CHAPTER 59

1.3K 82 21
                                    


"You're like a zombie ready to eat brains Pam," natatawang sabi ni Yanna habang naglalakad kami sa hallway.

Hindi ko siya pinansin. Wala akong pakielam kung mukha akong zombie. Hindi niya naman ako katulad na conscious sa physical appearance. Aanhin ko naman yung atensyon ng tao? Tsk.

"Hey! Okay ka lang ba? You looked problematic" she nudged me.

"Tss"

"Tell me, what is it?" pangungulit nito hanggang sa makarating na kami sa classroom.

Hindi ako sumagot at nagtuluy tuloy lang sa upuan ko saka sumubsob sa desk. Wala ako sa mood magkwento at wala akong balak magsabi sa kanya dahil panigurado, aasarin lang ako nun at lalo pang ipagduduldulan na si Ashley yung gusto ng apang yun. Hindi ko kailangan nun. Katahimikan at kapayapaan ang kailangan ko.

Natapos yung klase nang hindi ko inimikan si Yanna. Lumabas agad ako ng classroom at dumaretso sa canteen habang hinahabol ako ng babaeng yun.

"Parang may iba sayo," kunot noong tanong ni LWB na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. "Maupo ka na. Ako na'ng bibili ng lunch mo. Brother's duty," nakangising dagdag nito.

Napaismid na lang ako saka naghanap ng vacant table. Naupo naman si Yanna sa tapat ko at tinitigan akong mabuti na parang ineexamin yung mukha ko.

"Problema mo?" naiinis na tanong ko saka yumuko sa mesa.

"I should be the one asking you that. C'mon Pam! Im your best friend. Alam ko kapag may iba sa'yo. Spill it!"

"Wala ako sa mood"

"Since when you've been in a good mood? Like duh! Naka-default na kaya yang bad mood sa'yo!" she rolled her eyes. "So, why you're acting weird these days?" she prompted.

"Pinagsasabi mo? Hindi ako weird"

"Huh! And it really comes from you pa talaga? You're weird kaya! Super duper weird nga lang ngayon kaya alam kong may mali. Tell me please!"

Napailing na lang ako pero hindi ko siya sinagot. Sa daldal ng babaeng 'to, alam kong hindi lilipas ang araw na hindi niya mabulgar ang sikreto ko. It must remain secret hanggang sa ilibing ako.

"Oh, the official couple is here! OTP feels!" impit na tili ni Yanna na akala mo kilig na kilig nang makita yung bagong paparating "My cousin and Ashley looks good together!" she added.

My forehead creased saka unti unting nilingon yung tinitingnan niya. Parang huminto yung paligid ko at may mahinang kumurot sa puso ko nang makita ko si Cone at Ashley na nagtatawanan at parang hindi napapansin si Raven na nakasimangot habang sumusunod sa kanila na parang bodyguard.

"Bagay sila," sabi ko, sakto naman na dumating na din si LWB dala yung lunch namin kaya nagsimula na 'kong kumain na parang walang pakialam sa paligid, kahit na yung totoo, gustong gusto ko na lang magwalk out para hindi ko makita yung pagmumukha nila.

They looked good together huh.

Ayokong magpakabitter pero hindi ko maiwasang mainis. Fvck you, feelings.

"Pupunta lang akong library," paalam ko pagkatapos kong kumain.

Hindi ko na sila hinintay na sumagot. Nagmadali na 'kong lumabas ng canteen nang hindi sila tinitingnan. Dumaretso ako sa library at sumubsob sa mesa. Pwede naman kasing matulog dito basta nasa dulo ka at hindi ka na mapapansin ng librarian.

"What's wrong with you?"

Halos mapabalikwas ako sa upuan nang maramdaman kong may biglang humaplos sa buhok ko.

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon