"Bakla ako." He answered seriously.
And those words resounded into my ears hanggang sa matapos ang klase ko sa buong araw na 'yon. Ume-echo 'yun na para bang ginigising ako sa katotohanang hindi dapat ako magkagusto sa taong hindi ako kahit kailan gugustuhin. Hindi naman sa sinasabi kong malabo na siyang magkagusto sa tunay na babae, pero mas malaki ang posibilidad na maging malabo na talaga iyon lalo na't mayroon na siyang karelasyong lalaki.
Sa henersyon ngayon, hindi na takot ang mga lalaking umibig sa kapwa nila dahil unti-unti na itong natatanggap ng lipunan. Hindi na rin isyu ang pagkaka-anak dahil madali lang mag-ampon, maraming bata sa orphanage o kahit 'yung mga bata lang sa kalsada pwede ng kupkupin at ituring na kanila. Wala na sigurong puwang sa isip ni Brix ang mag-asawa man lang ng tunay na babae kaya dapat itigil ko na talaga ito. Pero, bakit ganoon, kahit alam ko na ang bagay na 'to, hindi pa rin nababawasan man lang ang feelings ko para sa kanya.
Sana man lang ma-turn-off ako diba? Pero hindi e. Oo, medyo na-tu-turn-off ako, but that's not enough to make me realize that I should not continue this feelings anymore. Mahal ko pa rin si Brix. Mahal ko pa rin siya kahit ano pa 'yung inamin niya sa'kin.
"Ano ba 'yang iniisip mo?" nagulat pa ako nang tabihan ako ni Aling Goya. "Nobyo ba?"
"Hala! Aling Goya, wala po akong boypren 'no?" todo tanggi ako habang inaayos ko ang mga display sa counter.
"Wala ba? E baka naman may nagugustuhan ka?" tinitigan ko ng mabuti si Aling Goya. Hindi naman siguro masama na sabihin ko sa kanya ang tungkol dito sa nararamdaman ko diba? Isa pa, hindi naman niya kilala si Brix. Hindi ako kailangang mangamba na baka malaman ng lahat ang tungkol sa pagmamahal ko para kay Brix. "O, 'yang tingin mo, pakiramdam ko, malapit mo ng sabihin sa'kin 'yang sikreto mo na 'yan. Bakit hindi mo pa sabihin? Sige na. Para mo n rin akong tunay na ina. Sa akin ka pa ba maglilihim?"
"Aling Goya, kasi po, ang totoo niyan, may nagugustuhan po talaga ako ngayon."
"Talaga? O hindi ba dapat masaya ka kasi nagmamahal ka! Akalain mo 'yun, ang reyna ng kasungitan noong highschool, nagkaka-crush din pala?"
Nagkatawanan kami. 'Yun ang bansag sa'kin dito sa buong diner noong highschool ako dahil nga maraming lalaki ang nagtangkang umakyat ng ligaw pero nasa harap pa lang sila ng pinto ng diner, pinagsinasaraduhan ko na agad sila ng pinto. Ewan ko ba sa mga lalaking 'yon. Hindi naman ako maganda, mga bulag! "Aling Goya naman e." nakalabing sabi ko.
"O, e bakit, totoo naman ah! Natatandaan ko pa nga si Joey. 'Yung batang nasapul sa mukha ng pinto nang saraduhan mo tapos nagdugo 'yung nguso. Hahaha." Napahinto siya sa pagtawa nang makita niya siguro na hindi nababawasan ang mga iniisip ko kahit naghuhuntahan na kami."Gwapo ba?"
"Opo."
"Mabait ba?"
"Sobra po."
"Matalino ba?"
"Napakatalino po!"
"Mahal mo na?" bigla niyang tanong.
I took a long pause bago ako sumagot. "Sa tingin ko lang po. Pero hindi pa po ako sigurado."
"Ano namang problema kung ganoon?"
"Hindi po kasi niya ako magugustuhan." I weakly answered.
"Bakit naman hindi?"
"Kasi po, bading siya."
Sa una'y hindi nakaimik si Aling Goya, inakbayan niya lang ako. Hanggang sa... "Alam mo anak, nalilito lang 'yan. Subukan mong daanin sa dahas. Malay mo, makita niyang hindi niya dapat sinasayang ang kagwupuhan niya sa kapwa niya lalaki. Kung kinakailangang ikaw ang manligaw, gawin mo kung mahal mo talaga. Wala naman kasing imposible kung susubukan mo lang."
BINABASA MO ANG
GayXGirl Series 1: To The Gay I Love [COMPLETED]
LosoweA novel written by Suzie Kim Actual Start Date: July 15, 2013 Yan edited na ang cover... yung mismong story na lang ang hindi hehehehehehehe... Hindi man perfect ang book na 'to pero thanks pa din sa mga bumasa. Edited na din ang story description...