Forbes Park, Makati City.
"Ang pangalan ng ating biktima ay Norris Tagayog, 55 anyos, 5'8 ang taas. Natagpuan siyang walang buhay sa kanyang kwarto." sabi ng pulis ng dumating si Lakay at Sander sa Crime Scene.
"Ano na ang progress ng imbestigasyon?" Tanung ni Lakay.
Base sa aming imbestigasyon alas ocho ng umaga nang matagpuan ang bangkay. Nakahiga ito sa kama niya. May hawak na baril sa kanang kamay. May tama ng bala sa kaliwang sentido na tumagos sa kanan. Wala namang palatandaan na nilooban ang bahay. Maayos ang lahat ng gamit kahit dito sa loob ng kwarto." Ayon sa report ng pulis.
"Ibig sabihin isa itong suicide." turan ni Lakay.
"Isa yan sa anggulong tinitingnan namin Sir." sagot ng pulis kay Lakay.
Habang kinakausap ni Lakay ang pulis nagikot ikot naman si Sander sa kwarto.
Sa kanyang pagiikot nakita niya ang basag na salamin ng bintana. Nilapitan niya ito at nakita na puro talsik ng dugo. Naisip niya na dahil sa lakas ng impact ng baril na tumama sa sentido ng biktima ay sumambulat at tumalsik ang dugo nito ng tumagos sa kanang sentido.
"Sanders." Tawag ni Lakay sa kanya.
"O, bakit buddy?" Sagot niya habang nagmamasid pa rin sa kwarto.
"Nakausap ko na yung pulis tungkol sa mga nakalap nilang ebidensya at impormasyon tungkol sa biktima. Ayon sa report biyudo na yung biktima. Kamamatay lang raw ng asawa noong nakaraang taon. Siguro sa sobrang lungkot kaya naisipan magpakamatay." Sabi ni Lakay.
"E, yung ibang pamilya ng biktima? kamag'anakan at anak?" Tanung si Sander.
"Yung ibang kamaganak ng biktima ay nasa probinsiya raw. May dalawang anak ang biktima isang lalaki at isang babae. Sina Duran at Dapne Tagayog. Pareho na silang may pamilya at nakatira di kaluyuan dito. Parehas silang nagtratrabaho sa kumpanya ng kanilang tatay. Sila na ang namamahala nito ngunit mas mataas ang posisyon ng lalaki." Sabi ni Lakay.
"Ganun ba? Wala bang nakaalitan o kagalit ang biktima?" Muling tanung ni Sander.
"Wala naman raw kagalit o kaalitan ang biktima bukod sa maliit na pagtatalo ng mag'aama. Maliwanag sa imbestigasyon na nagpakamatay ang biktima dahil sa depresyon at lungkot."
Turan ni Lakay.
"Hmm. Malinis ang pagkakagawa." Bulong ni Sander sa sarili.
'Hah? Anung sabi mo pre?" Tanung ni Lakay.
"Ah, wala, may naisip lang ako. Bumalik na tayo sa presinto. Pero gusto kong makausap yung dalawang anak ng biktima. Patawag mo sila at papuntahin sa Headquarters natin." Sabi ni Sanders.
"Ok. Masusunod!" Sagot ni Lakay.
"Parang amo kung makapagutos." Bulong ni Lakay.
__________*********_________
Suicide case nga ba ito?
-Abangan-
BINABASA MO ANG
The Evidence
ActionSi Detective Sander Even ay isang Elite na pulis. Ngunit, hanggang saan ang kayang niyang gawin para sa batas?