🦄Chapter Two🦄

2.5K 73 10
                                    

"Tungkol duon sa nangyari kahapon."

Hindi agad ako nakasagot. Gusto ba niyang manahimik ako sa nakita ko? Ayaw ba niyang pakialaman ko pa ulit siya sa kahit na anong paraan? Marami na agad pumasok sa isip ko hindi pa man niya naitutuloy ang sasabihin niya.

"Ah..." that thing inside my chest is crumbling, but at the same time it is beating like crazy! As if it wants to jump out. Parang gusto ko na ngang alalayan ang dibdib ko dahil anumang oras, baka tumalon na ang puso ko palabas dito. Natatakot akong makitang hati na 'yon sa dalawa kapag nagawa no'ng makalabas sa dibdib ko.

"I hope that scene won't give you any stupid idea."

Hindi ko alam kung ano talaga ang ibig niyang sabihin sa mga salitang 'to kaya hinayaan ko na lang siyang ipagpatuloy ang mga sinasabi niya.

"I mean... Basta. Kung anuman 'yung nakita mo, wag kang mag-isip ng masama. At sana, itago na lang natin 'yun. 'Wag mo na sanang sabihin pa 'yon sa iba. Pwede ba 'yon?"

Nagkibit balikat ako. "Okay." Finally, I already manage my breathing. "Pwede naman."

"Good. Ah... and one thing more. Pwede bang gawin na natin 'yung project natin?"

Project? Parang hindi ko alam 'yun ah! "Anong project?"

"Partner tayo sa photo shoot diba? Wala ka ba last week?"

Inisip ko talagang mabuti. Hindi ko na kasi maalala 'yung mga ginawa ko last week e. "Wala ata." Hindi ko na maalala dahil masyado akong abala kakaisip sa kanya!

"Mukha ngang wala ka. Kailangan nating mag-photo shoot nang naka-costume. May naisip ka na bang theme? Kahit anong gimmick. Final project kasi natin 'yun."

Pambihira, ang swerte ko naman. Nahahalata ko lang ah, mula kahapon, parang simula na 'to ng pangitaing magiging close kami. Hindi naman siguro malabong mangyari 'yon diba? Sabihin niyo ng assuming ako masyado, pero kasi, parang eto na 'to e. Malay natin, ako pala ang magpapabago sa preference niya diba?

"Well, sige, pag-usapan natin bukas. Mukhang kailangan mo ng bumalik sa mga kaibigan mo e." Sinilip niya mula sa likuran ko ang dalawa kong makukulit na kaibigan na naroon pa rin sa ilalim ng punong mangga. Nakasilip kasi ang dalawa na parang kating kati nang makiusyoso sa pinag-uusapan namin ni Brix. Bigla tuloy akong nahiya.

"Sige. Siya nga pala, mabuti wala kang pasa." Sabi ko habang nakatitig sa mukha niya.

Ngumiti na naman siya ng pamatay niyang ngiti. "Paano ako magkakapasa e pang-lampa 'yung suntok ng lalaking 'yon. Sa aming dalawa siya ata ang bakla e." And he rub the corner of his lips with his thumb. Grabe, ang gwapo talaga! Hindi ko na tuloy naiwasang matulala. Kung hindi pa siya nagsalita ulit, baka napako na hanggang gabi ang mga mata ko sa kanya."Basta thanks again, Amie."

"N-No problem." Shocks! I stuttered. Kainis!

Pagkasabi ko no'n, kumaway na siya at naglakad paalis. Hay... Alam ng langit kung gaano akong nagpigil na magpakita ng anumang senyales na kinikilig ako. Mahirap na, baka mahalata pa niyang mahal ko siya. Baka kasi kapag nalaman niya, katakut-takot na rejections ang abutin ko.

'Pag balik ko sa tambayan, isang mahabang "Uyyy" ang isinalubong nila Deann at Jessi. Ang mga babaeng 'to talaga! Palibhasa hindi nila kasama ngayon ang mga boyfriends nila kaya ako ang nakita at pinag-ti-trip-an. "Anong pinag-usapan niyo?" Tanong agad ni Jessi pagkatapos ng mahaba nilang "Uyyy"

GayXGirl Series 1: To The Gay I Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon