4

18 0 0
                                    

Pagkatapos ng party ay umuwi na agad ako. Hindi na nakisabay sa akin sa Matthew dahil sasama siya kina Tita Loren pag uwi. Pero kasama ko pa ang mga pinsan kong sina Gwyn at Julliene. "Hindi ko maintindihan kung bakit pa sumali si Mama sa eleksyon! Hindi pa ba sila nadadala?" Pagrereklamo ni Gwyn.

Si Gwyneth Lim ang bunsong anak nina Tita Susan at Tito Cedrick. Siya ang nakatatandang kapatid ni Matthew. "Kung pwede lang talagang palitan ang apelyido ko.." Dagdag pa nito. Katulad ko, ayaw niya rin na sumali na naman sa eleksyon ang mga magulang niya. "We have no choice, Gwyneth. Nasa kanila ang desisyon, wala sa atin." Wika ni Julliene at inayos ang kanyang eyeglasses.

Si Julliene Dawson naman ang nag iisang anak nina Tito Enrico at Tita Bernice. Parehas sila ni Gwyn na mahaba at straight ang buhok. Ang pagkakaiba nila ay kanilang mga mata. Si Gwyneth at Matthew ay may singkit na mga mata dahil si Tito Cedrick ay half Chinese. Habang si Julliene naman ay may foreign blood dahil kay Tita Bernice. Ako naman ay may di gaanong mahabang buhok, at wavy ito sa dulo.

"Kahit na! Can they please consider us, too? Tayo ang nadadamay sa mga ganyan eh!" Pagrereklamo niya. They are both 2 years older than me. Tahimik lang akong nakikinig sa reklamo niya. Pre occupied pa rin ako dahil sa mga sinabi ni Jonford sa akin kanina.

Hindi ko talaga siya maintindihan. What is he talking about? Is this still about the 'trouble' he said? Geez. Bakit ko nga ba siya iniisip in the first place? As if naman gusto ko siya. Duh!

"But you know, I'm happy din na sumali na ang Ferrariz sa atin! Like, I'm gonna see Marcus na every party!" Ani Gwyneth. Umirap na lang ako sa hangin. It's not like I don't like Marcus, I just.. I can sense that there is something wrong with him. Mukha kasi siyang may gagawing masama. I don't know if it's because of his eyes or aura.

"How about you, Julliene? May like ka ba sa mga Veneracion? How about.. Gerome! Yeah, Gerome's kinda hot though.." Wika ni Gwyneth na parang nag iisip. Julliene fixed her glasses and stared blankly at Gwyneth. "Wala sa isip ko mga ganyan, Gwyn." Seryosong wika niya.

Umirap naman si Gwyneth. "Yeah, right. Kasi yung gusto mo pala ay si Justin Gatchalian. Anyways, nakita mo ba siya sa party kanina? I heard sila na nung Kythe Tan?"

Sobrang updated talaga si Gwyneth. I wonder where she got those infos.

Biglang tumamlay ang mukha ni Julliene. "I don't know.. Sila na pala? Good for them." She looked away.

I almost frowned nang sa akin naman lumingon si Julliene. "How about you, Elise? Do you have.. You know.." Sabi niya sabay hagikhik.

"Wala, Gwyneth. I don't have time for that." Mariin kong wika. Akala ko ay titigilan niya ako bagkus ay tumawa pa siya. "Seriously? Care to explain.. What I saw awhile ago? Like you and a Ferrariz?"

Humarap ako sa kanya at umirap uli. "I don't have to explain anything." Napasandal ako sa aking upuan. "Really? Hmm, parang meron, eh."

I sighed. "Geez, Gwyneth! Of course mag uusap kami because we are schoolmates, for god's sake! Stop overreacting!" Naiinis kong saad sa kanya. I don't really get her. Like what's wrong kung mag usap kami? As if naman may ginawa kaming hindi kaaya-aya. Geez.

I heard her laugh again. Para siyang tanga. Nawawala na nga ang mga mata niya dahil tawa siya ng tawa. Pesteng intsik 'to. "Defensive ka masyado, cousin! Chill lang! I was just asking, okay?" Tinapik niya pa ang braso ko. Tumahimik na lang ako at tumangin sa bintana.

Malalim na ang gabi pero buhay pa rin ang lungsod na ito. Kung tutuusin, ang General Santos ang isa sa mga mauunlad na lungsod sa Mindanao. Thanks to the good governance of my ancestors. From my great grandparents hanggang sa Lola at Lolo ko, lahat sila ay nagsilbi na dito.

I heard Gwyneth sighed. "Have you talked to Matthew, Elise? Susuwayin niya ba talaga sina Mama?" Mahinang tanong niya.

Umiling ako. "We haven't talked about it. Pero.. He broke up with the girl na. I think susundin niya sina Tita Susan.." Sagot ko.

"I pity him, though. Gusto ko si Rosh para sa kanya. But she is a distraction for him." Dagdag ko pa. Hindi na sumagot si Gwyneth.

Madaling araw na akong nakarating ng bahay dahil hinatid pa namin si Gwyneth at Julliene sa mga bahay nila. Marahan kong hinubad ang dress at heels na suot ko. Gusto ko munang magbabad saglit sa shower.

I'm dead tired but I can't sleep. Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatitig sa kisame. All I could think is how intense Jonford's eyes is. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Fuck! I tried closing my eyes for the nth time pero ganoon pa rin. His eyes, his gaze..

Crush ko na yata siya.

Or better yet,

Crush ko naman talaga siya.. Hindi lang ako aminado.

Note:
UNEDITED. Ulit. Oo. Sorry na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon