🦄Final Chapter🦄

3.1K 94 42
                                    

Wala ng tao sa loob ng theater. Lahat nakauwi na, pati sila Deanna ta umuwi na rin. Hay, mabuti nga 'yon para hindi na sila makapag-comment pa kay Brix. Alam niyo naman, kapag galit ang dalawang 'yon saisang tao, regardless sa time at sa sitwasyon, aawayin nila 'yung tao. Hindi ko hahayaang sirain nila ang moment nila Aling Goya at Brix.

Tahimik na lang akong nag-hintay sa isa sa mga upuan duon. Na-e-excite na akong makita silang magkasama. Hanggang saan kaya aabot ang ngiti ni Aling Goya? She really deserves to be happy dahil sa dami ng kabutihang nagawa niya para sa amin na mga binigyan niya ng trabaho sa diner. Sa laki ng utang na loob ko kay Aling Goya, ako ang unang taong magiging pinakamasaya kapag nagkasama na sila ulit ni Brix kahit pa ang ibig sabihin no'n e kailangan ko siyang makasama ng madalas.

Nasa malalim akong pag-iisip nang may marinig akong tugtug. Kung hindi ako nagkakamali, ang kantang 'yon ang ginamit sa musical. Nagulat na lang ako nang marinig kong may kumanta. Si Brix.

Hindi ako maaaring magkamali, boses niya talaga 'yon.

No one ever saw me like you do

All the things that I could add up too

I never knew just what a smile was worth

But your eyes say everything without a single word

At nakita ko nga siyang lumabas mula sa stage, suot na niya ang normal niyang damit

'Cause there's something in the way you look at me

It's as if my heart knows you're the missing piece

You made me believe that there's nothing

In this world I can't be

I never know what you see

But there's something in the way you look at me

Kinakanta niya ito habang papalapit siya sa akin. And this moment is really magical. Hindi nga ako halos makapaniwalang nakikita ko siya ngayon. Hindi ako makapaniwalang kinakantahan niya ako ngayon.

If I could freeze a moment in my mind

It'll be the second that you touch your lips to mine

I'd like to stop the clock, nananananana... stands still

Naiiyak na ako e,.. bigla pa siyang nagkamali sa lyrics kaya bigla na akong natawa. Iyak tawa ang drama ko ngayon...

'Cause baby this is just the way

I always wanna feel

Sa wakas nakalapit na siya sa akin. And I can't hardly breath because of that. Ganoo pa rin ang epekto niya sa akin sa kabila ng mga nangyari. And what was the purpose of this? Bakit niya ako kinakantahan? Mag-so-sorry ba siya?

Bakit kailangan pang may kanta?

He reached for my hands as he sang again

'Cause there's something in the way you look at me

It's as if my heart knows, you're the missing piece

You made me believe that there's nothing

In this world I can't be

I never know what you see

But there's something in the way you look at me

Pagkatapos ng, sige na nga, nakakakilig niyang pagkanta, hinaplos niya ang mga mata ko. "Namamaga nga. Umiiyak ka daw? Bakit?"

Umiwas ako ng tingin. Si Aling Goya siguro ang nagsabi. "Wala lang. Nag-aadik kasi ako."

Tinawanan niya ako. "Nag-aadik sa akin? Malala na 'yan ha?"

Hinawi ko ang kamay niya nang maalala ko ang sinabi niya kahapon kay Archie nang mag-usap sila na ipinagtaka niya talaga. "Ano pang ginagawa mo dito?"

"Bakit? 'Di ba, sabi ko sa'yo mag-uusap tayo pagkatapos ng play?"

"Para saan pa? Diba, mahal mo si Archie? Siya talaga ang mahal mo. Kung mag-sosorry ka sa'kin at sasabihin mong hindi mo kayang tanggapin ang pagmamahal ko, bakit kailangan may ganiito pa?"

"Kasi nga mahal kita."

Biglang huminto ang mundo ko sa pag-ikot. I am so stupid. Oo nga naman, kung mag-sosorry lang siya dahil dudurugin niya lang ang puso ko, bakit pa siya mag-e-effort na kantahan ako diba?

"Bakit mo naman naisip 'yan? Nakikinig ka ba kahapon sa'min ni Archie?"

Napuyuko ako kasi guilty. "Sorry. Kasi naman... curious."

"Curious... tingnan mo 'yang pakikinig mo, mali pa. May kulang. Hindi mo siguro tinapos. Dapat kung makikinig ka na lang din sa pag-uusap ng iba, nilubos mo na sana."

"Kulang? Maliwanag ang narinig ko." I insist.

"Pero siguro, tumakbo ka kaagad." Natawa na siya ng husto. "Sabi ko sa kanya... 'Mahal kita. Mahal kita, alam mo din naman 'yon diba?' tapos, eto 'yung hindi mo narinig. 'Pero, mas mahal ko si Amie. I love her more than anything else tulad ng pagmamahal mo para sa'kin.'"

Dahil duon, nasugod ko siya ng yakap. Iyak tawa na naman ako. At hindi ko na nga napigilan pa ang sarili kong halikan siya sa pisngi.

"Mahal na mahal kita, Brix. At pangako, hindi kita sasaktan."

"Alam ko naman 'yon. And I promise not to break your heart too. I love you Amie."

..Wakas..

🎉 Tapos mo nang basahin ang GayXGirl Series 1: To The Gay I Love [COMPLETED] 🎉
GayXGirl Series 1: To The Gay I Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon