Ilang sandali matapos umalis ng sasakyang dumukot sa tatlong preso ay biglang nagkamalay si Sander.
"Aaah. Anak ng takte. Nabuhay pa!"
sabi niya sarili habang nakahawak sa ulo.
Pinagmasdan muna niya ang buong paligid ng sasakyan at nagulat siya nang makitang wala na ang mga presong kanilang tangan.
Agad siyang lumabas ng sasakyan kahit pipilay pilay at masakit pa ang katawan.
Doon napagtanto na nakatakas ang tatlo habang wala silang malay.
Binalikan niya sa loob ng sasakyan si Lakay at Cabrera. Upang gisingin ang dalawa.
"Lakay! Lakay! Bumangon ka dyan." sabi niya habang niyuyugyog ang buddy niyang pulis.
Dahan dahang nagmulat ng mata si Lakay at pinagmasdan ang buong paligid.
Saka ito bumangon.
"Nakatakas yung mga preso. Nang magising ako wala na sila." sabi ni Sander.
"Hah! ! Imposible yon. Ibig mong sabihin nung nagpagulong gulong itong sasakyan at bumangga sa puno ay tayo lang ang nawalan ng malay. Yung tatlo ay himalang walang galos o pilay at masasayang tumakas habang nagkakandirit sa daan?" sagot ni Lakay.
"Puro ka kagaguhan. Pero imposible ngang nakatakas silang tatlong nang sarili lamang nila." sabi ni Sander.
"MAY NAGTAKAS SA KANILA!" sabay na sabi ng dalawa.
Ginising din nila si Cabrera ngunit hirap ito dahil sa malubhang pinsalang tinamo nito nang bumangga ang sasakyan.
"Bravo! Do you hear me? Bravo! This is SP03 Galvez. Anu nang nangyari sa inyo? masyado na kayong tumatagal." Turan ng SP03 Galvez na nagutos sa kanila na maglipat ng preso.
Biglang kinuha ni Sander ang radyo ng marinig niya ang boses ni Galvez.
"Eagle. This is Bravo. Nagkaroon ng maliit na problema Sir. Over and Out." sagot ni Sander sabay baba ng radyo upang putulen ang usapan.
___________**********________
-Abangan-
BINABASA MO ANG
The Evidence
ActionSi Detective Sander Even ay isang Elite na pulis. Ngunit, hanggang saan ang kayang niyang gawin para sa batas?