CHAPTER 45

1.9K 74 3
                                    


Pinilig ko ang ulo ko.

"Tingin ka naman dito Trystan!" sabi ni Ashley pero hindi siya pinansin nito.

"Ano Pam? Pumili ka na!" naiinip na sabi naman ni Yanna.

Nilingon ko siya sa gilid. "Wala akong mapili" sabi ko saka naglakad palabas ng booksale.

Wala naman talaga kasi akong pasensya sa book hunting. May mga araw talaga na hindi ko makuha kung anong genre ang gusto kong basahin kaya minsan nagsstick ako sa mga author na kilala ko na.

"Are you sure? Isang shelf palang ang napupuntahan mo" nagtatakang tanong ni Yanna.

Umiling ako. Ayaw ni Yanna kay Ashley kaya mageeskandalo pa yun sa loob kung makikita niya yung dalawa kaya iiiwas ko na.

"Papicture tayo!" sabi ni Yanna sabay hila samin sa photobooth.

Wala na kong nagawa dahil naitulak na agad niya ko sa loob at sinunod na itulak si Ian sa gilid ko at pinaggitnaan nila ko.

"Smile ka Pam. May bayad to" sabi ni Yanna habang may kinakalikot sa screen. "Here! Smile!" sigaw niya saka nagpose.
Nakailang pose yung dalawa pero ako isa lang at hindi ako ngimiti. Psh. Wala ako sa mood magpapicture.

"Pam! You are so KJ ever talaga! Look at this, you look like a statue at the center" reklamo ni Yanna ng maprint na yung picture.

"Wala akong pakialam" sagot ko.
"Psh. Let's play in Quantum na lang" sabi nito.

Napailing ako. Alam niyang bukod sa bookstore, eto ang pangalawang lugar na pinupuntahan at natotolerate ko sa loob ng mall kaya naman naenjoy ko din kahit papaano ang lakad namin.

"See you tomorrow" sabi ni Ian pagkabalik namin sa school.

"Thanks Ian! Next time ulit!" Ngiting ngiti na sabi ni Yanna.

Umiling na lang ako at sumakay sa kotse ko. I started the engine saka ko siya hinintay makasakay bago ko paandarin ang sasakyan.

"Im happy na nagiging warm ka na kay Ian" sabi niya bigla habang nasa byahe.

Kumunot ang noo ko habang diretsong nakatingin sa daan. "Anong pinagsasabi mo?" tanong ko.

"You didn't shout at him like before, you didn't gave him death glares and you miraculously went with the flow!" she giggled.

"Tsk. Sanayan lang" sagot ko.

Sa ilang buwan na pagsulpot ng mga asungot sa buhay ko, nasanay na din naman ako kahit papaano. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nila ginagawa yun. Nagsasayang sila ng panahon. Ano bang napapala nila sa pagiging asungot sa buhay ko? Tsk.

"That's good and that's bad also." komento ni Yanna.

Sinulyapan ko siya sandali at mas kumunot ang noo ko. Nakita ko siyang nakatingin sakin sa gilid ng mga mata ko.

"Getting used to something or someone has a pros and cons. It makes you comfortable yet it makes you get attached to it unnoticed" paliwanag ni Yanna.

Hindi na lang ako sumagot. Tahimik ko siyang nahatid sa kanila.

"Thanks Pam!" sabi ni Yanna bago bumaba ng kotse.

Dating gawi. Pagkapasok ko sa bahay, diretso lang sa kwarto, nagpalit ng damit at bumaba para kumain ng cheesecake. Pero kingina, ang malas lang dahil wala na pala at wala pa din si Papa kaya no choice akong kinuha yung susi ng motor ko at lumabas ng bahay.

Pumunta ako sa pinakamalapit na starbucks at bumili ng isang buo saka bumalik sa bahay. Dumating na si Papa pero may kasama siya.

"Pam anak, dito magdidinner ang Tita Stella mo. And.. we want to talk to you" sabi ni Papa pagkapasok ko sa loob ng bahay.

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon