3

16 1 0
                                    

Pagkatapos ng last period namin ay umalis na agad ako. Hindi na ako nagpaalam kay Bryan at Matthew. Malalaki na sila, for sure kaya na nila ang mga sarili nila. Pagkalabas ko ng gate ay dumiretso na ako sa sasakyan namin. "Maam, hihintayin niyo pa ba si Sir-"

Pinutol ko siya sa pagsasalita niya. "Huwag na po natin siyang hintayin. Ihatid niyo na po ako sa bahay. I'm tired." Sabi ko at sumandal sa upuan. Wala naman ako masyadong ginawa ngayon pero pagod talaga ako. Siguro ay dahil ito sa puyat ko kagabi. Maaga na talaga akong matutulog mamaya.

"Alam na po ba ito ni Sir Matthew?" Tanong ng driver. "Oo, alam na niya. Hayaan niyo nga ang gunggong na iyon! As if naman hindi yon marunong umuwi ng mag isa.." Sagot ko at pinikit ang aking mga mata. Ugh, gusto ko na talagang umuwi. Kating kati na akong humiga sa kama.

Nabigla ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. It was Emmanuel, kapatid ko. "Yes, Kuya?" I greeted at napahikab ako. "Elise.. May dinner kina Lola mamaya. Wear something formal. Tell Matthew, too." Wika nito. Bumuntong hininga ako. "Kuya, sasali na naman ba si.."

"No, Elise, si Tito Rick, Tita Susan at Anne ang sasali sa eleksyon. Don't fret. Susuportahan lang natin sila.. Come on, loosen up! The party starts at 8." Natatawang wika ni Kuya. I frowned. "Okay, I'll tell Matthew. Bye." Binaba ko ang tawag at muling pumikit. Alas kwatro pa lamang ng hapon. May oras pa ako para magpahinga.

Medyo malapit lang naman ang bahay namin kaya mabilis kaming nakarating. Tinext ko na si Matthew tungkol sa party mamaya ngunit di naman siya nagreply. Sinalubong ako ng mga katulong at tinanong nila kung may kailangan ako. "Nothing, I just wanna rest." Nilampasan ko sila at dumiretso na sa kwarto ko.

Hinubad ko ang uniform na suot ko at dumiretso sa bathroom. I turned the hot shower on at nagbabad saglit.

Naalala ko na naman ang sinabi ni Jonford sa akin kanina.

"You smell like trouble.."

I smirked. His girlfriend, who is a one hell of a bitch, eh anong tawag niya doon? Geez. Ang hirap sa mga taong inlove, masyado na silang nabubulag sa katotohanan. Porke't mahal na nila ang isang tao, sasambahin na nila ito na parang perpektong nilalang at ilalagay sa pedestal. Tapos pag nagbreak, magigising sila sa reality- na walang perpekto sa mundo. Paunti-unti na nilang mapapansin ang mga kamalian sa isa't isa.

Pagkatapos kong maligo ay nagpalit ako ng damit pantulog at nagpahinga saglit.

I heard several knocks on my door kaya napilitan akong bumangon para buksan ito. "What?" Antok ko pang saad. I saw Matthew wearing a long sleeved polo na nakatupi sa bandang siko. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang suot kong pantulog. "Elise, you should start fixing yourself. Sabay na tayong pumunta kina Lola." Humikab ako at tumango sa kanya.

Naligo ulit ako at nagsuot ng simpleng itim na dress. Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking mahabang buhok. Hindi naman ito magulo tingnan at medyo nagmamadali na rin kami dahil magsisimula na ang party. Lumabas ako ng kwarto dala ang aking purse at dumiretso sa sasakyan. "You ready?" Tanong ni Matthew. Tumango lamang ako sa kanya.

Maraming pulitiko ang nasa party ngayon. Palibhasa kasi ay malapit na ang eleksyon at ipapakilala na ang mga kasali sa partido nina Lola. Nakita ko ang mga Cuenca, Gatchalian at Tan. Sila ang mga sikat na pulitiko sa lugar namin. "Eli, let's go? Hinahanap na daw tayo ni Lola." Tinawag niya ako at sumunod ako sa kanya.

"Oh! Nandito na pala ang dalawa ko pang apo! Matthew, Elise, come here, apo." Nakangiting saad ni Lola ng makita niya kami. "Here.. Here is Matthew Lim. Anak ng pangatlo kong anak na si Loren." Wika niya habang pinapakilala si Matthew sa mga bisita. "And here.. My lovely apo, Elise Renee Vigafria. Only daughter nina George!" They all smiled at me and I just nodded.

"Matthew, Elise, they are the Ferrariz.."

Nanlamig ako ng marinig ko ang apelyidong iyon. Ferrariz? Hindi ba't iba ang partido nila? Nagsalita ang isang babae na nasa mid-40's.

"This is Alvin and Lyca.."

What happened? Maraming tanong sa utak ko ngayon pero ni isa ay hindi ko masagot.

"This is Marcus. There is Louie and Louella. And Jonford is.. Marcus? Where is he? Magpapahangin? Oh, okay."

Umalis ako sa table ng nga Ferrariz at nagpahangin muna sa terrace ng mansyon. Dala dala ko ang wine na kinuha ko sa waiter kanina. Huminga ako ng malalim. I'm trying to calm myself here. Grabeng coincidence na talaga ito. Pati ba naman sa social gatherings ng pamilya namin ay magkikita kami? Oh, is this even a coincidence?

"Hey.." Napalingon ako sa nagsalita. Tipid siyang ngumiti sa akin. "Kuya Ezekiel.."

"You seemed shock nung pinakilala ka sa mga Ferrariz kanina." Panimula niya. Uminom ako mula sa wine glass na dala ko. "Yeah, I was quite surprised.. Diba nasa kabilang partido sila nung nakaraan?" Sagot ko. Kahit naman high school pa ako, may konting knowledge naman ako pagdating sa pulitika. Well, my family's world revolves here. Aside from businesses, involve din ang pamilya ko sa pulitika. Mahinang tumawa si Kuya Ezekiel. "Alam mo naman siguro ang nangyari sa kasalang Buencaflor at Ferrariz last year diba?"

"Oh, that. Yes, I remember." Sagot ko. "Well, because of that nagalit ang mga Buencaflor sa kanila. Napilitan silang humanap ng ibang partido para sa eleksyon." Pagapapaliwanag niya. So.. That explains why. Pero bakit pa kailangang lumipat ng partido? Ang babaw naman ng rason.

"Why us? Why not the other parties? For sure marami naman ang nag offer sa kanila, right?" Tanong ko. Nagkibit balikat sa kuya sa tanong ko. "Business, Elise. Marami silang business and Lola can build a partnership with them. As easy as that."

Umiling ako. "Our family is so.." Hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil may isang nakakuha ng aking atensyon. Kuya Ezekiel sipped his wine. "I know, magulo. Well, we have to get used to it." He chuckled.

"Uh, Kuya.. I better go downstairs. May ichecheck lang sa baba."

"A'right."

Agad akong umalis sa terrace at napunta ako sa hall na pinagdausan ng party. "Elise! Come here, anak!" I want to frown. Wrong timing! Lumapit ako sa table nila Papa. "This is Elise Renee.. My daughter." Pagpapakilala niya sa akin. "Ang laki mo na, Elise. Para ka nang model!" Ani Tita Rona. "Baka naman may nobyo na iyan, George." Natatawang wika ni Tito Rick. "Bata pa si Elise, Enrico. Wala pa sa isip niya ang mga bagay na iyan." Seryosong wika ni Papa. Tipid akong ngumiti sa kanila.

"Anong year ka na, Elise?"

"Fourth year high school po."

"Oh? So magkokolehiyo ka na pala.. Anong kursong kukunin mo? I'm sure it's business or politics related course." Wika ni Tita Allie. "Accountancy po.."

"Diba sa St. Benedict's ka din nag aaral? You've seen my son, Jonford?" Tanong ng babaeng nasa mid-40's na din. She looks so beautiful. Tumango ako. "I've met him already sa school because we are batchmates pero, I haven't seen him tonight.."

Marami pa silang tanong sa akin at agad ko naman iyong sinagot. Umabot din ng 15 minutes ang pakikipag usap nila sa akin. Buti nga at may balak pa silang hayaan akong umalis. Nagmamadali akong bumaba at pumunta sa garden ni Lola. Dala ko pa rin ang wine ko kanina. Nasa harap siya ng Koi Pond. He looks serious. Nakasuot siya ng itim na long sleeved polo at tulad kay Matthew, nakatupi ito hanggang sa siko. Tumabi ako sa kanya at ininom ang natitirang laman ng wine ko.

"Stalker nga talaga kita." Pagbibiro ko. As usual, hindi na naman siya sumagot. "I'm starting to think you are really creepy, Jonford." I laughed at my own humor. That was awkward, I know. "This is all coincidence, Vigafria.." Mahinang wika niya. I stared at him. His features is very dark. Yung lalaking lalaki. And his body, aakalain mong college na siya dahil sa built ng katawan niya. "I'm starting to get creeped out too." Bulong niya. Napalunok ako ng dumako ang tingin ko sa ilong niya, pababa sa kanyang labi. I licked my lips. Fuck, ubos na nga pala ang wine.

"This is creeping me out.. I want you far, but it brings me close to you.." Paos niyang wika. Bago pa ako makapagtanong sa kanya ay nakalayo na siya sa akin. I was left clueless and stunned.

Note:
UNEDITED. Pasensya na sa mga errors, sabog lang. Ieedit ko yan pag may time. PAG MAY TIME. Ganern.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon