2

23 1 0
                                    

Carlos P.O.V.

Kasalukuyan akong nagpapiano , focus na focus ako dahil sobrang hirap ng pinapapiano sakin.



"Nice Carlos , ito patugtugin mo"turo ni tito alfredo . Gone by Jin , napangiti ako dahil favorite song ko kasi ito , sa lahat ng pinapiano ko ito ang pinapatugtog ko lagi .



Habang nagpapiano ako ay napatingin sa labas . May dumating na babae , para itong tulala . Sinundan ko sya ng tingin pero nagitla ako ng ihampas ni tito alfredo ang pamalo nya sa harapan ko . Pagkatalikod ni tito ay tumingin ulit ako dun sa babae . Tulala parin sya .



Naglalakad ako papuntang labas ng bigla nanaman umatake ang sakit ko pero di naman grabe . Kinuha ko ang gamot na lagi kong iniinom , ng makasalubong ko yung babae kanina , pero tulad ng nakita ko tulala parin ito 



Nang makalampas na ako ay tinanong ko si tito kung sino yun pero mahina nya akong tinulak palabas ng bahay .



"Sir Carlos"tawag sakin ni Mang Leo . Lumapit ako kay Mang Leo at nakipag-apir .



"Mang Leo bakit po kayo nandito ??"tanong ko .



"Pinapadalaw ka ng dad mo ."maikling sagot ni Mang Leo , umupo kami sa tapat ng music room kung saan kita ang loob .



"Kamusta si dad ??"tanong ko .



"Ayun gabi parin umuwi , minsan hindi na"sabi ni Mang leo . Nagtango lang ako at tumingin sa loob . Nakita kong pinapalo ni Tito alfredo yung babae .



"Mang leo , sino yung babae ??? bakit sya tulala ?"tanong ko .



"Anak yan ni tito alfredo mo , di sya nakakakita"sabi ni mang leo . Napatingin ulit ako sa babae , nagkakapa ito ngayun dahil nahulog ang candy nya . Iniwan sya ni tito , kaya dali dali akong nagpaalam kay Mang leo .



Dahan dahan akong pumunta sa music room , tumingin tingin muna ako sa tabi bago umupo sa tabi nya .



Nabigla ito ng hawakan ko ang kamay nya . Nakangiti ito habang tinuturuan ko sya , ang ganda nya at napakainosente . Naramdaman ko na may papadating kaya dali dali akong nagtago sa likod ng piano .



Nang maramdaman kong wala ng tao ay tumingin ako sa kanya at  pinatong ang ulo ko sa harap nya at napangiti .



Umupo ulit ako sa tabi nya , at umatake nanaman ang sakit ko kaya napahawak ako sa dibdib ko at napaungol . Kinuha ko ang gamot ko sa bulsa ko .



"Ok ka lang ???"mahinhin  nyang tanong. Nilumod ko muna ang gamot ko bago sumagot .



"ok lang ako , gusto mong candy ???"tanong ko . ngumiti sya at tumango . Kumuha ako ng candy sa ibabaw ng piano at sinubo yun sa kanya , napalapat ang daliri ko sa labi nya . Napatingin nalang ako sa daliri ko at tumingin sa kanya ng nakangiti . ang ganda nya .

GONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon