"I want the both you in my office. Now!" Bungad ni Chief Superentendent Braganza.
Umagang umaga sa istasyon ay bulyaw ang inalmusal ni Sander at Lakay. Mainit ang ulo ni hepe braganza dahil sa nangyaring insidenteng nakatakas ang ililipat sanang mga preso. Pinatawag ang dalawa sa opisina nito. Swerte naman si Cabrera sapagkat naka'confine siya sa ospital.
"Paanu'ng nangyari na nakatakas ang mga preso ng di nyo namamalayan!? Explain that to me!" Singal ng hepe..
"Ambush ang nangyari Sir. Habang binabyahe namin ang mga preso may bigla na lang sumabog. Nakita na lang namin na tumilapon sa ere yung convoy sa unahan namin. Pagpreno ni Cabrera bigla na lang tumaob yung sasakyan at nagpagulong gulong. Nawalan kami ng malay at pagkagising namin wala na yung tatlong preso."
Paliwanag ni Sander.
"Tama si Sander Sir. Ganun nga ang nangyari." Dagdag ni Lakay.
"Pero imposibleng tumakas sila ng walang tulong. May malaking tao sa likod nito." Sabi ng hepe.
"Tama din kayo Sir. Talino niyo talaga."
Pambobola ni Lakay.
"Tigilan mo ko Lakay kung ayaw mong suspindihen kta!" Ngitngit ng hepe.
"At kung sinu man ang may pakana nito ay siguradong may koneksyon sa loob ng departamento natin Sir." Dagdag ni Sander.
Nang biglang may kumatok at diretsong pumasok sa opisina ng hepe.
"Sir, isa po'ng lalake ang natagpuang patay." sabi ng pulis.
"Ok. Maari ka nang lumabas." Utos ng hepe.
Agad namang lumabas ang pulis ng opisina at sabay balik ng hepe sa dalawang kaharap niya..
"Kayong dalawa. I want you to clean up this mess by all means. Are we clear!?" bulyaw ng hepe.
"Yes! Sir! sabay na sagot ng dalawa.
"But for the mean time. Gusto kong asikasuhen niyo muna ito'ng kaso ng pinaslang na lalaki. You can leave now." Huling sabi ng hepe.
"Thank you Sir! sagot ng dalawa.
BLAAGAAG!.
"At lagabog na lamang ng pinto ang huling narinig sa kanilang usapan.
________***********________
-Abangan-
BINABASA MO ANG
The Evidence
ActionSi Detective Sander Even ay isang Elite na pulis. Ngunit, hanggang saan ang kayang niyang gawin para sa batas?