One shot 3

12 2 0
                                    

'ELVE POV'
Maaga akong nagising para pumasok 5 pa lang ng umaga gising na ako kaya inihanda ko muna ung mga gamit ko sa school para ready na tska ung uniform at sapatos ko. 4th year na pala ako pero mukha daw akong elementary! Hahaha funny! Eh sa maliit talaga ako ei.
Pagkababa ko nagluluto pa lang si mama ng almusal namin wala kaming katulong at dalawa lang kaming magkapatid si ate Nicka Devonne. Bunso ako kaya malakas kapit! Hahaha.
'Good morning ma!' Sabi ko kay mama sabay kiss sa cheeks niya.
'Morning! Asan ate mo?'
'Tulog pa po un si ate von, 8:00 po pasok niya' sabi ko kay mama habang naghahain siya ng pagkain sa mesa.
'Ay oo nga pala, bago ka umalis gisingin mo ate mo baka malate un'
'Sige po, tulog pa po si papa?' Tanong ko kay mama. Maaga pasok ni papa sa office himala yata at tulog pa.
'Naliligo na papa mo, baka tapos na un' sabi ni mama .
'Good morning My queen and my little princess!' Sabi ni papa na naka suit na. Kiniss niya si mama sa cheeks tapos hinug niya ako.
'Morning po pa! Pogi mo po ah!' Pabirong sabi ko.
'Nako elve binubola mo na naman si papa' aba't himalang maagang gumising si ate.
'Himala! Aga mo masing ah, nakain mo  anak?' Pabirong sabi ni papa kaya tumawa kami ni mama.
'Hehehe! Natawa ako pa! Naamoy ko kasi ung luto ni mama na masarap!' Sabi ni ate sabay yakap kay mama.
'Nako! Mas bola ka pa sa tatay mo anak! O siya maupo na tayo at kumain' kaya ayon kumain na kaming masaya! May kwentohan at tawanan.

Pagkatapos namin kumain naligo na ako tska ginawa yung daily routine ko. Naglalakad lang ako papuntang school tutal maaga pa naman at malapit lang un dito.
'Ma alis na po ako, paki sabi na lang po kay ate.'
'Sige! Mag aral ng mabuti ah at magiingat ka' paalala sakin ni mama tska kiniss ako sa cheeks.
'Aiyay captain!' Sabi ko kay mama habang palabas. 

Paglabas ko nakita ko siya. Shemss! Bilis ng tibok ng puso ko. Nagtama mga mata namin kaya ginawa ko nginitian ko na lang siya ngumiti rin siya! Gustong gusto kong tumalon talon sa kilig dahil ngumiti siya sakin pero di ko magawa kaya ung puso ko na lang ung tumatalon anytime pwede na siyang makalabas.

Pagkatapos ng ngitian session namin ayon naglakad na akong nakangiti na mukhang timang! Di pa rin nag sisink in sa utak ko na ngitian niya ako. Pagkarating ko sa room nakangiti pa rin ako. Hayss! Good vibes alert.
'Hoy moshi! Ok ka lang ba? Nangyari sayo?' Sita sakin ni aisha.
'Oo naman! Kinikilig lang talaga ako moshi! Nginitian niya ako!' Sabi ko kay aisha na nakatinga lang sakin.
'Naks bubs! Improving na! Ano kaya sunod?' Biglang singit ni izza. Kabute talaga to.
'Ewan? Wala akong idea? ' sabi ko naman sakto dumating na rin si janna.
'Ano yang pinaguusapan niyo? Pashare naman!' Sabi niya sabay upo sa tabi ni izza.
'Sino pa ba edi ung bebe ng bestfriend natin!' Sabay na sabi ni aisha tska ni izza!.
'Tsk! Ingay nyo talaga!' Sabi ko sa kanila. Di mapirmi ung bunganga.
'Asus! Nahiya pa! If I know mosh gustong gusto mo ng tumalon talon?' Sabi ni janna sakin with matching hampas. Nagtawanan naman silang tatlo lokaret talaga.
--------------------------------------------------------

Launch break na kaya pumunta kami ng canteen para lumapang. Napagusapan rin namin ung darating na foundation day ngayon. This kaming weak na pala un kailangan namin magpost ng best shot na picture na kuha namin since photo journ kami, ganun din ung iba.
'May best shot na kayo? Para sa foundation day?' Tanong ni janna.
'Meron na ko. Nagkalkal lang ako sa dating old shot ko, kayong tatlo pa ngayon ei.' Sabi naman ni izza.
'Paanong kami? Lagot ka sakin ambal kapag pangit itsura namin dun!' Sabi naman ni aisha. Ambal tawag nila sa isa't isa  magkatunog kasi ung aisha tska izza.
'Basta! Makikita mo rin un kapagpinost na natin' sabi ni izza habang kumakain.
'Eh ikaw mosh meron kana ba?' Tanong sakin ni janna. Siguro ung kay gab na lang. Hindi naman mahahalata na siya un ei.
'Ah meron na ako stolen shot ni gab habang nagpipaint' sabi ko, hindi kasi ako nagtatago ng kahit ano sa kanila.
'Nako moshi! Iba na yan! Hahahahahaha' sabi ni aisha sabay tawa.
'Ano kaba posh! Masanay na tayo dyan! Nakakakilig kaya kapag sila katuluyan in the future!' Sabi naman ni janna.

Para di kayo malito sa tawagan namin ito un. Alam niyo ba ung call sign ito un.
Tawag namin sa isa't isa ni janna MOSH.
Tawag namin sa isa't isa ni Izza BUBBLES shortcut BUBS.
Tawag naman namin ni  aisha MOSHI.

Call sign nila Aisha at Janna ay POSH.
Call sign nila Janna at Izza MITCH.
Call sign nila Aisha at Izza AMBAL.
Ok na ba? Gets na? Buti naman. Hahaha. Pagkatapos namin kumain umakyat na ulet kami sa room. After ilang oras uwiaan na.
'May pupuntahan pa ba kayo?' Tanong ko sa kanila? Maaga pa naman 4pm pa lang. Gusto ko sana silang yayain sa bahay.
'Wala na!' Sabay sabay nilang sabi.
'Good! Tara sa bahay may nilutong cupcakes si mama' sabi ko sa kanila sabay kapit sa mga braso nila. Ganto ung pwesto JANNA-IZZA-AKO-AISHA.

Pagkarating namin sa bahay sakto na sa mesa na ung cupcakes na ginawa ni mama.
'Good afternon po tita!' Sabay sabay nilang sabi.
'Good afternon din sa inyo! Sige na kain na kayo ng cupcakes' sabi ni mama kaya ayon kain lang kami ng kain.

Pumunta kami sa kwarto ko para ipakita ung best shot na ipopost ko sa foundation day.
'Ito na ba ung kuha mong shot mosh?' Tanong ni janna sabay hawak sa picture na pinirint ko kagabi.
'Oo yan na un, simple lang yan' sabi ko habang kinukuha ko ung album na puro stolen shot ni gab.
'Wow! Ang astig bubs ng kuha mo! Panalo na to!' Sabi ni izza na manghang mangha.
'Tss! If I know bubs mag maganda sa inyo, simple shot  lang yan! Isang click nga lang ei' sabi ko naman sa kanila.
'Anong simpleng shot moshi ei focus na focus ung shot mo kay gab tapos ung background niya blurred na talagang siya lang ung malinaw' sabi naman ni moshi tska pinakita niya ung pictures na kasing laki ng short bond paper.
'Nako! Tigilan nyo nga akong tatlo. Wala lang yan, ito na lang tignan nyo ung album niya' sabi ko sa kanila sabay abot ng album sa kanila.
'Grabe ka bubs! Napakadami ng ng stolen shots niya at infairness ang ganda ng kuha mo'
'Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig' sabi naman ni janna.
'Wala ei! Ang agang humarot ng puso ko' sabi ko sa kanila habang nakahiga sa kama. Tumabi naman silang tatlo sakin para humiga. Kasya kaming lahat well!
'Pag ibig na kaya! Ito ba ang simula?' Pakantang sabi ni aisha.

Mahigit 2 hours rin sila sa bahay bago sila umuwi kaya ito ako ngayon alone.

"CAPTURING THE MOMENT"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon