"Eagle this is Bravo. Papunta na kami dyan para itransfer ang ibang preso. Do you copy?" sabi ni SP01 Cabrera.
"Yes! Bravo. Kamusta ang sitwasyon?"
agad na tanong ni SP03 Galvez na nasa kabilang linya ng radyo.
"Ok naman sir! Mabuti't kasama ko sina Sanders at Lakay. Walang magiging problema sa paglilipat ng mga preso." sagot ni cabrera.
Ng biglang....
BOOM ! ! ! . . .
Isang pagsabog ang nagpatilapon sa ere sa convoy na nasa unahan ng
sinasakyan nila Cabrera, Sanders, at Lakay.
Kasama ang tatlong preso na under ng Maximum security dahil sa mabibigat na krimeng ginawa nila.
"Taena! Sander. Ambush to!" sigaw ni Lakay.
"Anak ng takte naman. Malas."
sambit ni Sander.
"Humawak kayong dalawa!"
Biglang sumigaw si Cabrera.
EeeeeEeEeek! ! !
AAaaAaaaAAAAAAH.! ! !
Sabay preno ni Cabrera ngunit dahil sa sobrang lakas ng preno ay nawala sa timbang ang sasakyan.
Nagpagulong gulong ito hanggang sa bumangga ito sa isang malaking puno na nasa gilid ng kalsada.
Nakataob ang sasakyan. Lahat ng sakay nito ay walang mga malay.
Patay naman ang dalawang pulis na lulan ng unang sasakyan na sumabog.
Bakas sa daan ang pinsalang dulot ng pagsabog.
Maya maya'y isang saksakyan ang dumating sakay ang limang armadong lalake at isa pang lalaki na nakasuot amerikana.
"Kunen niyo yung tatlong preso. Wag nyo ng pagaksayahan ng oras yung tatlong pulis baka abutan pa tayo ng responde ng mga yan."
Utos ng lalaking nakaamerikana na may malaki at malalim na boses.
Dali daling sumunod ang limang lalaki at kinuha ang mga preso at sinakay sa sasakyan habang nakataklob ang mga ulo nito.
At saka umalis na parang wlang nangyari.
________************_________
-Abangan-
BINABASA MO ANG
The Evidence
ActionSi Detective Sander Even ay isang Elite na pulis. Ngunit, hanggang saan ang kayang niyang gawin para sa batas?