MAKI'S POV
Isang linggo na akong andito sa loob ng Death forest pero wala pa rin akong alam sa kung ano ang silbi ng training na ito. Dahil wala parin naman akong naramdaman na may nagbago sa akin di katulad nung ibang training. Simula kasi nung pagpasok ko eh lahat ng nararamdaman ko ay takot at pangamba baka kasi kung ano ang mangyari sa akin saka takot din ako sa dilim. Di bale ng makakita ng multo keysa sa madiliman ako. Kaso lahat yata sa lugar dito eh madilim kahit na nakatirik pa yung araw. May nakakasalubong nga akong mga creature na hindi ko kilala may mga patay na kahoy pero may bunga. Minsan nga pag gabi sa pagtulog ko nararamdaman kong maraming mga mata ang nakatingin sa akin. And its really creeping me out.
Tinuloy tuloy ko lang naman ang paglalakad kahit na wala akong sinusundang direction hanggang sa makarating ako sa isang lugar na naiiba sa lahat. May malaking puno kasi ng Cherry blossom ang nakatayo sa gitna ng ilog at sobrang ganda ng mga bulaklak niya.
Maki be careful.. alalahanin mong andito ka sa loob ng Death forest.. lahat ng mga andito ay di mo dapat pagkatiwalaan o ano pa man.. ace
Rinig kong sabi ni Ace sa akin. Mula sa kinatatayuan ko ay lumapit ako ng kaunti sa ilog at nakikita ko ang ilalim ng ilog dahil sa sobrang linaw nito. Hindi ko alam kung bakit pero habang tinitingnan ko ang ilog ay naririnig kong tinatawag niya ako at sinasabing tumalon raw ako. Hindi ko namalayan, bigla na lang akong tumalon. Akala ko malulunod na ako pero tila may humihila sa akin papunta sa Napakalaking puno ng Cherry blossom.
Maki what were you thinking?? Ace
Umahon ako at hinay hinay na lumapit sa puno saka ko iyon niyakap at nilapit ang tenga.
Kakaibang enerhiya ang bumalot sa katawan ko na parang may yumakap sa akin.
Maligayang pag dating Maki Rianne Santillan matagal ka na naming hinihintay. Sabi ng isang boses
Napalayo naman ako sa puno
S-sino yan?? Ace naririnig mo ba yun?? AkoSiyempre narinig mo eh.. ace
Naramdaman ko ang mabilis na enerhiya na mula sa katawan ko at inilabas doon si Ace.
Ace.. bakit ka lumabas?? Ako
Huh?? Walang kamalay malay niyang sabi
Ako si Cherry ang tagapagbantay ng Forest na ito. Matagal na kitang hinihintay Maki. Unang pasok mo pa lang ramdam ko na ikaw na nga ang ika dalawampu na Ace spiriter na papasok dito para makumpleto ang training mo. Dahil busilak ang iyong kalooban may ibibigay ako sa iyong ability. Nasa sa iyo ang relaxing ability na nagpapagaan ng mga nararamdamang galit at poot ng mga tao. Kaya bukas palad kong ibibiay sa iyo ang cleansing ability na nililinis ang anumang klaseng masasamang espirito na pumasok o sumapi sa mga tao. Isang liwanag ang biglang lumitaw sa harap ko at biglang pumasok iyon sa akin. Naramdaman ko ang kakaibang enerhiya sa loob ng katawan ko na parang nilinis din lahat ng mga masamang nararamdaman ko. Galit,poot, tampo, takot at kung ano pa man.
Maraming salamat po Cherry. Ako saka niyakap siya ulit.
Bumalik sa katawan ko si Ace at ewan ko kung bakit umalis ako agad at nagpatuloy ako sa paglalakad. Wala na rin akong nararamdamang takot o kaba sa kung ano man ang lumabas diyan at nawala na rin yung takot ko sa dilim.
Ms.CAROL POV
Habang nililigpit ko ang gamit ko ay nakatanggap ako ng tawag mula sa control unit ng school.
Hello?? Ako
Maam may irereport lang po ako. Kahapon ng madaling araw lang po dumating yung mga larawang nakuha mula sa nilagay na cctv dun sa death forest. Confirm po may isang estudyante ang pumasok sa Death forest at isang linggo na po siyang andun sa loob.
BINABASA MO ANG
ACE ACADEMY
ФэнтезиAce Academy is a school that has a high standard students which are capable of d0ing things cann0t be d0ne by a n0rmal pe0ple. What if yung kinagisnan m0ng buhay ay bigla nalang magbabago. What if dahil sa maling decisi0n mawawalay sayo mga taong...