8

12 0 0
                                    



Nakatingin si Alfredo sa taas , alam nyang nakikinig ang anak nya sa pinapiano kanina ni Carlos , 'i'm sorry anak' bulong ni Alfredo , inalis nya ang salamin nya at umupo sa tapat ng piano at tinapos ang nasimulan ni Carlos .



Sa kabilang banda halos di mapakali si Mr kim ang dad ni Carlos , naiiyak nalang sya sobrang kaba . Natatakot sya na baka mawala na ang anak nya dahil ngayong araw na ito ,mawawala ang anak nya . Nang lumabas na ang doctor ay dali dali silang lumapit ni Mang leo at tarantang tinanong ang doctor .



"Doc kamusta po ang anak ko ???"



"Mahina na ang pasyente at di narin tama ang pagtibok ng puso nya . Pasyensya na po mr kim pero mga ano mang oras ngayon mawala ang anak mo ."sabi ng doctor , halos manghina si Mr kim sa narinig nya . Buti nalang napahawak sya dingding .



-


Pumasok si Mr kim sa ICU kung nasan ang anak nya , halos maluha si Mr kim sa nakikita nya . Madaming nakakabit dito may oxygen na rin na nagpapabuhay sa kanya . Gising si Carlos at pinagmasdan ang ama nyang lumuluha , alam na nya ang dahilan ng mga luhang yun , na mawawala na ako sa piling ng mahal ko sa buhay na makakasama ko na sa kabilang buhay si mom . yan ang nasa isip ni Carlos



Mapait na ngumiti si Carlos sa kanyang ama . Hinawakan ni Mr kim ang kamay ni carlos .



"D-dad"nahihirapan na sabi ni Carlos .



"Sshh Carlos wag kang umimik"sabi ni Mr kim . Hinigpitin nya ang pagkakahawak sa kamay ng kanyang ama .



"D-dad m-may g-gusto l-lang a-akong sabihin"sabi ni Carlos .Tumango nalang si Mr kim ayaw nyang umimik baka bumigay ang mga luhang pinipigilan nya .



"D-ad p-please i-ibigay m-mo k-kay r-reina a-ang m-mga m-mata ko, p-please dad m-mahal na m-mahal k-ko p-po s-sya"pagmamakaawa ni Carlos , Di alam ni Mr kim kung papayag ba sya sa kahilingan ng kanyang anak .



"P-lease d-ad"pagmamakaawa nya ulit . Tumango nalang si Mr kim bilang sagot . Umimik ulit si Carlos at nagulat si mr kim sa sinabi nito .



"D-dad h-humingi a-ako n-ng f-avor k-kay K-uya C-carlo"sabi ni Carlos . Ang kakambal ni Carlos , na si Carlo . Magkamukhang magkamukha sila ni Carlos pero magkaiba ng ugali kung si Carlos ay mabait ,  palangiti , malambing at isang babae lang umiikot ang mundo nya kabaligtaran yun kay Carlo , si Carlo kasi moody , mataray , nakasimangot lagi , di mo maintindihan ang ugali . Si Carlo ay CEO na sa ibang bansa ,sa company nila .



Kaya nagulat si Mr kim sa sinabi ng anak nya dahil di  masyadong nagkakasundo si Carlos at Carlo kaya bata palang pinaghiwalay na sila .



"Anong hiningi mong favor ?"tanong ni Mr kim . Ngumiti sya ng mapait at may pumatak na luha sa mga mata nya na kinataranta ni Mr kim . Tatawag sana sya ng nurse ng hinawakan sya sa kamay .



"D-dad i-im fine . don't w-worry"sabi ni Carlos at pinahidan nya ang luha na dumaloy sa pisngi nya . Kumalma naman si Mr kim at muling umupo .



"D-dad sinabi k-ko n-na p-pakasalan n-nya s-si R-eina a-at p-pumayag n-naman s-sya"sabi nya . Halos di makapaniwala si Mr kim sa narinig , ibibigay ni Carlos si Reina sa kapatid nyang si Carlo .



"D-dad p-please t-take c-care r-reina , a-alam n-ni t-tito a-alfredo a-ang p-pagpapakasal n-ni r-reina kay C-carlo , p-umayag sya d-dhil kapalit y-yun ay a-ang m-mga m-mata k-ko"sabi ni Carlos . Tumango nalang si Mr kim at niyakap ang anak .



"D-dad g-gusto ko ng m-magpahinga"bulong nito na kinakaba ni Mr kim . Di lang yun basta pahinga . Bumitaw si mr kim sa pagkakayakap sa anak  , kita nyang nahihirapan na ito sa paghinga at napapapikit nalang sakit na nadarama . Dali daling tumawag si Mr kim ng nurse , halos maiyak nalang si Mr kim sa nakikita . Nakita ni Mr kim na tumingin sa kanya si Carlos at ngumiti ng maliit , sabay nito ang pagpikit ng mga mata nya . Tumunog narin ang makinang nagsasabing patay na ang anak nya .



"time of death : 5am"sabi nang doctor .

GONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon