CHAPTER 18

2.4K 95 5
                                    


Huminga ako ng malalim at kinuyom ko ang mga palad ko.

Lumapit sakin si Raven at inabot ang bouquet na pandang maliliit.

"For you Pam" sinamaan ko siya ng tingin.

Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong humalukipkip si Cone samantalang nakakunot noo namang nanonood si LWB.

I sighed.

Tinalikuran ko siya at paalis na sana ng magsalita si Cone.

"Why don't you get it? It's cute, don't you like cute things Pam?" tanong niya kaya naman napatingin ako sa kanya at nakita kong nakagising aso pa rin siya.

"Hindi siya cute" sabi ko.

Nagtaas ang kilay niya "Hindi cute? Pandas are cute, baka iba ang definition ng cute sayo? O, nakalimutan ko, maton ka nga pala! Hahaha"

Sinamaan ko siya ng tingin at hinarap ulit si Raven saka hinablot sa kanya yung bouquet ng panda. "Thanks!" sabi ko saka nagmartsa paalis. Malayo sa nga asungot.

Narinig ko pa ang malakas na halakhak ng hampaslupang apa habang tinatawag naman ako si LWB.

Dire-direcho lang ako papunta sa classroom ko. Dito lang ako nakaramdam ng katiwasayan dahil wala ang maingay na si Yanna at wala namang pakielam sakin ang mga kaklase ko. Praise the Lord!

Lunch na, kakalabas lang ng prof namin at naabutan ko sa may pintuan ang nagaabang na si LWB.

Pinagtaasan ko siya ng kilay ng nagmadali siyang lumapit sakin ng makita akong palabas ng classroom..

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Sabay na tayong maglunch. Treat ko"

"Anong akala mo sakin? Walang panglunch?" tuluy tuloy lang akong naglalakad ng mabilis habang siya parang asong habol ng habol.

"No. Of course not. I just want to treat you" sagot niya.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang makapasok ako sa canteen. Sobrang crowded ng lugar at wala akong makitang bakanteng table.

Aalis na sana ako nang may biglang tumawag sakin. Napahinto ako sa paglalakad pero napailing na lang at humakbang ulit.

Psh. Ang generic kaya ng Pam. Baka hindi ako yun sabihan pa kong asumera.

"Pam!"

Hindi ko pa rin pinansin.

"I think may natawag sayo?" sabi ni LWB.

Napatingin ako sa kanya  Nakasunod pa rin pala ang loko.

"Pamela Reyes!" napahinto na ko at nilingon kung sino man yun.

Nahagip ng mata ko si Raven na nakatayo at nakitingin sakin habang tinuturo ang katabi niyang silya.

"We can eat outside" narinig kong sinabi ni LWB sa likuran ko.

Ayoko nang maglakad kaya hindi ko pinansin ang sinabi ni LWB at lumapit ako sa pwesto ni Raven.

Ang lapad agad ng ngiti niya ng lumapit ako.

"Kanina ka pa namin hinihintay" sabi niya tinuro ang tupperware na nasa mesa "Lunch mo"

Tinitigan ko siya pero nginitian niya lang ko. Nilingon ko ang pila sa counter, masyadong mahaba kaya naman naupo na lang ako.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ng taong nakaupo sa harapan ko.

"Bakit ka nandito?" sinamaan ko ng tingin si Cone.

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon