🦄Chapter Ten🦄

1.8K 72 5
                                    

Hindi ako makabangon sa araw na 'to. Alas dose na.

Totoo nga siguro talaga na mas matindi ang force of gravity tuwing umaga. Gravity ba ang may kasalanan nito, o mabigat lang talaga ang dinadala ng puso ko?

Hah! Whatever the reason is, wala pa rin talaga akong balak na tumayo. Kahit pa kinakatok na ako ni Aling Goya. "Amie, andito na sila Deann. Hindi na ba talaga tayo tutuloy?"

Mamaya pang hapon ang musical nila Brix. Masyado namang excited ang mga ito. Tsaka, hello? Hindi ba nila alam na nasasaktan pa ako? Baka malamang sa malamang, hindi na ako pumunta sa musical na 'yon. Lalo lang lalalim ang sugat. Baka ikamatay ko pa.

"Hay naku, kagabi pa yan ganyan. Ang mabuti pa, kayo na lang ang pumasok sa loob. Wala ata talaga siyang balak na lumabas dyan sa kwarto niya." Narinig ko pang sabi ni Aling Goya kayla Deann. Ilang saglit nga lang, naroon na sa loob ng kwarto ko ang dalawa. Kaya mas lalo kong isinubsob sa unan ko ang mukha ko habang itinatakip ko pa sa ulo ko ang isa pang unan.

"Huy! Amethyst!"

"Hmm?"

"Ano'ng nangyayari sa'yo? Bumangon ka nga dyan!"

"Hmmm!!!"

Dahil ayaw ko talagang magpa-istorbo, ang ginawa na lang nilang dalawa, pinagtulungan ako. Hinila nila ang dalawang paa ko tsaka ako inihulog sa kama.

Masyadong malakas ang pinagsama nilang pwersa. Hay naku, lumagapak tuloy ako sa sahig.

"Aray ko!"

"Mabuti nga! Nag-iinarte ka kasi! Ano bang ine-emote mo dyan?"

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila. Parang hindi naman nila alam na nasasaktan na ako. Dahil duon, naiyak na naman tuloy ako.

Nataranta sila kaya agad nila akong dinaluhan at inalo. "Amie, 'wag mo na kasing isipin 'yon! Kung bakla talaga si Brix, edi let him be! 'Wag mong sayangin ang ganda mo sa kanya. Hindi mo sya dapat na iniiyakan?"

"Pero, mahal ko si Brix! Mahal ko siya! Hindi niyo kasi ako naiintindihan e. Si Brix lang ang mahal ko."

Wala na nga akong pakialam kung magmukha pa akong tanga sa paningin nila Deann at Jess, hindi ko na kasi alam kung paano pa sasalansanin ang sakit. I become more vulnerable as I think of this. Pinili ni Brix si Archie. Mahal ni Brix si Archie. At ako, pinaasa niya lang sa halik na 'yon. Sana kasi, hindi na lang ako naniwala sa mga pakiramdam at akala ko, sa mga pantasya ko. Hindi sana ako nasasaktan ngayon. Sa pagkakataong ito, wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko.

Kasalanan ko naman talaga. Masyado akong nagpantasya. Masyago akong umasa sa halik na wala namang ibig sabihin para kay Brix. Ako lang ang nagbigay ng kulay duon.

"Hay nako, iba talagang ma-in love ang mga taong tahimik. Wagas. Kung makikita mo ngayon kung paano ka umiyak, matatawa ka sa sarili mo. Alam mo Amie, imbes na umiyak-iyak ka dyan, bakit hindi ka pumunta sa musical at ipaglaban mo 'yang feelings mo. 'Wag kang papatalo. The battle has just begun."

"Alam mo Jess, talo na ko sa laban na sinasabi mo. Hindi mo ba narinig si Brix? Sabi niya, mahal niya si Archie! Mahal niya si Archie!"

"Paano ka?"

Nagkibit-balikat ako. "Kakayanin ko na lang 'to. Alam ko, makakalimutan ko rin siya."

GayXGirl Series 1: To The Gay I Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon