CHAPTER 41: REPLICATION'S FIGHT (PART 2)

2.8K 101 3
                                    

MAKI (THEA'S) POV

Napatigil ako sandali dahil narinig ko bigla yung tawag ni Rei sa akin kaya agad ko siyang sinagot. Hmmm pero totoong para akong nalasing dahil sa nalanghap ko kanina pero ng marinig ko boses ni Rei ay agad iyong nawala or pinilit ko lang talagang mawala dahil mahirap na pag nagalit si Rei. Hehehe

Kaya naman pala tumawag siya ay dahil kailangan nila ng tulong.. well okay lang naman sana sakin ang umalis dito at tulungan sila pero baka hindi pa mawala tong nangyayari sa akin at mapagalitan pa nila ako. Sinubukan ko ring kontakin si Maki pero tama din si Rei hindi nga makausap si Maki.. ano naman kaya ang nangyari sa dalawang yun.

Hayy mabuti na rin pala at nailabas ni Maki sina Meg at yung iba para makatulong din at safe ako kay Rei hehehe..

Well balik na tayo sa reality.. kanina pa ako niyuyogyog ni Tiara Four grabe ha ang sakit na ng mga balikat ko.

Shhhh.. wag kang maingay kashi.. Hik hik..  siyete ayan na naman yung hik ko.. aishht buti napigilan ko kanina

Ano ba kasi yung ginagawa mo?? Tanong niya sa akin na mahina din yung boses niya

Nakipag usap lang ako sa iba... saka itry mo ngang kontakin si Tiara hindi kasi namin makontak si Maki eh Ako

Ginawa naman niya yung sinabi ko saka

Hindi ko rin siya Makontak.. anong nangyari sa kanila?? Asan sila?? Tanong niya

Yan din yung hindi namin alam saka ang ipinagtataka ko eh bakit hindi tayo nakakuha ng impormasyon sa kung ano o saan sila eh di ba nga replication nila tayo.. lahat ng mga bagay na ginagawa natin at nila ay malalaman natin Ako

Napatahimik naman si Tiara four.

Napansin kong mas lumakas ata yung hangin kaya tumingin ako sa harap. Nakita ko sina Tristan at Chester sa harap namin.. ano naman kaya yung ginagawa nila

Pero gaya nga ng sabi ni Rei kailangan na naming matapos ang lahat ng ito para mahanap na namin sina Maki at Tiara. Ginamit ko yung replication ko. Iniwan ko yung isa sa pwesto ko samantalang ako ay sumanib sa lupa at lumayo ng kaunti sa pwesto namin kanina. Pumaitaas yung ulo ko para makita ko kung ano yung nangyayari.

Hmm nasa itaas si Grae habang kalaban niya yung matanda na kasama nung babae. At yung babae naman ay nang gigigil kay Tristan at Chester ewan ko lang kung bakit. Patuloy kasi sila sa palitan ng atake gamit yung hangin.. kaya naman pala malakas yung hangin.. habang sigaw naman ng sigaw yung babae na

I said. OUT OF MY WAY..!!Hindi kayo yung kailangan ko... I need my collection...  kaya umalis kayo..!!! Jugun.. hindi pa ba tapos yan??!!  Sigaw niya..

Hindi siya nagawang sagutin nung kasama niya dahil sa sobrang lakas ng hangin.

Kailangan ko na ring kumilos para makaalis dito at tulungan yung iba at para mahanap namin sina Maki at Tiara.

Lumabas na ako sa ilalim ng lupa at huminga ng malalim saka ako kumilos.

Falling Rocks.. sabi ko ng mahina at nakita kong unti unting bumubuo ng malalaking bato yung mga nagliparang lupa dahil sa lakas ng hangin na ginagawa nila. Hindi niya napapansin yung ginawa ko dahil masyado siyang focus sa pakikipaglaban kina Tristan at Chester kaya ng mahulog ang mga bato papunta sa kanya ay nagsisigaw siya

Oh my Gosh.. what is this..!?? Ahh.. Ouch... oh mY.. ouch.. Jugun.. help me . Ahhh sigaw niya na sinubukang umiwas pero sadyang marami yung mga nahuhulog sa kanya eh.. nawala yung konsentrasyon niya sa ginagawang atake kina Tristan kaya ng mas pinalakas pa ni Tristan yung ability niya ay natamaan siya nito at paikot ikot na nakikisabay sa hangin palayo yung babae..

ACE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon