CHAPTER 33

1.5K 97 17
                                    

"I like Pam but no, im not courting her" relax na sagot ni Raven na nakapagpahinga ng maluwag sakin.

Kung sinabi niya oo, nako! Masasapak ko talaga siya. Ayoko ngang magpaligaw. Mahal ko naman ang sarili ko, kuntento na ko, hindi ko na kailangan ng pagmamahal ng iba.

"Really? Then what's that mean?" tinuro ni Yanna yung tupperwares at tubig na nakalapag sa tapat ko. "And the stuffs that you're giving her?" taas ang kilay na dagdag pa nito.
"I said I like her" simpleng sagot ni Raven na parang wala lang.

Kingina. Yuck. Ayokong nakakarinig ng ganitong usapan.
"I like seeing her face when she's pissed off, it's cute. Pero hindi ko siya liligawan not unless kapag in love na ko sa kanya" 

Napapikit ako ng madiin. Gusto kong masuka. Kinginang yan.

"Don't worry Pam, i'll tell you right away when im already inlove with you" sabi nito habang seryosong nakatingin sakin.

Sinutok ko ang braso niya. "Magtigil ka. Nakakasuka!" naiinis na sabi ko na tinawanan naman niya. Peste.

Umiling na lang ako at binuksan ang tupperware na nasa harap ko. Ready na ang poker face ko para sa bubungad sakin na mukha ng panda kaya laking gulat ko ng wala akong makita ni anino ng nakakainis na panget na panda.

Mukhang hinihintay talaga ni Raven ang reaksyon ko at pinapanood niya ko. "Kay Trystan galing yan. Peace offering" sabi nito.

Kunot noo akong tumingin kay apa na nakatitig na sakin.

"Thanks" sabi ko na lang at nagsimula ng kumain ng tahimik.

Eto lang naman ang inaantay ko, peace offering. Pero kulang pa rin to. Mahal ang singil ko sa pride ko kaya hindi pa ko okay. Ano siya sinuswerte? Asa.

*

"Huy! Tahimik mo? Kanina ka pa hindi nagsasalita dyan" sita ko kay Yanna ng makabalik kami sa classroom.

"Tss. Love his face!" naiinis na sabi nito "Kapag nanligaw na yun sayo wag mo muna sasagutin. Pahirapan mo hanggang sumuko"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Gusto ko lang siyang asarin.

She rolled her eyes "I hate him!"

Napailing na lang ako.

Pagkatapos ng klase dumaan muna kami sa library bago umuwi.

"Oh, gosh. Until here? Such a coincidence ha?" naiinis na sabi ni Yanna ng makita namin si Cone at Raven sa library na busy'ng busy sa pagbabasa ng libro.

Tuluy tuloy lang ako sa bookshelf at hinanap ang librong kailangan ko saka lumapit sa librarian para hiramin ito at walang lingong likod na umalis ng library.

"Thank God they didn't saw us" sabi ni Yanna ng makarating kami sa parking lot.

"What's up with you?' nagtatakang tanong ko kay Yanna nang magsimula na akong magdrive.

"Nothing" sagot niya at nanahimik sa buong byahe.

Umiling na lang ako at hinayaan siya. Baka apektado pa kay Raven.

Tuluy tuloy lang siyang pumasok sa bahay at diretso sa guestroom ng walang imik. Hinayaan ko lang siya na magkulong sa kwarto ng ilang oras at nang sa tingin ko medyo sapat na ang alone time niya, kinatok ko na ang pinto ng guestroom. Hindi ko na hinintay na may magbukas ng pinto dahil pinihit ko agad ang doorknob pagkatapos ng ilang katok.

Nakahiga siya sa kama habang nakatitig sa cellphone niya. Tumingin lang siya saglit sakin at binalik sa cellphone ang tingin niya. Humiga ako sa tabi niya at tumitig sa puting kisame.

"Gusto mong magpagawa ako ng TRO?" tanong ko.

"Ha?" kunot-noong tanong niya.

"Tss. Obvious na obvious ka. Wag kang mag-alala hindi magiging kami ng lovelife mo. Mamamatay ka muna bago mangyari yun"

Naramdaman ko ang paghampas niya sa balikat ko. "Anong mamamatay muna ako?! You want me dead?! How could you!"
"Tss. You know what I mean" kibit balikat na sagot ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "That's not the thing"

"E, ano?"

"Ewan. I don't know. Im maybe kinda envy you for getting his attention without even doing anything."

"Tss"

"But no worries. I can handle that. Basta you'll promise to tell me if you're falling na ha"

What? Ako? Maiinlove? Imposible!

Tinitigan ko siya nang hindi makapaniwala. "Ha!" tinapik ko ang noo niya  "Asa ka pa. Kahit mamatay ka, hinding hindi mangyayari yun"

Bumangon si Yanna at sinamaan ako ng tingin saka hinampas sa braso. "Why are you always saying that? You really want me dead?!" sigaw niya.

Sinalubong ko ang masana niyang tingin "Minsan" sagot ko saka tumawa ng hampasin niya ko ng unan. Napatigil lang ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa ang isang hampaslupang apa.

"Dinner" sabi nito habang seryosong nakatingin sakin tapos umalis agad at sinarado ang pinto.

"Someone's not in the mood" sabi ni Yanna.

*

"Pam"

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin ako kay Cone. Nakatayo siya malapit sa likod at seryoso ang itsura niya. Nakita ko na siyang ganito noon, eto na siguro ang sinasabi nila Tita Honey at Yanna na isang side ni Cone pero paki ko ba?

"Im sorry.." sabi nito at may nilabas mula sa bulsa saka inabot sakin.

Kitkat. Yung maliit na dalawang bar lang. Jusko. Magbibigay na lang ng isa yung maliit pa?

Tinitigan ko lang ang kamay niya at magcross arms. "Ano yan?"

"Kitkat" sagot niya in a-matter-of-fact tone saka nagkibit ng balikat.

Sinamaan ko siya ng tingin pero walang epekto. "Suhol? Yan lang?" salubong na salubong ang kilay na tanong ko.

Ako nang demanding pero tangna. Magsusuhol na lang isang piraso lang? Hindi ko malalasahan yan.

Bigla siyang ngumisi at nilayo ang kamay niya sa akin saka binuksan ang kitkat at kinain. Kingina. Mas lalo kong sinamaan pa siya ng tingin.  

"What?" painosenteng tanong nito saka ngimising aso.

Ako ba, pinagloloko talaga nito? Konti na lang sisipain ko na siya palabas ng bahay at sisiguraduhin kong hindi na siya ulit makakatuntong dito kahit hibla ng buhok niya hindi makakapasok dito sa bahay.

Umiling na lang ako at tinalikuran siya. Nag-aaksaya lang ako ng oras sa kanya.

"Kikay" tawag niya.

Tuluy tuloy lang ako sa pagakyat sa hagdan na parang walang naririnig. Naramdaman ko ang pagsunod niya pero hindi ko na din pinansin.

Nakasunod lang siya sakin hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Pero natigilan ako ng tumama ang mga mata ko sa kama ko na puno ng iba't ibang chocolates, cookies at biscuits. Halos kuminang ang mga mata ko at maglaway ako sa nakikita ko.

"Tell me if that's still not enough" sabi ng nasa likuran ko.
"Forgive me, please?"

****

**Please nominate this story on wattys2016. Thank you! :*

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon