CHAPTER SEVEN: TOWN

4.3K 133 0
                                        

MAKI'S POV

Nang makapasok na kami sa town ay agad namang sumalubong sa amin ang napakabusyng lugar.. sobrang dami ng tao na parang may festival at kahit saang tingin mo puro tindahan ang makikita mo parang nasa labas na rin ako ng school kasi yung environment ngayon ay parang palengke sa sobrang ingay.

Tayo na guys simulan na natin para marami tayong mabili.. Naggiggle na sabi ni Alyssa

Sige tara unahin na muna natin yung mga gagamitin ko sa potion kaya tara sa Black market tayo. Allisa said

Nagpunta naman kami dun at binili lahat ng mga kakailanganin niyang gamit para sa ginagawa niyang potion at pagkatapos dumiritso kami sa center ng town kung saan naroroon ang mga botique ng mga damit,sapatos,makeup at marami pang iba. Pagdating namin dun kakaunti lang ang mga taong naroroon

Bakit kaunti lang ang tao dito?? Tiara asked

Mmm masyado kasing mahal ang mga binibenta rito mga nasa 1000 Zenie yung pinakacheap Allisa

Ahh kaya naman pala ang daming tao dun sa may gate.Tiara

Tara na guys. Unahin natin yung pangcasual na damit para naman makabili na tayo ng mga bagong damit Charice

Pumasok kami sa isang botique at doon naghiwa hiwalay kami para makapili ng mga damit. Kumuha ako ng basket at pumunta sa mga blouses at t-shirt mahilig kasi ako dun at pumili.. lahat na mga napili at nagustuhan ko ay nilalagay ko sa basket. Yung price kasi ng mga yun ay nasa 5000 zenie pababa kaya okay lang. Tiningnan ko yung iba kong kasama busy din sila sa pagpili ng mga damit kaya sunod kong pinuntahan ang mga shorts and pants.

Pagkatapos ay sabay sabay kaming nagpacashier. 10 tshirts, 5 blouses,4 jackets, 7 ternong damit, 7 shorts, 2 jogging pants, 4 leggings and 5 pants ang nabili ko for 290 thousand Zenie at lahat yun ay nilagay na niya sa isang plastic na parang bubble na nakalutang habang may maliit na pulang string ang nakakapit dun saka niya binigay sa akin ang kabilang dulo ng string at sinwipe na niya yung card ko para mabayaran ko na. Sumunod naman yung mga kasama ko at pagkatapos ay nagpunta na kami sa botique ng mga dresses.

Pumasok na kami at nagsimulang pumili.. yung theme kasi ng ball ay masquerade. Ayoko sanang sumali kaso required kaming sumali kaya wala na akaong magagawa.

Unang nagfit si Allisa habang kami ay naghihintay sa labas para tingnan siya kung bagay ba sa kanya. Sumunod naman si Alyssa then si Charice and Tiara at ako yung huli.

Naaaah hindi bagay sa iyo Maki bilis palitan moCharice

Pumasok ulit ako sa loob at nagsukat ulit ng iba. Yung suot ko kasi kanina ay pink na dress na hanggang tuhod at ngayon light blue simple lang siya pero may mga maliliit na beads to look it nice. Lumabas ako.

Ikot Maki.Umikot naman ako dahil sabi nila..

Pangit di bagay sa yo. Dali magpalit ka na.. Tiara

Ilang beses pa akong labas pasok sa dressing bago nila nagustuhan yung damit na suot ko.

Wow.. as in totally wow.. that's really suit you Maki..Charice

Yup bagay sa iyo Maki you look perfect. Puna naman sa akin ni Tiara

Okay. Kaya yun na ang binili ko. Binayaran namin yun at nagpunta sa boutique ng mga cosmetic products and make up. Madali lang kami natapos dun kasi may mga sets na.
Tapos ay nagpunta kami sa botique ng mga sapatos. Agad akong kumuha ng basket para makapagsimula na at ganun din yung ginawa ng mga kasama ko. Bumili ako ng tatlong pares ng flip flop na slippers at isang islander na kulay blue. Dumiritso ako sa stan ng mga rubber shoes at pumili ng sakto at bagay sa akin. Nakapili ako ng tatlong pares na iba iba ang klase at kulay  tapos tiningnan ko ang mga kasama ko. May dala ng heel sina Tiara at Charice samantala ang kambal ay namimili pa. Nilingon naman ako ni Tiara kung tapos na ba ako at sinagot ko siyang malapit na. Agad akong naghanap ng heel na babagay sa dress na napili ko. Umikot ikot ako sa lugar dahil wala akong matipuhan. Hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako at doon ko nakita ang isang heel na hindi gaanong mataas mga nasa 2 inch lang siya at kulay itim pa terno sa damit ko. Napaka elegant niyang tingnan dahil sa maliliit na diamond ang nakadisensyo sa bawat parte ng strap kaya yun na ang kinuha ko at pumila na ako para mabayaran yun. Sumunod naman yung mga kasama ko. At sabay sabay na naman kaming nagbayad.. 509 thousand lahat ang nabayaran ko.

ACE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon