Kanina pa inip na inip si Althea dahil halos magiisang- oras na siyang nakatayo sa harap ng gate ng Adamson University.
Hinihintay lang naman niya any dalawang makukupad niyang kaibigan. Enrollment kasi ng mga freshmen ngayon at binalak nilang sabay sabay kami na mageenrol.
.........Alex Calling......
Tumawag din ang bruha.
"Hello!!! Asan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay sa inyo. Anong oras na kaya!! 7 ang usapan natin". Pagalit kong sabi sa kabilang linya.
"Chill ka lang bestfriend!!! Cholesterol mo. Hahaha" pabirong pagsagot ni Alex sa kabilang linya. naiimagine kung nakasmirk na siya. Happy go lucky yung isang yun eh. Hindi masyadong seryoso sa buhay.
"Chill ka diyan? Bakit wala ka pa?" panenermon ko
"Traffic eh. Ewan ko ba at hindi pa rin umuunlad ang ekonomiya ng Pilipinas!!!!" palusot . Tamo! lahat na lang talaga pinapalusot niya at dinapay pa ang ekonomiya ng Pilipinas. Kung di lang ako nagmamadali ngayon nakitawa na ako sa kanya. Pero kahit anong pagpatawa niya, galit pa din ako.
"Huwag kang ano diyan. Ang sabihin mo late ka lang nagising!!! Bilisan mo kasi." sagot ko. Ang kupad talaga nung babaeng yun kung kumilos.
"Oo na. Namiss mo naman ako agad. Malapit na ako. See you!!!" Oo, assumera talaga siya.
"Kapal mo --------" Grabe ha. Pinatayan ako ng babaeng iyon. Humanda siya pagdating niya.
"Hoy!!!! Sinong kaaway mo diyan?" salubong na tanong sa akin ni Ashley. Bigla bigla na lang siyang sumusulpot. Tsk! Tsk! Aatakihin talaga ako sa puso dito sa dalawang kaibigan ko eh.
"Ano ka ba naman Ashley. Alam mong magugulatin ako" ako sabay hawak sa dibdib ko. Parang nahulog dahil sa gulat eh.
"Hehehe. Oo nga pala. Sorry bestfriend. Sino ba kasing kaaway mo?" Ashley habang pinapampag likod ko.
"Wala akong kaaway! Late niyo kasing dumating mga ate!!!" - reklamo ko.
"I'm here!!!! Miss niyo na ako? Group hug tayo." Alex sabay yakap samin ni Ashley.
Biglang may narinig naming malakas na boses.
Attention!!!
To all freshmen students, you have only 30 minutes to pass all your requirements for enrolment. We will not be accepting anymore enrollees after the time said. Thank you.
"Tara na!! 30 minutes na lang. Sa susunod be on time!!! ang babagal niyo kasi!! Ang aga aga ko kayang nagising para maaga sanang makapag enroll pero wala eh, pinaghintay niyo lang ako. Matagal na sana akong naka enroll kung d ko kayo hinintay. Alam niyo bang masakit ang maghintay? Lagi na lang ako ang naghihin..." sermon ko yan d lang natuloy, biglang sumingit si Alex eh.
"Sus! Drama rama sa umaga. Tara na nga, andami mo nang nasabi diyan. mamaya na yang malanovela mong sermon."- Alex. oh diba? moment ko yun na manermon eh sisingit at iinsultohin pa ako. nakakahurt siya ah
"Oo nga naman, mamaya na yang sermon mo. Sa Mcdo ka na lang manermon mamaya paglunch. Dun tayo maglalunch. I'm sure may kupit kayo sa allowance"- pag sang-ayon ni Ashley kay Alex. Tapos sabay sabay kaming napatawa, guilty eh kasi merun talagang kupit. hahaha
Sabay sabay kaming tumakbo at baka di pa kami makapasok sa Adamson University.
Kahit galit na galit na ako sa kanila napapatawa na lang ako sa mga kapilyohan nila. hahaha
Adamson University here we come!!!!!!
********
Tell us what you think of this story, guys. Don't worry, we accept criticisms ^_^
First to COMMENT mabibigyan ng reward. Idededicate namin yung next chapter sa unang magcocomment ^_^
Your VOTES will inspire us to write a better story. So, you like this chapter please hit vote.
GirlsNonStopHappines
BINABASA MO ANG
Facebook Friend Request
عاطفيةPosible bang ma in love sa taong nakilala mo lang sa social media tulad ng facebook? Nagsimula ang lahat ng yan sa Friend Request sa Facebook. Tapos naging friends. Second part, chat chat. Nagpakilala ang isat isa tapos kachat paminsan minsan. Han...