hindi dahil upang gagampanan na ng mga ito ang pagiging ama at ina ng mga ito kundi ang pagdedesisyunan ang sarili niyang buhay. Gusto ng mga ito, lalo na ng Daddy niya na Political Science o kaya'y abugasya ang kukunin niyang kurso nang sagayun siya ang susunod sa mga yapak nito. Magiging matagumpay din siyang pulitiko sa darating na panahon.


Labis ang kanyang pagtutol sa kagustuhan ng mga magulang niya para sa kanya. Parang gusto niyang sabihin na, "Wow, ha kung kailan ninyo gustong panghimasukan ang buhay ko ay saka pa lamang ninyo ako lalapitan at kakausapin!" Ngunit hindi na niya iyon naisatinig. Seventeen pa lang kasi siya noon. Kahit labag sa kanyang kalooban ang kagustohan ng mga ito sa kanya at kahit anong panghihimutok niya ay kinakailangan muna niya magpatianod sa agos. Wala pa siyang sapat na kakayanan para suwayin ng harapan ang kanyang mga magulang.


Nang sinamahan siya ng kanyang ama sa UP para mag-enroll sa kursong Political Science ay hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Naroon iyong saya at lungkot. Saya dahil unang beses iyon sa tanang buhay ni Jonard na sinamahan siya ng kanyang Daddy bagay na huling ginawa nito noong nasa preschool pa lamang siya nang hindi pa ito pumasok sa pulitika. Lungkot dahil hindi maitatwa ang katotohanan na kaya siya nito sinamahan ay upang simulang kontrolin ang buhay niya, bagay na labis niyang palihim na tinututulan.


Matapos siyang ma-enroll at maibigay ang lahat ng kailangan niya ay bumalik na ng Rizal ang ama niya. Nag-iwan lang ito sa kanya ng credit card at ATM para sa kanyang mga pangangailang pinansiyal. Sa bahay nila sa isang exclusive subdivision sa Quezon City siya titira. Kasama ang Yaya Laura niya na tumatayo ng mga magulang niya noong bata pa lamang siya. At si Mang Gardo na asawa ng yaya niya bilang drayber niya. Menor de edad pa kasi siya kaya hindi pa siya pinahihintulutan ng kanyang Daddy na magmaneho ng sasakyan.


Flower BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon