"Miss Vigafria, late ka na naman!"
Ugh. What's new? Kailan ba ako naging maagap aber?
"Ano na naman ang excuse mo, huh?" Tanong ng prefect sa akin.
"I'm too lazy to get up. Yun po ang excuse ko." Patamad kong sabi. Nag alburoto si Maam Prefect dahil sa excuse ko. "Aba't- anong klaseng excuse yan? Sa tingin mo ba ay magandang rason yan? Ha?"
Uulit na naman ba ako sa speech ko kahapon? Umirap na lang ako sa hangin. "Alam niyo po, Maam Prefect, mas mabilis pong matatapos ang trabaho ninyo kung bibigyan niyo na lang po ako ng slip. Try niyo po. Mabisa yun." Nakangiti kong wika sa kanya.
"Oh, ayan! Wag ka ng uulit! Kung hindi-"
Hindi ko na sya pinapatapos pang magsalita. "Thank you po! Ang ganda niyo ngayon Maam Prefect!" Wika ko sabay tawa. Kung alam mo lang Maam, mukha ka pong makulay na siopao dahil ang kapal ng make up nyo.
Lumabas na ako sa Office of Discipline at napadaan sa Guidance Office. Sakto namang narinig ko ang pag uusap sa loob ng office.
"Maam, hindi na po ba talaga magagawan ng solusyon ang kaso ni Frances?"
Frances.. Frances Torres? Siya yung.. Oh well! Wala naman akong paki sa kanya, I'm not even close with her. Hindi na sana ako makikinig sa usapan kung hindi ko lang narinig ang pangalan ni Jonford.
"Jonford.. You know we can't do that. Nasira ang reputasyon ng school dahil sa eskandalong iyon.. We are a Catholic School for god's sake, Ferrariz! Intolerable ang nangyari sa kanila.."
Lumapit ako ng kaunti sa pintuan para marinig ang usapan nila. I know, I know, ako na tsismosa. Hell, nakakacurious kaya ang kaso ni Frances Torres! Kung sino ang nag upload at sino ang kumuha ng video ay walang nakakaalam! Gosh, nung napanood ko yung video, grabe. She's wild!
So, Jonford's not into innocents, huh? Fuck. Gusto kong matawa sa iniisip ko. I wonder if he's a virgin? Of course not! Hell, wala naman atang virginity ang mga lalaki.
"But, she's a victim! Miss, wala siyang kinalaman dito! Kung sino man ang sira ulong nagpost nun ang dapat na maexpel!" I heard him raise his voice.
Wow, ganyan ba sya kainlove kay Frances? Damn, what a lucky slut.
"Mister Ferrariz, you are still in my office and you are not allowed to raise your voice at me." Kalmadong wika ni Miss Pia, ang Guidance Counselor I namin. "I-uh I'm sorry, Miss."
"Naiintindihan ko na mahirap para sa iyo ang nangyari kay Miss Torres.. But rules are rules, and everyone are entitled to follow them."
Well, she got a point. Anyways, I think I should stop being nosy. Mamaya ay makakita pa sa akin dito. Nakakahiya naman. I was about to go nang magkasalubong ang tingin namin ni Jonford. Awtomatikong kumunot ang noo niya ng makita ako. Palinga-linga pa siya sa paligid bago nakipag usap sa akin. "What are you doing here? Don't tell me.. nakikinig ka sa usapan namin ni Miss." Mariing wika niya.
Suminghap ako. Damn, dapat kanina pa ako umalis, eh! Stupid! Yes, nakikinig ako! Pero siyempre hindi ko aaminin iyon. "Of course, not! Nandito ako dahil kakausapin daw ako ni Miss Pia!" Sagot ko sa kanya. Duh, as if naman wala akong excuse kung bakit ako nandito diba.
Hindi na siya sumagot at nilampasan ako. He looks sad, though. Ikaw ba naman, masangkot sa scandal ang girlfriend mong haliparot, hindi ka ba naman malulungkot? I mentally laughed at my own sarcasm.
Bago pa siya makalayo ay tinawag ko na siya. "Jonford!" Tumigil sya sa paglalakad at lumingon sa akin. "Ikamusta mo na lang ako kay Frances ha! Tell her I saw the video! That was hot!" Sigaw ko. Mukha naman siyang mag aalburoto sa galit. Well, I didn't mean it though. Gusto ko lang siyang inisin. Imbes na sumagot sa akin ay tinalikuran niya lang ako at naglakad nang muli.
BINABASA MO ANG
Forever Yours
General Fiction"Mahal mo pero hindi pwede. Mahal ka pero hindi ka pa handa. Mahal niyo ang isa't isa pero mali ang pagkakataon." Jonford Ferrariz and Elise Vigafria