1

42 3 0
                                    

"Vigafria! Pinapatawag ka sa Principal's Office! Ano? Tulog na naman?! Gisingin niyo nga iyan! Ibabagsak ko talaga ang batang iyan! Naku!"

"Elise.. Gising daw uy! Tawag ka sa Principal's Office." Dinig ko ang beses ni Tandang Sisa at Betty. "Hmm?" Marahan kong iminulat ang mga mata ko. "Aba! Gising na pala ang prinsesa!" Sarkastikong pahayag ni Tandang Sisa. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Ngumiti ako sa kanya. "Oo, nagising ang prinsesa, ang ingay mo kasi, Tandang. Mahiya ka naman sa akin." Sagot ko.

"Aba't- hay naku! Pumunta ka na nga sa Principal's office! Baka maubusan ako ng dugo sa konsumisyon sayo! Jusmiyo!" Nagtawanan kami mg mga kaklase ko. Tumayo ako at mabilis na lumabas ng classroom. Mamaya na ako pupunta ng Principal's office. Makakapaghintay naman siguro sila sa akin.

Dumiretso ako sa canteen at naghanap ng makakain. "Ate, isang spag nga tapos coke."

"50 lahat, Miss." Wika ng tindera at inabot ang tray na may spag at coke.

Mabilis kong kinapa ang bulsa ko. Shit naman, oh. Ngayon ko pa nalimutan ang magdala ng pitaka! "Ate, pwede bang mamaya ko na lang bayaran? Naiwan ko kasi-"

"Ay, miss! Hindi na ako maloloko sa ganyan! Kung wala kang pambayad, wag kang kumain!" Ungot niya at mabilis na binawi ang tray.

Tangina naman. Pagkain na yun, eh. Umismid ako at inirapan ang tindera. "Tss, maldita! Hindi naman maganda!"

Nilibot ko ang aking tingin sa buong cafe. Konti na lang ang tao dito dahil tapos na ang 1 hour break namin. I sighed. Gutom na talaga ako. Tch! Mangungutang na lang ako, hindi naman ako pwedeng bumalik sa room.

Naghanap ako ng kakilalang pwedeng utangan. Fudge, wala akong mga kakilala dito! Puro mga Juniors at Sopho ang mga nandito.. well, except sa isa. Senior din sya. Kilala ko sya actually pero ugh! Sige na nga! Bahala na!

Lumapit ako sa table nya at umupo sa kanyang harap. I cleared my throat. I saw him fix his eyeglasses and looked at me with a blank expression. I smiled a bit. "Hi, Senior ka rin diba? By the way, ako nga pala si.."

"Elise Vigafria." Sagot nito.

I awkwardly laugh. "Uhh.. you know me."

Hindi sya sumagot at nagpatuloy lang sa pagbabasa. "Bakit dito ka nagbabasa? Ayaw mo ba sa Library?" I can't help but ask. Hindi pa rin sya sumagot. "Why are you.."

Nilingon nya ako at sumagot. "'Cause I don't want to read around noisy people like you."

Aray naman.

"You're harsh."

Hindi na naman sya sumagot. Really? Like really? Pagak akong natawa. "Alam mo, ikaw pa lang yata-" Hindi na ako natapos sa sasabihin ko dahil marahas nyang nilapag ang libro nya. "What do you want?"

Nagulat ako sa 'outburst' nya. "Uhh, nothing. I just came by to say hi. Sige. Bye!" Tumayo na ako at naglakad palayo sa kanya. Mariin akong napapikit. Fudge, I can't believe na kinabahan ako ng sobra ng dahil lang sa kanya. Nawala tuloy ang gutom na kanina ko pa iniinda. Napalitan ito ng kaba, at.. hindi ko alam.

Papalapit na ako sa classroom namin ng maalala ko na pinapapunta pala ako sa Principal's Office. Lumihis ako ng daan at dumiretso na doon.

Dati, kinakabahan pa ako pag pinapatawag ako ni Mrs. Wyndham, ang Principal namin. Pero ngayon, I just don't care. Nasanay na ata ako. At mukhang nasanay na din sya sa akin. Kahit ang parents ko, hindi na nagtaka na pinatawag na naman ako.

"Good morning, Mrs. Wyndham. Pinatawag niyo raw po ako?"

"Sit down, Ms. Vigafria."

Umupo ako sa tabi ni Mama na nakahalukipkip. "So, since nandito na rin ang lahat? Magsimula na tayo."

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon