Chapter 1: The Orphans

48 0 0
                                    

I know this is a fanfic story but sorry I won't be using their real names. Hindi lang kasi bagay sa characters.

Genres: Teen fiction, fan fiction, humor, romance and comedy

Well, yes. Maybe dito sa first chap you'll be like: Sang banda ang comedy? Joke ba 'to?

Guys, trust me. RomCom talaga ang aim ko sa story na 'to and I want this to be realistic that's all :) okay.

(Ang dami na pa lang reads kahit papano! :) sorry kung ngayon lang nag-update kahit naka stuck lang 'to sa drafts ko, medyo hectic sched ko-- arkiii!! Hahaha okay)

Omaygad. Dizizit.

=============

*Chapter 1: The Orphans*

//Astrid's POV

Habang lumalayo ang magarang kotse na aming sinasakyan, muli kong tinignan ang lugar kung saan ako lumaki.

*St. Therese's Orphanage*

Medyo naluha naman ako, ang sakit lang kasing isipin na malalayo na kami sa lugar na 'yon, mamimiss ko sila mother :( at yung mga orphans na parang kapatid ko na rin. Wala eh, ganun talaga ang buhay naming walang mga magulang. Mabuti nga at sa orphanage pa kami napunta hindi kagaya sa mga musmos na ginagawang pulubi or pinagagawa ng mga di-kaaya-ayang bagay.

Bigla namang hinawakan ni Kaylie yung kamay ko, halata rin sa mukha niyang malungkot siya.

"Kaye..." sabi ko

"Astrid.. Kaya natin 'to, matapang tayo hindi ba?" saka niya kami tinignan isa-isa. Hindi ko man sila kadugo, higit pa ron ang pagmamahal ko sa kanila.

"I know, we can make it through this." gulat ba kayo? Sosyal na orphan? Well, sorry nagpapractice lang. Mayaman kasi ang umampon sa'min, big time eka nga. Nakapag-aral naman kami nang ayos. Yung umampon samin ang nagiisponsor sa orphanage, at eto ang kapalit, ang ampunin kami. Ayos lang naman, medyo nakakatakot nga lang at maraming bodyguards but oh well.

Hindi pa namin siya nakikita kahit kailan, secretary niya ata itong kasama namin ngayon? Well, ewan kasi lalaki siya, hindi ba't kadalasan babae ang ganon?

"I haven't formally introduced my self yet." Nabaling ang atensyon naming anim sa nagsalita, yeah anim kami.

"I'm Mr. Kim, Kim Seung Ho, Mr. Song's secretary." nag nod lang naman kami, ano ba dapat? Beso-beso?

"Nice to finally meet you, Danielle, Russelle, Emily, Elleina, Kaylie and Astrid. If I'm not mistaken." tapos nag chuckle siya, weird? Pero may itsura naman siya, kaya lang mukhang nasa 25 pataas na ang edad niya.

"Ang dami niyo kasi, kaya medyo nakakalito." Uhmm.

"Oh well, please don't feel awkward with me. From now on, well see each almost every day." saka siya ngumiti. Napansin niya 'yon? Ay! Nga pala, bakit... bakit ang cute niya kapag nakangiti? Hehehe.

At...ano raw?? Almost e ve ry day? Omg. Why?

Bakas sa mga mukha namin na naguguluhan kami, kaya dinaan na lang niya sa ngiti niya. Ngeks.

After 30 minutes...

WOW. AS IN WOW. Tinignan ko ang lima at nakitang pare-pareho lang naman kaming gulat. Kasi, what the heck? Ang.. Ang laki naman ng bahay-- I mean, mansion na ito eh!! Sampung orphanage ata ang katumbas nito? 3-storey mansion tapos yung bakod pa, jusko bakod ba ito?! Eh napakalayo nung main door mula sa main gate!! Obligadong mag sasakyan! At yung main gate bongga automatic na nagbubukas pero may surveillance camera!

"Oh My Gee."

"Am I dreaming?"

"Like seriously?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[EXO] Challenge AcceptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon