Chapter 1: MISS Alluewi Sander

2.3K 29 16
                                    



AUTHOR's NOTE (kahit walang nagbabasa XD) :

I just want to share this story with all of my heart. arte?

Paunawa: Hindi po talaga ako writer. Isa po akong architecture student somewhere down the road. Hindi po gano'n kalawak ang imaginations ko sa paggawa ng story. Ang purpose lang po kung bakit ko pinost ang story na to eh dahil request ng dalawang MAE sa buhay ko ngayon XD birthday kasi nila nung MAY kaya parang eto na yung gift ko sa kanila. Syempre you can read it if you want to. ^_^. Kaya kung may similarities po yung ilang parts sa ibang story eh bunga na din po ng pagbabasa ko sa wattpad. Kaya credits na lang po sa mga author kung may nasama ako na parts similar sa story niyo. I tried my best to make the bigger part of the story with my personal touch. Wala po akong inaangkin I just want all to enjoy reading. Para masaya! ^_^

Anyways maraming thank you po sa mga nag-encourage sa akin na gawin ang story na to. Actually nakakahiya man sabihin unang pumasok sa isip ko to habang naliligo. Ayun kinwento ko sa classmate ko sinuggest niya na ipost ko daw kaya eto pinost ko na.

Kung meron man pong nagbabasa nito ENJOY! ^_^



**

-Someone's POV-

"Iya!" natigilan ako nang marinig ang tumawag sa 'kin. Pamilyar ang boses na 'yon sa 'kin dahil isa lang naman ang tumatawag ng Iya. Masyado akong nalibang  sa pagmamasid sa mala-paraisong lugar na ito. Sariwa ang hangin, berde ang paligid kaya, talaga namang nakakarelax.


Teka? Nasaan nga ba ako?


Hala! Sino kaya 'yung tumawag sa 'kin?


Tinampal-tampal ko pa 'yung mga pisngi ko para matauhan ako. Sinampal-sampal ko pa para intense.


Nako Lord! Bakit n'yo ako kinuha agad! Ni hindi pa ako nakakapag-asawa!


"San Pedro! San Pedro! Magpakita ka! May kailangan kang i-explain!" Taray! Ibang level na ako ngayon! Nakikipag-hide and seek na ako sa Santo!


"Iya!" lingon sa kanan, lingon sa kaliwa pero wala pa rin.


"Iya! What are you doing there?" anak-ng! Hindi si San Pedro 'to! In-english ako e.


Paglingon ko sa likuran, may isang lalaking pamilyar ang mukha na papalapit sa 'kin. Sa likod pala! Hindi ako na-orient! Pero teka? Si ano 'to e.


"I-IOR(eeyor)?" tanong ko. Nilapitan ko pa ng konti to make sure. Si Ior nga!


"I've been looking for you Hon! What are you doing here." What? "Hon" daw?


"Tinawag mo akong--"


"Hon?" pagpapatuloy niya sa dapat na  itatanong ko.


"A-ah oo."


"Of course Honey! You're my beloved wife, " Ay hala! Kinikilig ako! "So let's go? Our son is looking for you." Anak? Anong anak ang sinasabi nito? 

1 Month to Leave You? or 1 Month to Love You? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon