Chapter 23: No need those 3 known words

893 12 6
                                    

A/N: Sorry po talaga sa late update. May pinagdaanan po kasi si author this last few days. Muntik na hindi matanggap yung design plate ko dahil late ng two days. Please pagpray nyo po ako na sana di ako bumagsak sa subject ko. :(

Para sa mga naghahanap ng Ud,eto na po. Pasensya na rin po sa mga nabitin sa last chap.

-Author's POV-

Niyakap ng mahigpit ni Allue ang batang kanina lang ay sumalubong sa kanya.

"I miss you Mama! "

"I miss you too baby. " napaluha naman si Allue sa sobrang saya ng makita ang batang ilang taon din nyang inalagaan.

"Mama, Let's go inside please? " sabi ng bata na hinihila-hila ang kamay nya para pumasok na sya sa loob.

"Ah kasi baby.. " Nag-aalinlangang sagot ni Allue na hindi naiwasang mapatingin kay Rio

"Dada! Please tell her to go inside. " Nagulat naman si Rio sa sinabi sa kanya ng bata. Parang naurong ang dila nya at napatingin na lang kay Allue.

Nagpapakiramdaman, nag-uusap ang mga mata at para bang naghihintay kung sino ang unang sasagot sa bata. Sa huli ay nilapitan ni Rio ang bata at napagpasyahan na sya na lang ang magpapaliwanag sa bata.

"Ah Toby, we need to tell you something. Mama and I are--"

"Are ok! We're very okay! And we're so happy that you're here. Come! Let's go inside.  " sagot ni Allue na pinutol ang paliwanag ni Rio. Hindi maitatanggi na sobrang saya ni Toby na makita sya nito. Ayaw nya na mag-alala ito dahil lang sa malaman nya na may problema sila ni Rio.

Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ni Rio sa mga oras na yun. Pagkabigla, kinakabahan, pero nangibabaw ang kasiyahan nang makitang masaya ang asawa.

Bago pa man makapasok si Rio ng bahay ay may biglang tumawag sa phone nya.

Incoming Call..

Alexa

"You can go inside. I'll just answer this. " Pagkapasok nila Allue ay agad nitong sinagot ang phone.

"Hello? "

(Riiiiiooooooo! Wooooohhhhh! )

"A-aw! Why do you have to shout?! "

(Wala lang. Nakakamiss ka din pala. Nandyan na ba si Toby?)

"Yes. Clifford brought him here. Thank you very much for letting him to stay here. "

(Sus. Wala yun. Wala pa yan sa naitulong nyo sakin ni Allue. Si Allue ang nagparealize sa akin na mahalaga pala talaga sakin ang anak ko.

Alam ko ang nararamdaman nya ngayon. Ako nga, nalayo lang sa akin si Toby noon hindi ko na kinaya, sya pa kaya na ni hindi man lang nabigyan ng pagkakataong makita ang baby nya. )

1 Month to Leave You? or 1 Month to Love You? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon